chapter 5

66 8 1
                                    

"Lolaaa!"puno ng galak na tili ko mula sa loob ng kwarto ko hanggang sa patakbo akong lumabas at bumaba

"Bakit? Anong nangyayare? Ano yun? May masakit ba? Bakit? Bakit? Anong nangyare sayo? Sabihin mo!"sunod sunod na sabi pa niya nang salubungin niya ako mula sa kusina

Napasingot nalang ako para pigilan ang sariling maluha tsaka siya mahigpit na niyakap na ikinapag-taka niya lalo

"Ayaw nanaman ba nila ng gawa mo?"mahinahon niyang bulong, hinahaplos pa ang aking likod

"Nabawi ko na po yung trabaho ko! Makakabalik na ako!"tuwang-tuwang sabi ko pa sakanya bago siya saglit na binitawan at hinawakan ang dalwa niyang kamay habang mapupunit na sa ngiti ang aking labi

Matagal siyang napatitig sakin at napataas ang kilay"bakit? Nawalan ka ba ng trabaho?"

Sandali akong natigilan sa sinabi niya nang mapagtantong hindi ko nga pala nasabi sakanya ang tungkol don. Napakamot tuloy ako sa aking ulo habang kinakagat ang aking labi para humanap ng sasabihin

Nang mapansing niya ang pananahimik ka lalo niya akong tinaasan ng kilay kaya agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kanyang kamay bago nginitian tsaka mahinang nag-salita"Ang mahalaga po nabalik na siya sakin.."

"aba mabuti kung ganon, mabibili mo na ako ng duster"tsaka niya ako tinulak at nag-punta na sa kusina

"Si Lola naman!"nakangusong sabi ko pa bago siya sinundan sa kusina nang bumalik siya dito at pinagpatuloy ang ginagawa

It's only 6 A.M in morning when I received an email from my company. It clearly says that I could go back! Ayoko ng malaman kung paano nangyari yon dahil base sa naging usapan namin nung lalakeng yon nung nakaraan, tinaggihan na niya talaga ako ng matindi. Ang mahalaga nalang sakin ngayon, may trabaho na ulit ako! At makakapunta na akong France!

"hindi niyo po ba ako pipigilan? Mawawala ako palagi.. si kuya chollo naman lagi talagang wala.."malambing na sabi ko pa kay Lola bago pumulupot sakanyang braso at sinandal ang ulo sa balikat niya habang patuloy siya sa pag-singhot. Sinisipon ba siya?

"La, ito na po yun.. mag-kakaroon ako ng chance na makapunta sa france. Ito rin po yung first ever project ko at magiging first art exhibit ko sa sikat na museum don! Tsaka.. malay natin.. makasalubong ko si mama don.."

Agad na nabalot ng katahimikan ang paligid sa huli kong sinabi pero agad na binago nalang ni Lola ang usapan at tila nagpanggap na walang narinig

"Aba mabuti naman. Galingan mo lang, mapipikot mo rin ang boss mo"seryosong sabi pa niya kaya saglit na nag-angat ako ng tingin at pinaningkitan siya ng mata

"Lola naman, seryoso kase!"

"Basta, kapag tinanggalan ka niya ulit ng trabaho tanggalan mo rin siya ng kuko sa hinlalaki ng kanyang paa"dinuro pa niya ako kaya mas lalo akong napikon at sumimangot

Mahina siyang natawa at tinigil na ang ginagawa para hilahin ako at yakapin nang mas maayos. Naramdaman ko ang mabibigat niyang pag-hinga at magaan niyang pag-haplos sa buhok ko, ganon na rin ang paulit-ulit niyang pag-singhot tila nag-pipigil ng emosyon.

"masaya lang akong.. nakikita kayong maabot yung mga pangarap niyo. Kaya bakit kita pipigilan? Kung yan ang unang magiging yapak mo patungo sa pangarap mo"

And after that sentence. A drop of her tears touched the skin of my arm.

"Kapag may kailangan po kayo tawagan niyo lang po ako ha. Tinuruan ko na naman po kayo kung paano sasagutin yung tawag di ba? Tsaka inumin niyo po lagi yung vitamins niyo 'wag feeling teenager"pag-bilin ko pa sakanya habang nag-hahanda akong umalis kaya panay ang irap niya sa akin pero hindi ko ito pinapansin

Drawing Me Closer To You (Fondness s e r i e s #1)Where stories live. Discover now