LIKE
Maaga akong nagising kinabukasan at nakita ko ang tinagal nang naging tawagan namin ni Max kagabi maging ang battery percentage ng aking cellphone at mukhang kakaunti na lang ay mamamatay na ito.
Pa'nong hindi malolowbat tanong ko sa sarili. Halos ilang oras pala yung tawag niya at mukhang inubos talaga yung pantawag niya na akala mo ay mae-expire kaya sinagad na kagabi
Pumasok ako sa banyo at naligo na dahil baka masermonan pa ako kapag paalis na pala kami para mag-enrol at hindi pa rin ako nakabihis.
Matapos maligo na umabot ng halos tatlumpung minuto ay agad kong isinuot ang aking grey shirt na itinali ko ng bahagya para ma-emphasize yung unti kong curves sa katawan at black ripped jeans na hindi masyadong halata. Dinala ko rin ang isang black baseball cap na dating pag-aari ni papa at inilagay ko sa aking sling bag kung nasaan ko rin inilagay yung mga documents para makapag-enrol.
Habang nag-aayos ako ng aking mukha sa pamamagitan ng paglalagay ng cheek at lip tint biglang tumunog ang phone ko. I saw messages sent by him.
Max: Good morning Lee. Gising ka na?
Max: Date tayooo
Biglang nanlaki ang aking mga mata kasabay ng mabilis na tibok ng aking pulso.
"F*ck!" napamura ako nang maalala ang mga sinabi niya kagabi bago ako makatulog "I really really like you... " yun lang ang mga salita na nagpaulit-ulit sa utak ko habang pinagpatuloy ang pag-aayos hanggang sa pagsuot ko ng sapatos kong puti na may tatak na adidas. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko at napagpasyahang wala naman sigurong masama kung papayag ako.
Bumaba ako at nakitang nag-aalmusal sila pero nakaready na rin katulad ko.
"Akala namin tulog ka pa ehh.." ani ni Kal habang ngumunguya ng peanut butter sandwich na akala mo wala ng tinapay puro palaman ba naman. Mahilig talaga siya sa kahit anong klaseng may mani at syempre sa matamis.
"Alam mo naman si mama. Baka tamarin na nga yun sa paghatid satin ehh.." sagot ko habang kumukuha ng mamon, cereals at gatas sa ref.
"Mukhang tulog pa nga eh. Nuod kasi ng nuod yun ng drama baka inabot na naman ng madaling araw." sabat ni Seph na nagluluto ng fried rice. Ayaw kasi ni mama ng hindi heavy breakfast kaya pala may nakahain ng itlog at hotdog sa lamesa. Masipag lagi magluto si Seph lalo na kapag almusal. Madali lang kasi at puro prito haha
Narinig namin ang pagsara ng pinto sa taas at mukhang nagmamadali si mama pababa ng hagdan.
"Kal start mo na nga yung sasakyan.." utos ni mama at mukhang tinatamad umalis kahit hindi halata sa suot niyang pang donya
"Ma baka mga hapon na ako makauwi mamaya ahh. Siyempre ngayon na lang ulit kami magkikita nung mga kaklase ko. Gagala yata kami" inunahan ko ng pagrarason kay mama kasi alam ko na aga na itatanong niya kung bakit
"Bahala ka basta umuwi ka ng buhay.." sagot naman niya habang kumakain. Akala mo talaga okay lang sa kaniya na late akong umuwi ehh dati nga halos may curfew na sobrang aga. Naisip na siguro nilang College student na talaga ako at di maiiwasang gabihin.
"Tsaka pupunta ako sa office namin ngayon. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. Kaya Seph ikaw lang maiiwan dito. Yung bahay ha.." dagdag na sagot ni mama at mukhang hindi rin makakagala si Seph pag ganiyang nagbilin si mama. Kawawang bata haha
Si mama nga pala ay isang financial analyst at the same time insurance agent na rin sa isang sikat na company dito sa Pilipinas.
Nagtoothbrush na ako at iniwang kumakain sa lamesa si mama at Seph.
![](https://img.wattpad.com/cover/236497027-288-k600706.jpg)
BINABASA MO ANG
Dull-Witted Love(DGS#1)
RomanceDEFEATED GIRL SERIES#1 " The greatest defeat in love is not rejection, but when the person who truly in love thinks why they fall in love with this person."- ENCHANTER