09

18 0 0
                                    



"For the first time in forever, Miss Arcilla is late bitches!" 


Bungad na kantyaw ni Tati at ni Niki nang makapasok ako sa CR dahil mini-break namin before starting the first subject for the day. Wag niyo nang alamin kung late ba ako o hindi dahil obvious naman.

Dumiretso kaagad ako dito sa CR ng matapos yung flag ceremony sa lobby at pinapunta na kaming mga late sa kanya-kanyang classroom. Siyempre bago yon pinasulat kami sa offense slip.

At isa pa, mas lalong nadagdagan ang frustrations ko nang maoffense ako as wrong uniform. Kung dati, first time ko lang magcut ng class unintentionally, ngayon naman nagkaroon na ako ng dalawang offense sa isang araw pa lang!

How could that be possible? Ni-wala ngang marka ng kahit isang ballpen yung anecdotal ko bukod sa good remarks eh!

"Bakit ka late sis?" Kuryosong tanong ni Issa at Alexa. Oo nga pala, si Tati lang ang nakakaalam kung bakit late ako ngayon. At  sigurado ako kaya silang dalawa ni Niki ang sumalubong saken kanina dahil ipinaalam niya na ito kay Niki.

In the five of us, we couldn't really avoid na there's two or three in our group na close na close talaga. One of them would be Niki and Tati. They've been so close ever since elementary.

Ang sabi nila samin they were close nung mga grade 5 then they parted ways kase di naman sila magkaklase nung grade 6. But naging friends lang uli sila nung grade 7. Our friendship was very unexpected. This year lang nung naging magbest-friends kami but we were so close compared to others! Our bond was strong dahil siguro, we have lots of similarities. 

Lalo na siguro yung pagiging chismosa, joke. But that one's a fact though.


"Andami kong ginawa, alas tres na ako nakatulog" I informed.

"Bakit? Wala naman tayong gawain na mabigat ngayon ah?" ani Alexa dahil parang nasa sarili na namang mundo. I just ignored the question kase naiirita na naman ako. Hindi dahil kay Alexa but because of that damn asshole.

"Huwag niyo nalang bwisitin si Els, baka magbuga na yan dito ng apoy teh." biro uli ni Niki saken. Hanep talaga tong si Niki at Tati eh, bagay na bagay. Parehas na sutil!

_

"Natapos niyo na ba yung pinapaassign ko sainyo?" our leader asked us when we were demanded by our teacher to gather up on our respective groups. Isa-isa naming binigay yung mga usb namin para majoint-in yung mga files sa Powerpoint.

Dalawa kasi yung parang format na kailangan naming ipasa. One would be the Powerpoint presentation na either joint-in or may isa mismong naka-assign but our leader made it a joint-in para naman di basta-basta copy paste or what ang magagawa. Also para narin gamay namin ang ilagagay doon.

Meanwhile the other one is the physical medium or the soft copy for our teacher that will be the grading base sa amin.

"Oh, Ela? Di ka pa ba tapos sa isa?" tanong ng leader namin at agad akong tumango. I can see Kel and Raffa eyeing me from their seats.

"Hindi pa eh." sinagot ko uli yung leader namin. Naiilang ako, parang biglang nagulat yung mga kagrupo ko na di ko pa tapos. As if they were expecting me to do this very urgently. Well, I can be normal like them too.

"Kel di pa ba kayo tapos?" yung kumag naman na iyon ang tinanong niya. Pinipigilan ko talagang wag magtaray. Malamang di pa talaga kami tapos! Hindi kase siya tumutulong!

"Pagsabihan mo nga yang si Kel, Eri! Di tinutulungan si Ela sa parte ni-" nagulat ako ng biglang may sumagot sa likod ko at nang makitang si Tati na tuwang tuwa habang ibinubuking iyon.


The Seatmate (Bleeding Hearts Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon