KABANATA 4

11 0 0
                                    

Busted

Lumiko ako sa kanto namin at medyo binagalan ang paglalakad.

I'm silently hoping that my brother didn't see us. Max kissed me earlier. I should be worried right now but I'm still flushed and affected by his touch.

"Ate! Ate Anj!" Tawag ni seph sa'kin bago ako makapasok sa gate. I looked back and saw him running towards me. I act normally and slightly smiled at him.

"Uyy.. Saan ka galing" tanong ko at tuluyan ng pumasok sa aming bakuran

"Galing ako kilang aling Lina. Hindi yata kita napansing bumaba sa tapat ng kanto natin?" sagot niya at nauna na sa paglalakad para pumasok ng bahay.

D*mn ang hirap naman nitong sitwasyon ko dahil madaling malaman kung nagsisinungaling ako.

"Ahh.. May bumaba na kasi sa unang kanto bago yung sa atin kaya dun nalang ako dumaan at naglakad paliko sa kabilang street." Kahit ako ay nawiwirduhan sa dahilan ko. Nagtataka man ay pumasok na lang siya ng tuluyan dahil mukhang hinihintay nila mama yung pinabiling softdrinks sa kaniya.

Sana naniwala siya. Putik wala talaga akong kuwentang magdahilan kahit kailan kaya madaling nahuhuli ehh. Buti na lang rin ay nakatalikod siya sa akin nung sumagot ako at nagbusy-busyhan sa pagtanggal ng sapatos.

"Nandito na po ako.." Salubong ko pagkapasok at si Kal ang naabutan kong nakahilata at nanunuod na naman. This time, I think he is watching an american series.

"Ate favorite mo yung meryenda. Bumili si mama ng marami.." Baling niya sa akin at umupo ng maayos upang uminom ng milk tea na mukhang kanina pa nasa center table dahil may bakas na ng pinagtunawan nito.

"Banana bread ba o pan de coco?" Tanong ko at dumiretso agad sa kusina. I am right when I saw boxes of my two favorite bread.

"Saan galing 'yan ma? Binili mo?" tanong ko at naghugas muna ng kamay bago umupo at inumpisahang kumain.

"Nag-open na kasi yung bakeshop nila Amy kaya dumaan ako roon kanina. Ibinigay niya lang iyan.." sagot ni mama at patuloy sa panunuod ng drama sa phone niya habang kumakain.

Pangalawang tinapay na ang kinakain ko ng biglang magsalita ulit si mama.

"Teka ano nga pala balita sa naging final grades mo?" at ayun na nga po no. Itinanong na yung bagay na pagsisimulan ng panenermon sa akin huhu

"Pasado naman ma. Nakapag-enrol na nga ako eh.." Medyo confident pa nga ako nang iabot ko sa kaniya yung record ng grades ko last sem. Ano na naman kayang babawiin niya sa akin kapag hindi siya natuwa sa makikita. 'Wag naman sana yung phone ko lord kahit curfew na lang okay na bago pa lang yun ehh..

Dull-Witted Love(DGS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon