KABANATA 2

15 0 0
                                    

MAX

Sinalubong ko ang bagong taon na talagang masaya. Yung inaasahan kong bagong cellphone ay naibigay rin nila mama. Niloloko lang pala nila ako kasi meron naman pala talaga kaming tatlo na iphone. Nakasama ko rin yung mga tropa ko at halos hindi na nga kami magsiuwi sa kaniya-kaniyang bahay dahil nalibang kami na mag-videoke kila Erza. Kung hindi pa tumawag si mama ng mga 11 pm eh hindi talaga kami uuwi. Mahalaga rin naman nga kasi na sama-sama ang pamilya kapag new year kahit sabihin pa namin na nasa malayo si papa.

Tuluyan na akong bumangon sa pagkakahiga nang marinig kong pa-lowbat na yung cellphone ko at dahil alas-nueve na din pala ng umaga. Napuyat kasi ako kakanood ng drama at syempre dahil sa kanya..

Ilang araw na rin pala kaming magkachat at magkatext. Ilang araw na rin akong parang bulateng inaasinan sa tuwing nag-uusap kami. Hindi ko man alam kung saan niya nakuha yung number ko pero mukhang hindi naman malabong mangyari yun kasi halos marami akong ka-close na malapit sa kaniya at tropa rin niya.

First time kong maranasan ang kiligin ng ganito kasi kahit marami na akong lalaking nakausap sa kung ano-anong dating apps dati ay parang normal lang naman. Mag la-labing-siyam na taon na ako pero ngayon lang ako nasabik sa atensyon ng isang lalaki. Ni hindi ko inisip dati ang pagjo-jowa bale puro landi lang hehe

Pagkahilamos ko ay bumaba na ako dumiretso sa kusina kung saan ang ingay nila. Nandito pala yung isa naming tita which is friend ni mama.

"Good morning po.." Mahinang bati ko sa kanila at dumiretso sa countertop upang kumuha ng mga gagamitin at nagtimpla narin ako ng chocolate powdered milk. Hindi kasi ako mahilig sa kape.

"Anj tinatanong ni tita Cecile mo kung kailan ang enrolment sa school niyo." ani ni mama nang makalapit na ako sa dining table kung nasaan sila.

"Bukas po yung umpisa. Sino bang mag-eenrol Tita?" sagot ko at hindi na pinigilan pang magtanong kasi sa pagkakaalam ko bata pa yung anak niya at nasa elementarya pa lang.

"Ahh yung pamangkin ko Anj. Lilipat kasi siya sa bahay at syempre magta-transfer sa malapit na school dito. Galing pa naman siya ng Aurora hindi ko alam kung makakaabot pala siya sa enrolment." may pag-aalalang sagot ni tita.

"Okay lang yun tita. Halos one month ang inilalaan ng school namin for enrolment dahil sa dami ng students. Tsaka for sure tumatanggap sila ng students kahit na late enrollee lalo na kung may slots pa." sagot ko at sinimulan ng kumain ng almusal.

"Ganun ba? Buti nalang . Ipapaalala ko pala na wag niyang kalilimutan yung mga mahahalagang documents na kailangan niya sa pagta-transfer ng school." nabuhayan na sagot niya na tinanguan ko na lamang.

Agad akong umakyat pagkatapos kong kumain at pinagkaabalahan yung mga requirements na dadalhin ko para bukas. Mahirap kasing magpalate sa enrolment baka maubusan ako ng slot at hindi ko pa makasama yung mga ka-close kong kaklase sa school.

"Ateeee! Magsaing ka na raw.." sigaw ni Seph pagkatapos kumatok sa pintuan ko. Mabuti nalang at natapos na akong maghanap nung mga kailangan ko. Bakit naman kasi ang burara ko eh

Pagkababa ko ay napansin kong wala na si Mama at si tita Cecile. Lumabas ako at nakita kong wala yung kotse. Kaya pala narinig kong bumukas yung gate kanina kasi dinala nila yung sasakyan. Pumasok na ako at nagsaing at tinignan kung may hugasin. Mukang naghugas na si Seph ahh.

"Anong pinapanood niyo?" tanong ko sa kanila at pahigang tumalon sa isa pang mahabang sofa.

"Shutter.." sagot ni Kal nang hindi inaalis ang tingin sa palabas. Putik horror pala pinapanuod nila

"Ang aga aga nakakatakot na pinapanuod niyo.." reklamo ko kasi kahit isang beses ko ng napanuod yan natatakot pa rin ako.

"Edi 'wag kang manuod ate. Ang arte mo talaga.." sagot naman ni Seph na nilalantakan yung isang malaking tsitsirya. Mapanlait talaga 'to pasalamat siya bunso siya kaya di ko pinapatulan tss

Makalipas ang isang oras natapos din namin ang panunuod. Tumayo ako para uminom nang muli silang maghanap ng magandang palabas.

Pagkabalik ko sa sala ay nakita kong busy si Kal kaka-cellphone niya at biglang lumingon sa akin.

"Ate.." nagtaka naman ako sa klase ng tingin niya

"Bakit?" tanong ko at muling humiga sa sofa.

"Nagchat sa akin si kuya Max. Tinatanong kung anong ginagawa mo.." sagot niya at may pang-aasar sa tono ng kaniyang boses

Nagulat ako ngunit hindi ko pinahalata. Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko silang dalawa ni Seph pero hindi ko muna sasabihin

"Edi sabihin mo nanunuod.." patay-malisya kong sagot at napatingin kay Seph nang bigla rin itong nagsalita

"Tinanong niya rin ako nung nakaraan e. Nakalimutan ko lang sabihin sa'yo" sabi niya at walang pakeng nag-play nung bagong movie

"Pabayaan niyo siya baka para lang yun sa meeting ng mga officers" palusot ko at idinamay ko pa talaga yung organization na kung saan magkakakilala ang pamilya namin

"Lagot ka kay papa ate. Bawal ka pa magboyfriend.." pang-aasar pa rin ni kal na inirapan ko na lamang

"'Wag kayong magsasabi. Kayo nga ang mayroong lovelife diyan di ko sinasabi ahh. Tsaka wala lang iyan. Malay ko kung bakit siya nagcha-chat.." pananakot ko kasi yari talaga ako kapag nalaman ng parents namin.

"Basta ate mag-ingat ka sa kaniya. Alam mo naman kung anong meron sa pamilya nila." pagpapaalala pa niya na sinang-ayunan naman ni Seph at ta-tango-tango

Napaisip akong mabuti sa sinabi ng kapatid ko. On the other hand, I can't judge Max right away. We are just getting along these past few days. Kahit sabihin pang di pa kami nagkikita ng personal simula noong i-chat niya ako. I know rumors about him but I think they are not true. Wala naman sigurong masama kasi kaibigan ko na rin naman siyang maituturing. Hindi ko na tinapos yung pinapanuod namin. Umakyat na ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko.

Me: Max nag-chat ka raw sa mga kapatid ko?

Wala pang isang minuto ay nagreply na siya na animo'y talagang inaabangan ang pagcha-chat ko sa kanya

Max: Tinanong ko lang kung anong ginagawa mo. Di ka kasi nagrereply.

Nasabi niya yun kasi nakita ko ngang may limang beses siyang chat mula pa kaninang umaga na hindi ko nareplyan kasi ngayon ko lang naman ulit hinawakan 'tong phone ko.

Me: Ahh nanunuod kami tapos tanghali na ako nagising kaya nakacharge yung phone ko at ngayon ko lang nahawakan.

Paliwanag ko kasi naawa naman ako sa kanya. Mukhang naghihintay talaga siya kanina pa. Isinintabi ko ang mga pag-aalala na naisip ko kanina.

Halos nagbabad na naman kaming dalawa nang ilang oras sa pagcha-chat na ultimo maliliit na bagay tungkol sa isa't-isa ay napag-usapan at nai-topic na.

Nararamdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ko nang biglang tumunog ang aking telepono at inilabas ang pangalan niya na nag-iindika na tumatawag siya. Sinagot ko ang tawag niya nang nakapikit ang aking mga mata. Ito ang unang beses na mag-uusap kami sa tawag.

"Hello.." mababakas ang kaantukan sa aking boses
"Ahh.. inaantok ka na?" nag aalinlangan niyang tanong
"Hmm.." sagot ko at hindi na talaga mapigilan pa ang pagkapagod na tanging ungol nalang ang naging pagsagot

"Kantahan kita. Gusto mo?" tanong niya at hindi pa man ako sumasagot ay nag-umpisa na siyang kumanta. Pinipilit ko na lang talaga na 'wag tuluyang makatulog. Sakto lang ang timbre ng boses niya. Hindi ganun kaganda pero hindi rin naman masakit sa tenga. Ilang minuto na ang lumipas at hindi ko na talaga halos mamalayan ang boses niya at mukhang 'di ko nanamnam ang bawat pagbigkas sa liriko ng kaniyang inaawit.

"Good night Lee... I really really like you.." yun ang huli kong narinig bago ako lamunin ng dilim at nakatulog ng mahimbing.

----------------------
xoxo

Dull-Witted Love(DGS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon