"cheers for your failures!"charlie even teased me
I rolled my eyes. Kinuwento ko sakanya 'yung nangyari kung paano ako nawalan ng trabaho nang ganon-ganon lang
"Hindi ko naman alam e. Kung alam ko lang edi sana ako pa ang humingi ng sorry sa kanya tsaka nagulat kaya si Lola! tsaka may short term memory loss talaga ako! Hindi ko naman sinasadyang malimutan yung report e"tsaka ako sumimsim sa soft drinks na hawak ko at tumingin sa ibang dereksyon
Presenteng nakaupo lang ako dito sa may duyan na halos maabot na ang lupa sa sobrang baba, habang si Cha naman ay nakaupo sa dulo ng slide. Where here at our spot, in small abandoned playground. May matataas na damo na rito at magabok na rin ang ibang paglalaruan, kinakalawang na nga yung siso e. Pero mas gusto namin dito. Tahimik, tago, komportable. Tsaka maganda pa to noon nung bata pa kami nila kuya, malapit lang kase ito sa subdivision namin.
Charlie happened to introduce zack to me because she somehow met him at the event.
He studied highschool here in the Philippines and when he entered college, he went abroad to study entrepreneurship but he chose to take a very underrated and small university. He also got a master's degree in business administration.
Nakapila ang mga achievement niya sa buhay but then he remained his life private and silent. He had social media accounts but it remain inactive. The only thing he's been actively using is Skype.
Sobrang entitled naman pala. Kaya siya siguro masyadong worried sa image niya nung araw na 'yon
"Ah basta naiinis na ako sa kanya. Biruin mo hindi naman siya ang nag-hire sa akin don sa company nila tapos siya pa ang may makapal na mukhang mag-tatanggal sa akin doon"tsaka ko tinusok ng madiin ang slice ng cake ng tinidor at iniisip na sana siya yon
Pero hindi pa man din natatapos ang kwentuhan namin ay may tumawag na sa phone ni charlie, hudyat na kailangan na siya sa trabaho niya. Kinawayan ko nalang siya at pinanood umalis.
She's an actress.
Inubos ko muna yung iniinom ko bago ko napagdesisyonang umalis narin.
"Muntik mo na rin akong mabangga ano!"
That voice seems familiar. I was now heading to the hospital where my eldest brother are working, when I suddenly heard familiar voice from someone's phone. Here inside the bus
Puno ang loob kaya nakatayo lang ako. Maingat na hinanap ng aking kung saan ito nag-mumula, dahil mukhang malapit lang sa tenga ko. Hanggang sa nakita ko nalang ang mukha ko sa screen ng phone ng Isang babaeng nakaupo sa unahan ko
Halos lumuwa ang mata ko sa gulat dahil ito yung pangyayari kahapon!
"Grabe, ang iskandalosa naman niyan"rinig ko pang bulungan ng mga nanonood
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at agad na nag-iwas ng tingin. Sinubukan ko pang itago ang mukha ko gamit ang makapal Kong buhok at halos mabali na ang leeg ko para lang itago ang mukha ko!
Ano ba 'yan!
If you're just going to seek attention from these people, you might regret it soon.
So this is it what he meant ha?
Dahil sa kahihiyan at kaba na nararamdaman, bumaba na agad ako kahit malayo pa 'yung hospital na pupuntahan ko
Para tuloy akong kriminal na nag-tatago habang maingat na nag-lalakad papasok ng hospital at pilit tinatakpan ang mukha
I was just wearing an high-waisted pants at naka-tuck in na over sized black shirt and white rubber shoes while my shoulder bag was hanging in.
YOU ARE READING
Drawing Me Closer To You (Fondness s e r i e s #1)
General FictionFondness Series #1 "You're the piece of art that i'll never get tired staring at" Jan 15, 2021 July 8, 2021 Edited.