Past
July. Two months na ang nakalipas. Unti-unti ko nang natanggap na wala na talaga. Oo, mahal ko pa rin siya pero gusto ko na lang pakawalan ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko siyang kalimutan pero mahirap gawin. Ang makalimot naman talaga ang pinakamahirap gawin sa anumang uri ng relasyon na naranasan ng isang tao.
Simula sa paggising hanggang sa bago matulog siya ang nagiging laman ng isipan ko. Sabi nila makakamove-on ang isang tao kapag unti-unti mo nang natatanggap ang mga nangyari sa inyo at alam mong hindi na talaga magiging kayo ulit. Sa sitwasyon namin alam kong wala akong pinanghahawakan dahil umpisa pa lang naman wala na akong kasiguraduhan. Hindi naging kami.
Nag-umpisa kami ng mabilis at ganun din kabilis na nawala yung nararamdaman niya sakin. Pinaranas niya sa akin kung ano ang nagagawa ng magkarelasyon o mag-jowa pero hindi kailanman naging sigurado ang label naming dalawa. Yung matatawag mong boyfriend. Yung matatawag mong naging sa'yo kahit sa saglit na panahon.
Kaya kapag nawala na siya, iniwan ka katulad ng nangyari sa akin, mare-realize mo na mahalaga ang label sa pagmamahal. Malalaman mo kung saan ka dapat lumugar hindi yung parang iskwater ka lang na pwedeng paalisan kapag bumalik na ang totoong may-ari.
Sa pagmamahal hindi lang talaga puro saya, nakaabang din yung lungkot at sakit.
Nawala siya na parang bula kahit nagsabi man lang sana siya na ayaw na niya para alam ko naman kung anong dahilan. Napagod na ba siya? Nagsawa sa akin? Kahit anong rason sana na pwede kong paniwalaan kahit hindi sigurado. Para sana isang bagsakan na lang yung sakit at hindi ko na kailangan pang mag-isip ng maling nagawa ko.
Sa relasyong pinahahalagahan mo ngunit nagdulot ng matinding sakit, dadating ka na lang sa puntong mauubos ka at darating ang panahong matatakot ka na lang magmahal. Masarap sa pakiramdam pero hindi mo alam kung kailan ka matatalo. Sumugal ka kahit na hindi sigurado dahil sa umpisa lang naman masaya. Kapag nawala yung bagay na nagpasaya sa'yo parang nawalan ka na rin ng pag-asang umulit at sumugal ulit.
Ang tanging gusto ko na lang ay makawala sa kalungkutan. Kung babalik man siya gusto ko na lang magkaroon kami ng closure dahil naging parte pa rin naman siya ng buhay ko. Malinawan ako para maayos ko ang sarili ko at makapagpatuloy na sa landas na hindi na siya kasama.
Dumaan ako sa bahay nila, nagbabaka-sakaling nakabalik na siya. Naabutan ko ang nanay niya sa labas ng kanilang bakuran. Kahit naman hindi naging maganda ang kinahantungan namin ni Max, hindi ko naman kayang balewalain ang taong nakilala ko dahil sa kaniya.
"Magandang umaga po.." bati ko nang makita niya ako.
"Oh, Lee napadaan ka yata?" ani ng mama ni Max nang makalapit sa akin.
"Ahh, makikibalita lang po sana ako kung nakauwi na si Max.." sabi ko at iginiya niya naman ako papasok ng kanilang bahay.
"Alam mo, simula nang dalhin ka dito sa bahay ni Max lagi siyang nagkukwento sa akin tungkol sa babaeng gusto niya.." nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Baka naman po hindi ako yun, tita." sagot ko sa kaniya.
"Hindi. Dahil alam ko na nung sabihin niya yun gusto na niyang magmove-on kay Iza.." kung totoo man yun bakit kailangan niya akong iwan?
"Paano po ba sila naging magkakilala ni Iza?" tanong ko sa kaniya.
"Bata pa lamang ay magkakilala na sila. Magkaibigan ang tatay niya at ang asawa ko. Mas naging close ang anak kong babae at si Iza dahil sila ang magka-edad." nakangiti niyang saad ngunit may lungkot sa kaniyang mga mata. May inabot siya na bagay sa ilalim ng lamesita sa kanilang sala. Ipinakita niya sa akin ang mga laman na litrato ng album na kinuha niya.
"Ang bestfriend talaga ni Iza ay si Grace. Si Max naman ay may lihim na pagtingin sa kaibigan ng kapatid niya.." patuloy ako sa pagtingin sa kanilang mga litrato. Nakita kong may kaya talaga sila sa buhay dati pa. Dati pa palang may gusto si Max kay Iza..
"Nawala ang anak kong si Grace noong maghirap kami, sampung taong gulang lamang siya noon. Nagka-dengue siya at wala kaming ibang nalapitan maliban sa pamilya nila Iza kaso huli na nang matulungan nila kami. Kasalukuyan rin kasing nawalan ng trabaho ang tatay niya sa abroad. Si Max ay humingi ng tulong sa pamilya ng mga kaibigan niya. Ngunit huli na rin kaya sinisisi ni Max ang sarili niya dahil hindi niya nailigtas ang kapatid niya sa tamang oras." dagdag pa niya at umiiyak na sa harap ko. Naawa ako sa kinaratnan ng buhay nila.
"Ang asawa ko naman ay nalulong sa droga at nadala sa iligal na gawain. Si Max ay hindi na nagpatuloy sa pag-aaral at nag-umpisang magtrabaho kahit sideline lang o kahit sa factory.." kumuha ako ng tubig at ibinigay sa kaniya.
"Si Max ang naging bestfriend ni Iza dahil ibinilin ito sa kaniya ng kapatid niya bago ito mamatay. Mahal niya si Iza higit pa sa pagiging kapatid kaya kahit hindi ibinilin ng kapatid niya ay siguradong pu-protektahan niya si Iza.." masakit mang marinig ang kuwento nila pero higit na nasasaktan ako sa sinapit ni Max sa buhay niya.
"Si Max ay palaging handa tuwing kakailanganin siya ni Iza. Tuwing nasasaktan ang dalaga at nagkakaproblema sa naging karelasyon niya. Ang anak ko namang iyon ay nagtiis na masaktan kahit na may mahal nang iba yung babaeng mahal na mahal niya.." tumutulo na rin pala ang luha ko dahil naiinggit ako kay Iza. Lahat ay kayang gawin ni Max para sa kaniya. Hindi siya iiwan ni Max samantalang ako unting panahon lang ang naibigay sa akin ay iniwanan na agad.
"Nung dinala ka nga niya ay masaya ako dahil sa wakas, makikita ko na rin ang anak kong magkagusto na sa iba. Doon sa babaeng mamahalin rin siya. Nakuwento ka niya sa amin ng Ama niya ang kaso nagalit ito kay Max at sinabing si Iza ang dapat niyang mahalin. Wala na akong ibang narinig sa pinag-awayan nila nang Ama niya isang gabi at nalaman ko na lang kinabukasan na isasama niya ito sa probinsiya.." mukhang ang gusto ng tatay ni Max para sa kaniya ay si Iza lang. Hindi siguro talaga kami para sa isa't-isa.
Kung iisiping mabuti, si Mama ay hindi rin papayag kaya siguro humantong kami sa ganitong sitwasyon. Magulang na namin ang tumututol sa relasyong pilit naming inumpisahan.
"Pasensya ka na. Alam kong hindi ka niya gustong saktan at iwanan. Kung gusto mo ay kausapin mo siya sa araw ng Birthday niya. Darating na ulit sila dito ng Ama niya.." imporma niya at inayos ang mukha na bakas ang mga luha dahil sa pag-iyak kanina.
Tumango na lamang ako at nagpaalam na rin akong uuwi na.
Hindi ko kayang pantayan ang relasyong mayroon sila ni Iza. Alam ko na iyon noon pa ngunit mas napatibay lamang ang kaalaman kong iyon nang malaman ko kung paano nagsimula ang pagsasamahang mayroon sila.
Masakit mang isipin na pinagtagpo lang kami ni Max pero kailanman hindi kami ang magiging ending ng isa't-isa. He may be my first love and it's hard to forget but I know when to stop insisting what I feel for him.
But for the last time, I want to know his side. I want to know if he really did love me or he just used me to forget his love for Iza.
After that, either he loved me or not I will accept it. His answer may break me more or worst make me lose myself but I know in the end he became a part of my past.
A past that will bring me lesson. Because as they say, what doesn't kill you makes you stronger.
You might get defeated now, you know you will come back. Loving yourself again.
Stronger than ever before.
-----------------------------------------------------------
Xoxo.
Sorry for any grammatical and typographical error.
BINABASA MO ANG
Dull-Witted Love(DGS#1)
RomanceDEFEATED GIRL SERIES#1 " The greatest defeat in love is not rejection, but when the person who truly in love thinks why they fall in love with this person."- ENCHANTER