KABANATA 11

3 0 0
                                    

Gone

Hinatid niya rin ako nung gabing iyon at akala ko sobrang magiging okay ang relasyon namin matapos ang nangyari. Hindi pala. Mag-uumpisa na pala ang mga bagay na hindi ko inaasahang mangyari.

Napapansin namin ang naging pagdalas ng pagsasama nila ni Iza. Nung una ay normal lang pero dumating na sa point na yung relasyon nila ang pinag-aawayan namin. Madalas silang kumain sa labas, mag-motor ng magkasama, minsan ay magkasama sa mga events ng mga kakilala nila.

Social media helped me to know all these things because their pictures are posted everywhere. Medyo marami ng nakakaalam ng panliligaw niya sakin pero parang hindi naman ganito ang panliligaw na alam kong dapat ginagawa ng isang lalaki sa babaeng nililigawan niya. Parang ang labas ay si Iza ang jowa niya at ako ay na-etsapwera na.

I always say to them that it's normal because they are bestfriends. But deep inside I'm hurting already. One time I chose to confront Max when I was told that he was playing basketball with his friends. He's not answering any of my messages and calls. Anong klaseng panliligaw ba ang alam niya. Sana hindi na lang ako nagpaligaw..

Ang sabi niya hindi gumana ang phone niya at mukhang totoo naman. Pero nakikita ko siya laging online sa account nga lang ng ibang tao. Pero pagdating sa akin parang naka-ignore na yata ako. Nalaman ko rin na ang ginagamit niyang phone ay galing kay Iza. Dahil handa akong magpakatanga sa pagmamahal ko sa kaniya, hindi ko na ginawang issue pa.



Nagagalit siya sa akin tuwing isinisingit ko ang tungkol sa kanila ni Iza. Kung bestfriends lang ba talaga sila o may namamagitan sa kanila. Halos iniyakan ko siya nung kinausap ko siya ng harapan. Iniwan niya lang ako at pilit iniiwasan ang mga tanong ko.

Isinumbat niya pa sa akin na wala namang kami kaya hindi niya kailangan ipaalam sa akin lahat. Ipinagtatanggol niya si Iza na kesyo wala akong alam sa problema niya at pinamumukha niyang si Iza lang ang makakaintindi sa sitwasyon niya.

Napakababaw naman pala ng tingin niya sa akin. Naisip kong ipakilala siya bilang manliligaw ko para mapatunayang mahalaga siya sa akin ngunit tinanggihan naman niya. Sinabi niyang hindi siya matatanggap ni Mama dahil alam niyang mababa lang siyang tao sa harap ng mga katulad ko. Nasaktan ako dahil kahit may marangyang buhay kami, hindi kami basta-basta nang aalipusta ng ibang tao kahit na mahirap lang. Iginigiit niya na magiging issue lang ang pagiging under-grad niya at simpleng trabahador lang sa factory.

Lumipas ang mga araw na hindi nagpaparamdam si Max. Ilang beses ko rin siyang sinubukang kausapin at pinupuntahan sa bahay nila pero hindi ko siya naaabutan. Ang sabi naman sa akin ng mama niya ay umalis raw ito at isinama ng tatay niya sa probinsya.

Sa kabila ng pag-aalala at pangungulila sa kaniya, nakaraos naman ako at natapos ko ang semestre na may mga matataas na grado. Inabot na ng katapusan ng May at hindi ko pa rin alam kung anong nangyari sa kaniya. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang nakukwento sakin na mga problema niya. Ganun din naman ako kasi minsan sa piling tao lang talaga tayo nakakapagsabi ng problema natin sa buhay.

Inaaliw ako nila Erza at Abishai nang magsimula na ang bakasyon. Lagi nila ako niyayang gumala o kaya ay tumambay sa kung saan-saan o minsan ay sa bahay lang.

Hindi ako umiyak. Nasaktan man ako sa biglaang pagkawala niya pero hindi ako iiyak. Iyan ang sinabi ko sa aking sarili. Nami-miss ko siya ng sobra-sobra pero mukhang ako lang yun dahil wala na talaga akong nakitang bakas niya maging sa social media.

Sa tropa namin hindi nakauwi si Tupe at El dahil may mga summer class sila. Si Iza naman ay hindi na namin nakakasama simula nung ligawan ako ni Max. Hindi namin alam kung naging busy lang din siya sa pag-aaral o nagkaproblema sa akin. Nararamdaman ko ang pagkadisgusto niya sa relasyon namin ni Max. Hindi ko lang alam kung bakit pero mas pinili kong tanggapin ang sinabi niyang dahilan niya. Magkaibigan lang sila at walang dapat ipagselos. Sinabi niya rin na nasa probinsya nga si Max at wala siyang alam kung bakit. Hindi niya rin daw ito ma-contact katulad ko.

Dull-Witted Love(DGS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon