Please don't turn your head here

1.5K 40 0
                                        

Kasalukuyan ako'ng naka higa sa kama, may hawak na tsitsirya at nanunuod ng kung ano ano sa cellphone ko. Hindi ako pumasok sa dahilan dinatnan ako ng buwanang dalaw at fist day ko ngayon. Pag first day ko ay inaatake ako ng period cramps, madalas ay sobrang sakit na napapaiyak pa ako, katulad ngayon, kaya na pagpasyahan ko na huwag na lng muna pumasok sa school at isa lng din naman ang subject ko ngayong araw.

Ala singko na, need ko na mag dinner at wala na ako ulam, naubos na din ang de lata ko sa apartment meron na lng ako ay natitirang bigas na pwede ko isaing at dahil nga nag cramps ako kanina ay di na ako naka bili pa ng iuulam, ang kinain ko na lng ay ang natira ko na ulam kagabi na ubos na din. Kaya kahit masakit ang puson at balakang ko  need ko lumabas at bumili ng ulam at gamot na din.

Ika-ika na lumabas ako ng apartment ko, pinappawisan ako ng malamig mukhang umaatake ng malala itong cramps ko. Nanginginig ako habang kinakandado ko ang pinto ng apartment ko pero nararamdaman ko na lalong lumalala yung sakit ng puson ko, nahihilo nadin ako. Iba na din ang pakiramdam ko feeling ko hihimatayin ako kaya nagpasya ako mamaya na lng bibili pag humupa yung sakit pero nagdidilim na yung paningin ko huli ko na lng na may bumuhat sa akin. Hindi ko alam kung nag hahallucinate lang ba ako? pero bakit parang si Sir Patch yung bumuhat sakin? Dali dali na din ako nawalan ng malay...

Nagising na lng ako na nakahiga ako sa kama magisa, naamoy ko din na parang masarap. Napansin ko na may nakasalang sa lutuan ko. Dahan dahan ako bumangon at sinilip ang niluluto, sopas. 

Huh? Sino? Nagtataka ako sa nakikita ko

Wait - hindi kaya totoo yung hallucinate ko? Ha?! Si Sir Patch! 

Nang biglang may kumaluskos sa pintuan. Mukhang may magbubukas ng pintuan! Hindi ko alam kung bakit dali dali ako bumalik sa higaan at nagpanggap na tulog pa!

Para kang timang Reiley! Bahay mo naman to! Malay mo magnanakaw yung papasok! Pagalit na sabi ko sa sarili ko. Malakas naman ang feeling ko na si Sir Patch yung pumasok dahil bahagya ko sinilip ito at nakumpirma ko nga na si Sir Patch ang pumasok.

So hindi nga ako nag ha-hallucinate kanina?! Para ako'ng nahiya sa naalala, Sa lahat ba naman ng tao si sir Patch pa! At biglang medyo na conscious ako sa bigat ko.

Mukhang may dala dala ito dahil may hawak itong plastic. Nang lumapit ito sakin ay pumikit uli ako. Naramdaman ko lumubog ang gilid ng kama tanda na umupo ito sa gilid ng kama ko. Bigla akong nahiya at kinabahan na di mawari.

Wait kailan pa ako nahiya sa taong to?!

Naramdaman ko na may dumampi sa noo ko! 

Mukhang dindama ni Sir Patch yung noo ko- wait - may sakit ba ako?

Nailang ako sa pagdampi ng kamay ni Sir Patch sa akin, lumalakas din ang tibok ng puso ko.

"Sir ako na po magbabantay kay Reiley" pamilyar na boses yun at alam ko na kay Paulo yun

Wait - andito si Paulo?

Lalo akong nailang pero patuloy padin sa pagpapanggap na tulog.

Katahimikan. Wala ako naring na reply galing kay Sir Patch pero naramdaman ko na tumayo na ito. Sumilip ako ng kaunti, nakatalikod sa akin si Sir Patch at kasalukuyang may nilalagay sa bedside table ko samantalang si Paulo ay nakatitig lang dito.

"Okay na siya. I think mas maganda na iwan na muna natin siya magisa" walang emosyon na sabi ni Sir Patch. 

Pumunta ito sa kusina at pinatay ang apoy sa niluluto.

Muling nagsalita si Paulo

"Sir Kaibigan ako ni Reiley, i dont think hahayaan ko magisa si Reiley sa gantong sitwasyon" may bahagyang diin ang pagkakasabi nito. 

Wala na akong narinig pa kay Sir Patch, tuluyan na to umalis. 

Patuloy pa din ako nagpanggap na tulog dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Naramdaman ko na lng may humahaplos sa buhok ko ata alam ko si Paulo yun, ang weird dahil wala akong maramdan na kahit ano. Hinayaan ko na lng si Paulo. Bumuntong hininga ito at isang saglit na katahimikan pagtapos nun ay muli nya hinaplos ang buhok ko at tuluyan na din umalis.

Duon lang ako bumangon... Hindi ko alam kung ano ang nangyari.. matagal din ako na nakaupo at nakatulala. May bagay na gumugulo sa sakin pero nagtatalo ako kung bibigyan ko ba ng pansin ang weird na nararamdaman ko dahil parang natatakot ako...

Muli ako tumayo at sinilip kung ano yung nasa bedside table ko. Mga gamot at vitamins at may napansin din ako na ice cream.... Did Sir Patch really bought 'tong mga to? parang lumobo ang puso ko...

Yung ice cream.. Si Sir Patch ba talaga bumili nito?

At ayun nanaman ang weird na nararamdaman ko katulad kanina..

Pinuntahan ko ang niluto nito dahil nakaramdam ako ng gutom.. Nang kakain na ako ay bigla ko naisip na bigyan si Sir Patch dahil tinulungan ako neto at ito din naman ang nagluto, kaya bago pa magbago ang isip ko at kung ano ano pa pumasok sa isip ko ay dali dali ko kinuha ang niluto nito at kumatok sa unit nito.

Nang binuksan nito ang apartment nito mukha atang bago ligo ito dahil basa pa ang buhok nito at may nakapatong sa ulo nito towel. Ngayon ko lng napagtanto na pogi nga si Sir Patch...

Dali dali ko inalis yun sa isipan at walang sabi na pumasok sa unit nito at umupo sa sala at inayos ang pagkain. Nag feeling at home na ako!
Takang tumingin ito sa kin

"What do you think you're doing?" sita nito ngunit umupo na din sa gilid ko.

"Nililibre ka Sir dahil sa tulong mo kanina" masiglang sabi ko dito ng hindi tumitingin dito.

"So gising ka kanina" sagot nito habang nakikiayos na din sa pagkain

"Ah eh, kain tayo Sir, libre ko hehe" pagiiba ko ng topic dito.

"Ako nagluto nito" may kasungitan na tugon nito.

Napanguso na lng ako pero napangiti na din at tahimik na kumain. 

Habang tahimik na kumakain ay bigla itong nagsalita

"You should be careful kung sino ang pumapasok sa apartment mo..." tahimik na salita nito ng hindi tumingin sa akin, tahimik lng itong kumakain

Napalingon ako dito..

Npatitig ako sa gwapong mukha nito..
Ayun nanaman yung weird na feeling..

Nararamdaman ko na lumalakas yung tibok ng puso ko..

Parang sasabog , para akong mawawalan ng hininga... 

Please don't turn your head here... please..

Bulong ko sa sarili ko..

Ngunit lumingon ito sa akin... 

Tuluyan akong nilamon ng lakas ng tibok ng puso ko....

---------------------------------------


Now Playing: Kaze ni Fukarete by Haruka Fukuhara~

Note: Alam nyo ba na parang sasabog din kilig yung nararamdaman ko habang sinusulat ko yung last part >.< I wish i was able to write how cute and kilig yung last part  from my imagination.. Anyways please enjoy ♥ ;")

Hello Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon