Ilang araw ang lumipas at ilang araw din ako hindi mapakali sa nararamdaman ko. Para akong tanga'ng nakikipag talo sa sarili ko kung may gusto ba talaga ako kay Sir Patch or nadadala lng ba ako sa mga nagawa nito sa akin.
Nalilito ako dahil hindi naman ako ganito nung nagka gusto ako kay Paulo. Hindi ko ganun hinahanap palagi si Paulo, masaya na ako makita lang siya. Hindi katulad kay Sir Patch na pagpasok pa lng ng school kahit alam ko wala naman siyang klase eh siya agad hinahanap ng mata ko o kaya pag lalabas ako ng unit ko lagi ako napapatingin sa pinto ng unit nito. Hindi din naman lagi laman ng isip ko si Paulo na to the point na wala na ako'ng magawa, hindi katulad ngayon na siya pa rin laman ng isip ko.
Kasalukuyan ko na kasama sila Paulo at Jenna sa field sa univeristy namin. Nakatambay kami dahil pare parehas kaming walang klase. Nakatulala lang ako sa kawalan habang umiinom ng chucky, sobrang pipi na nga ata yung straw nito.
"Alam mo te ilang araw kanang parang wala sa sarili mo" sabi sa akin ni Jenna
Tumingin lng din sa akin si Paulo.
Sumipsip ako bahagya sa iniinom ko na chucky at sa ka humarap sa mga ito..
"Pano mo malalaman na may gusto ko sa isang tao?" Tanong ko sa mga ito.
Hindi ata inaasahan ng dalawa ang tanong ko pero mukhang napukaw naman ng atensyon ng mga ito at seryosong humarap sa akin ang mga ito.
"Do you mean crush te?" Tanong ni Jenna
Ilang sigundo bago ako sumagot...
"No.. i mean more than that.. like gustong gusto.." sagot ko at tumingin na lng sa kawalan
"May nagugustuhan ka Ry?" Mahinang tanong sa sakin ni Paulo na hindi ko din narinig.
Hindi ko napansin na nakatitig na pala si Paulo sa akin.
____________Kasalukuyang pababa na ako ng hagdan sa school. Galing kase ako sa library dahil balak ko na lng magreview imbis na isipin ko pa lalo si Sir Patch pero ang ending ay nakatulog na pala ako!
Nagising pa ako na may libro na ako na ginawang unan. Ang weird lng dahil alam ko na wala akong hiniram na libro. Nung chineck ko yung libro dun ko na confirm na hindi ko naman kinuha yun sa shelf dahil mukhang hindi ko naman binabasa yung ganung klase ng libro ni hindi nga ako mahilig magbasa ng libro.
Tumingin ako sa paligid ko, halos wala na din pala tao kaya sino kaya naglagay nun at nag effort pa gawin yun.
Napatingin ako sa wrist watch ko!
Shocks!
At ngayong nga ay malalate na ako sa klase ni Sir Patch!
Dali dali kong inaayos yung mga gamit ko at lumabas na sa library
Dahil nga sa pagmamadali muntikan pa ako mahulog sa hagdan ng biglang may umalalay at humawak sa kamay ko mula sa likod.
Nagulat ako ng makita ko si Sir Patch!
"S-Sir!" Gulat na sabi ko rito.
Hindi ko inaasahan na narito si Sir at ayun nanaman yung tumalon nanaman yung puso ko."Sa susunod tumingin ka sa inaapakan mo" sabi nito at hindi padin binbitawan ang pagkahawak sa kamay ko.
Hindi ko pinansin ang sinabi nito dahil nakatuon lang ang pansin ko sa kamay nitong hawak hawak pa din ang kamay ko.
Nararamdaman ko nanaman na parang may mga paro-paro na nag pipiyesta sa Tiyan ko!
Shemay mag tigil ka nga Reiley!
Mukhang napansin nito na nakatitig lng ako sa kamay nito na kasalukuyang hindi pa rin pala nito binibitawan yung kamay ko kaya inalis nito ang pagkakahawak at nauna nang bumababa.
BINABASA MO ANG
Hello Sir!
RomanceReiley is just a normal college student but things get crazy when he met Patch - the cold, jerk and masungit na magiging Prof niya pala! --‐-------- Disclaimer: Im not that good in english so pasensya na po 😅 And first story ko po ito sana magustu...