✨Mahiwagang Balon✨Naglalakad ako ngayong nag iisa. Sa aking paglalakad may nakita akong isang mahiwagang balon o wishing well. Sabi nila pag mag wish ka daw dito, matutupad daw yong hiniling mo.
Kumuha ako ng singko pesos at lumapit sa malapit na mahiwagang balon. Pumikit ako sa ere at humiling na,
" Sana, makalimutan na ng mga best friend ko ang mga taong kinasusuklaman nila at kinaaayawan nila. Para naman maging komportable na sila. "
-sabi ko at minulat ang mga mata ko sabay hagis ng buong limang piso na pera habang nakangiti. Sana matupad yong hiling ko.
👉NEXT DAY!!!👈
Me: Hi guys!!!
Friend 1: Sino ka?
Friend 2: Kilala ka ba namin?
Friend 3: Bat ka napasok dito?
Friend 4: Kilala niyo ba to guys?
Friend 5: Tsk Feeling close ka girl!
Hinawakan ko na lang ang pintuan bilang suporta, alam kong may namumuo ng luha sa aking mata pero nanatiling tahimik lamang ako. At napaisip:
" Ganda ng mga bestfriend mo selp ah, puro plastics Aish! "
BINABASA MO ANG
MY DIARY ( Collection Of My Random Works)
Non-Fiction📚Both English and Tagalog works📚 Poems/ Tula / spoken words poetry/ essays/ diary/ confessions/ realizations/ opinions/ thoughts/ advises/ challenge/ compilation of my one short stories. ©ridets to the right owner of the photo I had used as my boo...