📚Entry 45: Tula📚

30 12 0
                                    


" Nasaan Ka Man Ngayon "


Sana hindi na lang kita nakilala
Kung katumbas nito ay mga luha
Sa bawat sandaling nakatulala
Nalulumbay at iniisip ka tuwina.

Nasan ka man ngayon aking sinta
Ako ngayoy nag iisa
Iniisip ka at inaalala
Kung maibabalik pa ba?

Sa tuwing naalala kita,
Naisip ko din ang pagkatanga
Napadala sa iyong mga nakabuluhang salita,
Na ikay mananatili sa piling ko oh sinta!

Nasan ka man ngayon aking sinta,
Asahan mong hindi ibabalewala
Mga memoryang ating ginawa
Sa puso't isip nakamarka.

Nalulumbay man ako ngayon, lulan ng iyong pagkawala,
Huwag kang mag alala ako ay may tiwala,
Balang araw makakaalis din sa hawla,
Sa gunita ng ating pagsasama.

-Bloodygracey

MY DIARY ( Collection Of My Random Works)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon