EPILOGUE

845 20 1
                                    

EPILOGUE


HIS P.O.V

The truth is always more powerful and stronger than love, because the love becomes powerless in the absence of truth.

DALAWANG TAON ng nakalipas matapos ang isang malakas na pangsabong ang nangyari sa loob ng isang abandonadong gusali at walang nakakaalam kung sino ang nakaligtas.

Yan ang naging usap-usapan sa buong mundo. Maraming mamamayan ng bansang pilipinas ang nagluksa at nagpakita ng pasasalamat sa presidente ng bansang pilipinas dahil nagawa nito ang kanyang huling tungkulin bilang ama ng bayan. Maraming katanongan sa isip ng mga tao, kung totoo nga bang wala na ang presidente. Totoo bang kasama itong sumabong sa bomba dahil sa pagliligtas sa bansa at sa babaeng mahal nito.

Pero ang lahat ng i'yun ay na sagot din ng makitang buhay ang presidente, na buhay ako.

Kahit nagising ako sa napakahabang buwan na comatose, mas gugustohin ko nalang bumalik ulit sa pagtulog kung sa paggising ko ang una kong makikita sa tabi ko ang babaeng mahal ko na walang malay at mas masakit pa doon ng malaman ko na ang sarili kong kapatid ay wala na.

Wala na si Magnos ang nakakatandang kapatid ko. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon humingi ng patawad dahil na huli ako sa dating ng mga oras na kailagan niya ako.

Totoo nga ang sabi nila ang buhay natin ay napakasimple lang pero puno ng surpresa. Akala natin lahat ng ginawa natin ay tama pero hindi natin alam minsan ang tama na ginagawa natin ay nakakasakit na pala ng damdamin ng ibang tao.

At yun ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko bilang presidente ng bansang ito.

Dahil nagawa kong saktan at iwan ang sarili kong kapatid para sa bayan ko.

Napabuntong hininga lang ako ng maalala ko ang nagyari sa akin noon, kaya pinili ko nalang tumingin sa asul na kalangitan habang ako ay nasa terresa ng kwarto ko.

"Kamusta ka na ba di'yan kuya Magnos. Masaya kana ba di'yan kuya dahil ako ay masaya na dito."-wika ko habang iniisip na nandoon sa mga ulap ang kapatid ko

"Sana masaya kana kung nasaan ka man ngayon at sana mapatawad mo akong sa lahat ng pagkakamali ko sayo."-wika ko sa isip ko, at hindi ko na malayang tumulo na palang ang luha sa mga mata ko

Mahirap parin talaga na tanggapin na wala na talaga ang nakakatandang kapatid ko, na tuloyan na talaga ako nitong iniwan. Naputol lang ang pag-iisip ko ng bilang nakaramdaman ako na may yumakap saakin sa likodan ko, ng maamoy ko ang pabango nito agad naman akong napangiti at nalimutan ang kalungkotan ko.

"Bakit ka mag-isa dito? Marcos."-tanong saakin ni Maxine na mas humigpit pa ang yakap nito saakin

Matamis akong ngumiti. Yes.. tama kayo buhay si Maxine, buhay ang babaeng mahal ko.

Dalawang taon din bago siya nagising mula sa comatose niya, akala ko noon hindi na siya magigising pa muntik na akong mawalan ng pag-asa ng mga oras na yun. Buti nalang gumising siya agad dahil hindi ko alam akong anong mangyayari saakin kung tuloyan na niya akong iniwan.

"Gusto ko lang titigan ang kalangitan at magbaka-sakaling makikita ko si kuya doon."-mahinang bigkas ko rito

Naramdaman ko naman na hinaplos nito ang dibdib ko sabay halik sa batok ko.

"Marcos, Dalawang taon na ang nakalipas simula ng mangyari yun, kung nasaan man ang kuya mo masaya na siya doon."-mahinang sabi ni Maxine

Natawa naman ako sa sinabi nito "Sa tingin mo masaya na kaya siya doon. Maxine?"-wala sa sariling tanong ko sakanya

A PRESIDENT'S LOVE (Presidential Series #1)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon