CHAPTER 10: His true feelings
Maxine P.O.V
NASA LOOB AKO NGAYON ng classroom namin, maingay ang iba kung mga kaklase dahil sa video na kumalat sa bansa tungkol sa mensahe ng leader ng Ahbudala terrorist.
Pero ako nanatili lang akong tahimik habang ang lahat ng atensyon ko ay nasa press conference ng presidente ng bansa ito.
Nakatiting lang ako sa mukha ng Presidente ng bansa. Hindi ko alam kung anong ba dapat Ang tunay kong maramdaman sa oras na yun.
"Para sa mamamayan ng bansang ito huwang kayong matakot sa mga teroristang ito dahil gagawin ko ang lahat ng paraan para maging ligtas tayo, humihingi ako ng tawad kong hindi ko man kanayang isuko ang sarili sa mga terorista dahil hindi ko kayo kayang iwan, kailan ba ako sumuko para sa bansang ito lahat ipinaglaban ko para sa mamamayan ng bansang pilipinas, because I am the country president."-seryosong mensahe ng presidente
Hindi ko maigalaw ang sarili kung katawan, lahat ang mga mata ko ay nasa television lamang, natulos ko ang aking sarili sa kinauupoan ko at maraming tanong ang gumugulo sa isip ng oras na'yun.
Halo-halo ang emosyon ang aking nararamdaman habang nakatiting ako sa mukhang ng lalaking gusto ko sa T.V. Gusto kong matawa at aminin sa sarili ko na panaginip lang ang lahat, panaginip lang na ang lalaking mahal ko na si Marcos ay siyang ang presidente ng bansang ito.
Parang pinipiga ang puso dahil sa sakit na naramdaman ko. Bakit siya nagsinungaling saakin? Bakit niya itinago ang tunay niyang katauhan saakin?. Takot ba siyang husgahan ko, pero hindi ako ganong tao para husgahan siya –aamiin ko sasarili ko na may mapanghusga akong mata pero hindi ko magagawang humusga ng isang tao na walang dahilan.
O takot ba siya na maaari ko siyang gamitin dahil siya ang presidente ng bansang ito.
Bumuntong hininga ako habang pinipigilang ko ang sariling luha na hindi umagos sa mga mata.
Mapakla akong natawa dahil ang lalaking aksidente kong nakilala sa C.R ng mga babae at ang lalaking tinatawang kung manyak na gago ay ang presidente pala ng pilipinas.
Ang lalaking nagngangalang Marcos ay siya pala ay si Marcos Salviron na ang presidente ng bansang ito.
Ang lalaking makulit at palaging tinatawang ang sarili na siya daw ang pinakagwapo lalaki sa buong mundo, ang lalaking palaging sinasabi saakin na please stay, just gave me 15 minutes –ang unang lalaking minahal ko ng lubosan walang kulang ay ang presidente pala ng pilipinas.
"Ayos ka lang ba, Maxine?"-tanong saakin ni Kim Lee
Tumango lang ako at pilit na ngumiti sakanya.
"I know you Maxine, alam ko na hindi ka okay nakikita ko yun sa mga mata."-ani nito "We're friends so tell me your problem, makikining ako."
Napakagat labi ako sabay tingin kay Kim Lee "Anong mararamdaman mo Kim kapang nalaman mo na nagsinungaling ang babaeng gusto mo?."-tanong ko sakanya
"Anong mararamdaman ko? Hindi lang anong mararamdaman ko Maxine, ano ang gagawin ko."-kalmadong bigkas nito
Bumuntong hininga muna ito bago niya sinagot ang tanong ako "Siguro mararamdaman ko yung sakit dahil mahal ko siya pero nagawa niyang magsinungaling saakin. Remember maxine, love is not all about how you are faithful and loyal to them, sometimes it's all about how you are honest to them."
![](https://img.wattpad.com/cover/236335631-288-k799404.jpg)
BINABASA MO ANG
A PRESIDENT'S LOVE (Presidential Series #1)-COMPLETED
RomancePRESIDENTIAL SERIES #1 A President's Love, is a Romantic and Classic tale of how a man in position falls head over heels in love with a woman. Maxine Tia is a typical probinsyana high school student who have a lot of dreams, lahat ng bagay ay naka...