Back
WARNING: Read at your own risk. (Sexual content and violence)
After Max's mother talked about the past, some things had been clear to me. But some questions are still waiting to be answered.
I am preparing myself for the past few days after that. Tomorrow is Max' birthday. I didn't bother to buy him a gift because I think it's already unnecessary after what happened to us. I don't want to make myself look stupidly in love with him anymore. Although that's what I only want for him to think when we see each other. Deep inside me, I know that I still do love him.
Busy kami ngayon dito sa bahay dahil inutusan kami ni Mama na mag general cleaning. Bago man lang daw matapos ang bakasyon ay maging productive man lang daw kami. Nagsimula kaming mag-ayos sa kaniya-kaniya naming kwarto. Pagkatapos ay sa baba na kami naglinis at inuna ang kusina. Si Kal ay in charge sa paglilinis ng banyo. Ako at si Seph naman ay naglilinis ng mga kitchen appliances. Si mama ang taga-organize at taga-ayos kung saan ilalagay ang mga kung ano-anong gamit sa pagluluto.
Dahil patapos na ang paglilinis sa kusina, pumunta naman kami nila mama sa sala. Habang busy sila sa pagtanggal ng mga alikabok sa divider at mga figurines. Inatupag ko ang mga pagpupunas ng picture frames, magazines at albums.
Nang iangat ko ang magkakapatong na albums ay naglaglagan ang mga pictures na hindi nakaayos ang pagkakalagay.
"Nagdagdag ka pa sa gagawin, Ansley. Pulutin mo 'yan at ayusin baka maapak-apakan 'yang mga pictures.." sermon sa akin ni Mama habang nagwawalis. Nag-umpisa na rin kasing maglampaso sila Kal sa taas at baka maabutan pa kaming hindi pa tapos dito sa sala.
Inisa-isa ko itong pinulot. May nakapukaw sa aking atensyon sa dami ng litratong nagkalat.
Picture ito ni papa kasama ang mga kaibigan niya. Isa sa naging kaibigan ni Papa dati ay si Tito Rey, ang Papa ni Iza. Magkasama pala silang nagta-trabaho sa Dubai na kung saan doon unang nag-apply si papa.
Ang sumunod na picture ay magkaakbay si Papa at si Tito Rey. Iba na ang suot nilang uniporme at ito ay kuha sa Germany.
"Ma,dati nga pa lang magkasama si Papa at tito Rey sa Germany, no?" tanong ko kay mama. Agad naman siyang lumingon sa akin.
"Oo. Halos sabay din silang nag-apply ng trabaho sa Germany. Kaso tinanggal si Tito Rey mo sa trabaho.." sagot naman niya at nakitingin na rin sa mga litratong hawak ko.
"Bakit siya natanggal Ma?" tanong ko pa dahil naalala ko ang kuwento ng Mama ni Max. Nawalan raw ng trabaho ang Papa ni Iza. Ayon kaya ang tinutuloy niya?
BINABASA MO ANG
Dull-Witted Love(DGS#1)
RomanceDEFEATED GIRL SERIES#1 " The greatest defeat in love is not rejection, but when the person who truly in love thinks why they fall in love with this person."- ENCHANTER