As I stroke the tip of my brush on my sketch pad, a breeze of the wind from my window touch my skin. Only the sun's rays serve as my light and give me warmth while passionately making an arts. The peaceful sound of birds and trees are helping me to be more creative and keep on wondering.
However.
That's the magical and very fictional description of arts to others. But the truth is..
Puno nanaman ng pintura ang kamay at braso ko. Wala na ring mapaglagyan ng mantsa ang suot kong damit at apron. Halos wala na akong makita dahil sa nakaharang na hibla ng buhok ko na halos dinudulasan na ng butil butil kong pawis dahil sa tirik na tirik na araw na nakatapat sa'kin.
Halos mapatalon nalang ako sa kinauupuan ko nang mag-alarm ang phone ko at mapansing pangatlong beses na pala itong tumunog at late na ako sa pupuntahan ko ngayong araw.
Dahil sa pag-mamadali nag-palit nalang ako ng black trousers na basta ko nalang hinablot sa magulo kong cabinet at white long sleeve na see-through
Nag-suot nalang ako ng white heels at inipit ang buhok ko ng lahatan. Nag-iwan pa ako ng kaunting hibla ng buhok sa gilid tsaka sinuot din ang clear eye glasses ko dahil minsan nanlalabo ang mata ko. Kinuha ko na rin ang shoulder bag ko
Muntikan pa akong madapa pababa sa hagdan sa pag-mamadali.
"Oh lunch mo"pahabol pa sa akin ni Lola ng paper bag
Agad na gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi at galak na kinuha ito mula sakanya"thanks la! Love you!"
"Mag-iingat ka. Ubusin mo 'yan"
I just nodded and wave my hand before running outside"mag-dahan dahan ka nga! Mabangasan ka pa diyan! Mag-sakay kana ha! Wala ka na bang nakalimutan?!"
"I love you!"I just shout while running late.
Mabilis akong nakasakay nang bus at agad na nakahanap ng pwesto sa tabi ng bintana pero kakaupo ko palang ay pansin ko na ang pag-tingin sakin nung ibang pasaherong nakatayo kaya hindi ko maiwasang mag-iwas ng tingin at tumikhimNgayon lang ba sila nakakita ng maganda?
Kahit hindi ko sila pansinin ay hindi parin nila tinatanggal ang tingin nila sakin, minsan pa'y nag-bubulungan sila at mahinang natatawa kaya napapabuga nalang ako ng sarkastikong tawa at mapaklang napapangisi
Hanggang sa bigla nalang akong kinulbit ng katabi ko kaya salubong ang kilay na napalingon ako sakanya. Isa itong matandang babae
"Nakalimutan mo atang mag-hilamos ng ayos"napapailing niyang sabi tsaka niya tinuro yung panga ko
Agad kong nakuha ang gusto niyang sabihin kaya nag-mamadali kong kinuha yung salamin ko sa loob ng bag ko at nang makita ang bakas ng pintura sa gilid ng mukha ko ay natataranta ko itong binura gamit ang palad ko
Bakit hindi nalang nila sinabi agad?! !
I was so desperate to wipe it off from my face. Muntikan ko nang basain ng lawak ko yung daliri ko mabura lang ito pero nang maalalang may mga tao sa paligid ko, pinigilan ko nalang ang sarili ko at piniga nalang ang palad kong pinapasma para matanggal ang pintura sa mukha ko
Hanggang sa makababa ako ng bus ay tinatanggal ko pa rin yung pintura sa mukha ko. Anak ng tokwa talaga, minsan kase lumalabo mata ko kaya hindi ko na napapansin. Nakakainis
Nakatingin pa rin ako sa salamin ko habang nag-lalakad palapit sa tawiran, sinisipat sipat ko pa ang mukha ko kung may bahid pa ba ng kahapon. Atleast hindi muta at panis na laway yung nakita nila.
YOU ARE READING
Drawing Me Closer To You (Fondness s e r i e s #1)
General FictionFondness Series #1 "You're the piece of art that i'll never get tired staring at" Jan 15, 2021 July 8, 2021 Edited.