" Bakit ka single? "" Bakit wala kang jowa? "
" Bakit wala kang bebe? "
Mga tanong na laging nakakasalamuha ko. Una una, single ako dahil di ako double, bakit may nakita ka bang tao na double?😯 Haytt😐. Single ako dahil ito ang mas pinili ko, ang mag iisa kaysa may kasama. Mas pinili ko ang status na ganito, ganito bilang single, walang jowa, walang bebe. Alam mo yong parang ang bata bata mo pa este oo na matanda ka na pero isip bata pa rin😆. Oo yan ako, kaya ayaw ko mag jowa dahil isip bata pa ako, feel ko kasi di pa ako handa sa mga bagay na yan. Hindi naman sa walang nanligaw o nag kagusto, pero para sa akin mas maganda talaga ang single. Hindi din dahil bawal sa akin ang magka jowa, ang totoonga niyan sila nga ang nagtutulak sa akin ng mag ka jowa, pero sorry na lang sila dahil ayaw ng anakins nila. Mas lalong hindi dahil takot akong masaktan, siyempre dahil din sa mga naoobserbaran mo sa kapaligiran. Iyak dito, iyak doon, drama dito, drama doon, baliw dito, baliw doon, buntis doon, buntis dito, selos doon, selos dito, away dito, away doon, issue dito at issue doon. Diba, kapagod din maging ganiyan, iisipin ko pa ngalang masstress na ako pano pa kaya kung maranasan muna diba. Sabi nga nila, prevention is better than cure. Kaya hanggang kaya pa iwas muna para safety haha. Basta ako masaya na ako sa ganito, masayang masaya talaga. Masaya na ako bilang isang single, never been kissed and never been touched. Proud NBSB here✋😊💜💛💋.
BINABASA MO ANG
MY DIARY ( Collection Of My Random Works)
Non-Fiction📚Both English and Tagalog works📚 Poems/ Tula / spoken words poetry/ essays/ diary/ confessions/ realizations/ opinions/ thoughts/ advises/ challenge/ compilation of my one short stories. ©ridets to the right owner of the photo I had used as my boo...