"Ateng nasagutan mo na ba yung pinasasagutan ni Sir Lopez?" Tanong ko kay Jenna. Kararating ko lng sa classroom namin.
"Oo, oh kopyahin mo na lng" sagot nito sabay abot sa akin ng booklet nito para sa subject namin.
Kasalakuyang break time namin.
Galing ako sa bahay dahil umuwi ako saglit since dalawa lng ang subject namin ngayong araw. Isa sa umaga which is 9am to 11am at isa sa gabi 6pm to 9pm, kaya umuuwi na lng muna ako sa amin kahit pa dalawang sakay ng jeep ang sinasakyan ko.
Hindi umuuwi si Jenna dahil may pinupuntahan sya pag breaktime namin since member sya ng dance group sa university namin.Si Jenna ang pinaka close ko sa college dahil parehas kami galing sa engineering department at nagtransfer sa Business Administration course sa kadahilanang binagsak namin ang calculus at hindi namin na maintain ang GWA (General Weighted Average) na kailangan.
"Nakapag review kana para mamaya?" Tanong ko kay Jenna habang kinokopya ang mga sagot nito.
"Hindi masyado, ikaw?"
"Medyo" sagot ko
"Sabi nila after midterm natin mag li-leave si Ms. Bautista" pagkwento nito.
"Ay talaga? Dahil manganganak na ba sya?" Tanong ko
"Siguro, yun yung narinig ko sa student council" sagot ni Jenna.
Si Ms Bautista ang prof namin mamaynag gabi ng 6PM at bali balita nga na mag li-leave na ito dahil malapit na itong manganak.
"Sino papalit sa kanya? Wag naman sana si Lopez" tanong ko kay Jenna
Si Sir Lopez ay isa rin sa mga Prof sa college of Business administrayion at kialala sa pagkakaruon nito ng extra fondness sa mga female student, partikular sa may mayaman este- malaking hinaharap. Pinalad naman ako dahil nagkulang ako sa bagay na yun. Isa siguro yun sa matatawag natin na advatage ng hindi pinagpala sa kategorya'ng iyon.
Pero jusko! Hindi ko din ata matitiis kung nagkataon na titigan ako ni Sir Lopez na parang hinhuburan katulad kung pano nito tignan yung iba ko'ng kaklase. Bali balita pa nga ay may jinojowa ata ito ng estudyante.
"Hindi daw, may mag pa-part time daw" imporma ni Jenna
Buti naman hindi yung manyak
"Pwede pala yun? Kahit nasa gitna na tayo ng term, pero anyways as long as mabait diba" sagot ko
Matapos ko kopyahin ang mga sagot ni Jenna napagpasyahan namin na mag mall na muna since malapit lng ang mall sa university namin actually tapat lng eto.
Habang nasa mall kami ni Jenna nakita ko si Paulo. Si Paulo ay isa mga kaklase namin nuon ni Jenna sa Engineering department before, malapit din kami rito. At ito lng din naman ang crush ko. Oo may paghanga ang lola niyo rito.
Close namin si Paulo kahit lumipat na kami ng ibang department. Hindi nito alam na may gusto ako sa kanya dahil wala din naman ako balak sabihin at baka magkaruon lng ng awkwardness sa pagitan namin. Malabo din na magustuhan ako ni Paulo dahil masyado ito tutok sa pag-aaral which is isa din sa dahilan kung bakit rin ako nagtapat dito. Kaibigan lng din ang turing nito sa'kin dahil ni minsan hindi ko nakitaan ng senyales na may gusto ito or nagpaparamdam sa akin. Tama na sa akin na pagkakaibigan lng meron sa amin.
Matalino ito pero hindi mayabang, hindi nga ata ito aware na kilala or sikat ito sa school namin dahil bukod sa matalino ito at gwapo din ito at kung alam naman nito hindi rin nito binibigyang halaga or pinapansin yung bagay na 'yon. Palakaibigan ito kaya kahit hindi na namin kaklase ay close pa din namin ito ni Jenna. Hindi rin alam ni Jenna na may gusto ako kay Paulo dahil wala din naman saysay kung sasabihin ko pa dahil madalas ay wala ito dahil busy eto sa pagsasayaw.
BINABASA MO ANG
Hello Sir!
RomanceReiley is just a normal college student but things get crazy when he met Patch - the cold, jerk and masungit na magiging Prof niya pala! --‐-------- Disclaimer: Im not that good in english so pasensya na po 😅 And first story ko po ito sana magustu...