📚Entry1: Spoken words📚

250 20 1
                                    

" Hahayaan na lang"
Spoken words By: Bloodygracey

Hi, natatandaan mo pa ba ako, naalala mo pa ba yong babaing minsan ding naging sayo, yong babaeng minahal ka ng todo ng walang preno-preno, yong babaeng handang magpatanga para lang sayo, yong babaeng kayang gawin yong lahat para sayo, kahit na, kahit na niloko at pinag lalaruan mo lang ako.

Babe, baby, honey, love, mahal, hubby at kung ano ano pa mang mga tawagan yan, kamusta ka na diyan, siguro masaya ka na ngayon dahil sa wakas natupad na din ang pangarap mo, ang pangarap mong ika'y aking pakakawalan.

Na mawala na ng tuluyan sa landas mo yong taong ako, yong akong sawang sawa ka na sa pagmumukha niya. Sawang sawa ka na sa pangungulit niya, sawang sawa ka na sa paraan ng pag alaga niya, sawang sawa ka na sa pagmamahal niya at sobrang sawang sawang ka na sa presensiya niya.

Babe di porket nagsawa ka na sa akin ay may karapatan ka na, may karapatan ka nang maghanap ng iba habang akoy nagpapatanga. Na may karapatan ka ng bigla bigla ka lang mawawala at ang masakit pa wala kang karapatang iiwan ako sa ere na wala man lang salita.

Baby masakit man ay wala akong nagawa, wala akong magawa kundi ang lumuha tong mga mata kong kaila man ay hindi ka nito hinayaang makawala. Wala akong magawa nong bigla mong sinabi sa mismo ko pa talagang harapan habang kasama mo pa siya, habang kasama mo siya nong sinabi mong " Lets break". Ilang segundo, minuto bago nasaksak sa utak ko ang sinabi mo. Pero Bago pa man ako makapagreak, bigla bigla mo na lang siya hinalikan sa harap ko, sa harap ko pa talaga.

MY DIARY ( Collection Of My Random Works)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon