chapter 7

56 9 0
                                    

Dahil ilang linggo na akong nandito pumunta na ako sa laundry shop para malabhan na yung mga gamit ko lalo na yung apron ko na ginawa ni Lola. Sobrang dungis na talaga e

Nag-paalam nalang muna ako kena direk na aalis lang ako saglit, nag-taxi nalang ako kase medyo marami yung dala ko tsaka medyo malayo dito yung laundry shop.

"Babalikan ko nalang po ha"sabi ko pa don sa may-ari, pumayag naman ito

Naisip ko kaseng dumaan muna sa continent store para bumili ng mga snacks na pwede kong kainin mamaya at i-share narin kena direk.  Pero bago pa man din ako mapunta sa convenient store, habang nag-mamasid sa daan ay nahagip ng mata ko ang kumpulang estusyanteng lalake sa loob ng computer shop

Napakunot ang noo ko at natigilan saglit nang mamukaan ang Isa sakanila

"Si yuan ba yon?"tanong ko pa sa sarili ko habang tinitingnan ito ng maigi"anak ng, si yuan nga"

Nag-mamadali kong kinuha ang phone ko para tawagan si charlie habang patakbo na akong tumawid sa kabilang kalsada. Pero dahil hindi agad sinasagot ni charlie, iniwan ko nalang siya ng text

Mukhang nag-kakainitan ata sila kaya walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob. Tatlong matatangkad na lalake ang kaharap ni yuan at parang senior ito sakanya. Pinapanood lang sila ng lahat kaya agad akong hinanap kung nasaan yung may-ari ng computer shop pero mukhang wala ata dito! Ano ba yan!

"Sino ka para utusan kami sa dapat naming gawin? Ang yabang mo ha"

Natakot ang lahat nang akmang susuntukin na niya si yuan nang sumiksik ako bigla sa pagitan nila kaya natigilan sila at napatingin sakin samantalang nanatiling masama ang tingin na ginagawad ni yuan sakanila, hindi man lang pinansin ang pag-dating ko

Ang laki talaga ng pag-kakaiba nila ng ate niya! Pero base sa kwento sakin ni charlie hindi naman basag-ulo itong si yuan

"Sandali lang! Pwedeng kumalma muna kayo-"

"Sino ka ba ha? Wag ka ngang makisali dito, pakirawraw"dinuro pa ako nung Isa kaya agad na kumulo ang dugo ko

Walang sabi kong hinablot ang tenga niya para ipihit ito"bastos ka ha, hoy matuto kayong gumalang sa nakakatanda sainyo. Naka-suot pa kayo ng uniform niyo, para ano? I represent nito ang school niyo bilang mga gangster? Ha?"

"A-aray!"pilit pa nitong hinihila ang kamay ko para alisin sa pag-kakahawak sakanya

"Aray? Masakit talaga yan. Kaya tumigil na kayo"tsaka ko siya padabog na binitawan at bumaling Kay yuan"Tara na yuan, tinawagan ko na ang ate mo"

"Can you please just leave me?"he suddenly told me with a rage from his eyes which made me surprise

Kaya narinig ko ang nakakinsultong pag-tawa ng ilang estudyante"miss, pwede ba matuto rin kayong gumalang sa nakababata sayo pero mas matangkad sayo"

Nag-tawanan pa ang tatlong ugok kaya lalong umusok ang tenga ko at sinamaan sila ng tingin pero pinigilan ko muna ang sarili ko at hinarap si yuan. He look so mad.

"Yuan, kapag nalaman to ni Charlie. Hindi niya magugustuhan-"

"Ohh kilala niyo si charlie? Yung ate ni yuan?"parang nag-aasar na tanong pa sakin nung Isa pero hindi ko ito pinansin

"Don't even fucking say her name!"yuan yelled with rage and tried to grab him when I immediately blocked his way and pushed him backwards"you're so disgusting"

Pero nag-tawanan lang sila kaya matalim ang mga matang ginawad ko sakanila hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang screen ng computer na nasa likuran nila. Agad akong lumapit sa gawin nila at tinulak sila palayo don sa screen para makita ito ng malinaw

Drawing Me Closer To You (Fondness s e r i e s #1)Where stories live. Discover now