Nagising ako ng wala si Sir Patch sa unit nito. Maayos na din yung pinaghigaan nito. Inayos ko muna yung pinaghigaan ko at saka nagikot sa unit ni Sir.
May nakita ako na note sa bedside table
You can use this charger, bumili lng ako ng pagkain. You can wash your face if you want.
Ginamit ko yung charger ni Sir Patch at nag message kay Jenna na dalhin yung susi ko.
Nagikot ako uli. Tinignan ko yung bookshelf ni Sir.
My gosh miski ata title pa lng ng libro hindi ko na maintidihan! May pagka bookworm ata si Sir Patch.
Napansin ko na may libro na hindi ganun nakaayos sa shelf ni Sir, na para bang kakakuha lng at hindi ganun nabalik ng maayos. Kinailangan ko pa tumingkayad para lang makuha yung libro dahil napakataas naman kase ng shelf ni Sir! Nahiya yung 5'3 na height ko. Haha!
Pagbuklat ko ng libro napansin ko na may nalaglag na parang papel. Dinampot ko 'yon at binuklat.
Love letter?
Para kay Sir Patch...
Mukhang luma na yung letter dahil may kalumaan na din yung papel, pati yung tinta ng mga letra
Napansin ko na parang bata yung nagsulat ng letter. Una dahil hindi pa ganuon kaayos yung pagkaka sulat pangalawa ay yung laman ng letter.
Nalaman ko kung sino yung nagsulat ng Letter, walang iba kundi si Ms. Natasha dahil nakalagay yung pangalan nito sa ibabang bahagi ng love letter..
So totoo nga nagkagusto si Ms. Natasha kay Sir Patch...
Eh si Sir Patch kaya?
Napaisip ako...
Nagkagusto kaya si Sir Patch kay Ms. Natasha?
Bakit naman hindi? Maganda si Ms. Natasha at mabait...
Sa isipin pa lng na yun nakaramdam ako ng munting kirot sa dibdib..
Nang mapansin ko na bukod sa Love letter ay may nakaipit din na litrato.
Binalik ko yung libro pero hindi yung Love letter at picture.
Pagtingin ko ay picture ni Sir Patch, kasama si Ms. Natasha at isang lalaking hindi ko kilala pero ang hula ko ay ito yung kapatid ni Sir Patch dahil may pagkakahawig ang dalawa.
Mukha lng bata ito kesa kay Sir Patch at mukhang kaedad ni Ms. Natasha. He looks like someone na parang mahilig sa mga pranks.
Nakangiti si Ms. Natasha pati yung lalaki sa litarto. Mukhang masaya ang mga ito. Napapagitnaan ni Sir Patch at ng lalaki si Ms. Natasha, tanging si Sir Patch lng hindi nakangiti sa picture.
Natawa ako.
Marunong man lng ba tumawa or ngumiti man lng si Sir Patch? Haha 😂
Nasa ganuong posisyon ako ng marinig ko yung boses ni Sir Patch na kinagulat ko
"Anong ginagawa mo?" Tanong nito.
Dali dali ko tinago sa likuran ko yung picture at letter.
"S-Sir!" Kabadong sabi ko rito.
"T-tinignan ko lng Sir yung mga libro mo, grabe Sir wala ako naiintindihan, hehehe" hindi ko alam kung kapanipaniwala ba mga pinagsasabi ko. Feeling ko pa nga mukha akong timang sa pilit kong pagtawa ko pero mukhang naniwala naman ito.
Chineck ko yung phone ko at nabasa ko na malapit na raw si Jenna dahil wala masyadong traffic.
"I dont do breakfast, if nagugutom ka na you can eat this" sabi ni Sir Patch. May dala dala na itong food

BINABASA MO ANG
Hello Sir!
RomanceReiley is just a normal college student but things get crazy when he met Patch - the cold, jerk and masungit na magiging Prof niya pala! --‐-------- Disclaimer: Im not that good in english so pasensya na po 😅 And first story ko po ito sana magustu...