PROLOGUE

18 0 0
                                        


Prologue

"For goodness sake, Lee. Magkakasama kami nila Cris kanina sa court malapit sa village nila." inis na sagot niya matapos ko siyang tanungin tungkol sa hindi niya pagsagot sa mga tawag ko.

Tumingin siya sakin habang kumakamot sa batok niya at pinipigilan ang pagkaasar dahil sa tingin na ibinibigay ko sa kanya.

"Pinagduduhan mo ba ako?Ano na naman ba 'to!" Ani niya habang patuloy parin akong nakatitig at pilit na pinipigilan yung pagtulo ng luha ko kasi hindi ko na talaga alam kung ano ba talaga ang mga totoo sa mga sinasabi nya o meron pa nga ba.

"Max, mahirap ba na sagutin yung tawag ko o kahit magtext ka man lang, magchat, basta malaman ko man lang kung nasaan ka? Ilang araw kang hindi nagpaparamdam. Anong iisipin ko kung ganyan ka sakin?Parang wala nalang ako sa'yo!" sagot ko habang pinupunasan ang tumakas na luha sa mga mata ko. Magpapakatanga na naman ba ako at paniniwalaan ang mga rason niya kahit hindi naman kapanipaniwala. Stupid heart! Napakarupok pagdating sa kanya

"Wala akong load tsaka alam mo naman na wala kaming internet na sa bahay diba? Nabasa pa yung cellphone ko last monday kasi umulan ng malakas at nakamotor lang ako kaya nagloloko pa hanggang ngayon kasi hindi ko pa napapaayos." pinatanggal daw ng papa niya yung internet connection nila kasi wala nalang daw siyang ibang ginawa sa kanila kundi gumamit ng celphone.

"Tsaka diba ikaw ang nang away sa akin nung nakaraang araw? Pinagseselosan mo na naman si Iza. Nilibre nya lang naman ako sa paborito naming kainan tsaka may kasama kaming iba. Ikinakagalit mo pa rin ba na ipinost nung kaibigan niya yung picture namin at wala naman akong nakikitang mali dun kasi bestfriend ko siya bakit hindi mo yun maintindihan?" tama siya. Parang hindi ko na nga maintindihan kung ano ang nangyayari sa amin at bakit naging ganito ang relasyong meron kami. Naglaho lahat ng inipon kong mga salita na gusto kong sabihin nitong mga nakaraang araw. Kasi ano nga bang laban ko eh matagal na silang close bago kami magkamabutihan.

"Anong gusto mong maramdaman ko na habang nakapost yung picture niyo maraming nagtatanong kung anong nangyari sa ating dalawa. Sinong hindi magseselos kung lagi nalang kayo magkasama? Akala mo hindi ko alam? Ha?! May mga ibang taong nakakakita sa inyo Max!" pinilit ko parin na wag sabihin lahat ng nakakarating sakin na balita kasi hindi naman ako sigurado kahit nararamdaman ko na meron talagang kakaiba

"Ikaw naman ang may gusto na low-key lang tayo diba? Inintindi kita kaya unti lang rin ang nakakaalam ng namamagitan sa atin. Pero base sa pananalita mo mukhang maraming nakikichismis sa relasyong meron tayo!" hindi ko alam kung anong gagawin ko at parang bigla nalang akong nauubusan ng lakas. Inumpisahan niya ng paandarin ang makina ng kaniyang motor at habang papasakay na siya ay narinig ko ang pagtunog ng telepono. Bigla siyang napakapa sa jersey shorts niyang suot

"Akala ko ba nabasa yung cellphone mo? Bakit may tumatawag ngayon sayo?!" angil ko nang mapansin kong wala siyang balak sagutin ang tawag.

" Hindi 'to sakin, sa tropa ko 'to. Pinatabi nung naglaro kami kanina. Tsaka pwede ba'wag mo akong sigawan! Don't act as if girlfriend kita kasi hindi naman tayo. Kung ayaw mo naman ako pagkatiwalaan edi wag! Para saan pa 'tong pag-uusap natin? 'Ge una na'ko." saka niya pinaharurot ang sinasakyan palayo kung nasaan ako.

Ako na mukhang tanga na walang nagawa, iniwan sa gitna ng daan at parang batang gusgusin dahil sa bakas ng mga luha.  Lalo akong nanghina sa sinabi niya at walang naisumbat kasi totoo naman na walang kami. Pero kailangan ba talagang ipamukha niya yun sakin? Kasi kahit wala kaming label ngayon, siimula noong sinabi naman namin na parehas kaming may gusto sa isa't isa akala ko okay na. Hindi ba dapat sapat na muna yun para iparamdam niya sakin na mahalaga ako at hindi niya ako sasaktan? Kasi kung tutuusin mahal ko na siya.

Assurance is what I want in our relationship. Unbothered by thoughts brought by my jealousy towards his bestfriend and their bond. I want to feel secure, however, I cannot call him mine because we are not labeled as a couple. But I am definitely sure his. And now, I am slowly becoming dull-witted for this thing called love for him.



---------------------------------

xoxo

Dull-Witted Love(DGS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon