Kasalukuyan ko inaayos ang mga pinadala ng parents ko na pagkain galing sa probinsya. Madami dami din ang mga ito na pinadala sa akin like fruits at gulay.
Habang inaayos ko yung mga prutas, naisip ko na bigyan yung kapitbahay ko na masungit tutal madami naman ang mga pinadala nila mama at baka mabulok lng ang iba dahil sobra sobra pa at hindi ko pa maubos at masayang lang.
Inayos ko muna ang mga ibibigay ko kay Sir Patch at tsaka ako kumatok sa pinto nito. Ilang sigundo bago bumukas ang pinto nito at lumuwa ang gwapong mukha nito.
Wait what? Gwapo? At kailan pa naging gwapo para sayo si Sir, Aber?
Sino ba kase hindi magagwapuhan sa itsura nito ngayon?
Mukhang galing ito sa pagligo dahil mejo basa basa pa ang buhok nito na tumatabing pa ang ilang piraso sa mga mata nito. Naka white plain na tshirt lang at naka sweat pants lang ito na kulay grey, may towel pa na nakapatong sa ulunan nito habang kiniskiss nito iyon sa medyo magulong buhok nito.
Napatulala ako.
Bakit parang ang pogi ni Sir?! Mukha siyang literal na hinugot sa isang movie scene.. yung tipong hot,gwapong at malakas ang dating na kapit bahay mo..
"Yes" pukaw nito sa akin.
Bakit napapadalas ata na kung hindi nag di-daydream ako ay napapatunganga naman ako pag kausap or kasama ko si Sir!
Reiley you need to come to your senses!
"Ahm fruits Sir gusto nyo?" Alok ko dito sabay angat sa mga prutas na hawak ko.
Saglit na tinignan nito ang dinala ko pero inabot din naman.
"Saglit lng" sabi ni nito at bumalik sa loob ng bahay nito. Mukhang isasalin ni Sir Patch ang mga prutas, nilagay ko kase iyon sa malaking tupperware.
Naiwang nakabukas ang pinto nito. Katulad before kita ko ang loob ng bahay ni Sir, pero nahihiya ako pumasok sa loob at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa nakita ko kanina?
Bakit Reiley? Ngayon mo lng nakita na lalaki pala para sayo si Sir no? Ngayon mo lng na realize na pogi pala si Sir? Ngayon mo napansin si Sir as a lalaki hindi as a teacher no? May malisya na sayo no?!
Bahagyang hinampas ko yung ulunan ko.
"Kung ano ano pumapasok sa isip ko" mahinang bulong ko.
"Hi"
Isang mahinhin na boses ang narinig ko mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang isa na ata sa pinaka magandang babae na nakita ko sa buong buhay ko.
Ang tangkad nito. Hindi ito ganun kaputian actually kayumangi ito pero makinis at pantay ang kutis nito. Maliit din ang mukha nito at may mahaba at straight na straight na itim na buhok. Ito yung tinatawag nila na filipina beauty. Mukha itong pinilas mula sa magazine.
Sa pagkakatitig ko dito saka ko lng na realize na ito yung nakita ko na kasama ni Sir Patch sa labas ng school!
Ito ba yung girlfriend ni Sir?! Wow ang ganda!
"Hi" ulit nito.
"H-hello po" sabi ko dahil mukhang mas matanda ito sa akin, siguro nasa 24 or kaidadan ito ni Sir Patch
"Dito ba nakatira si Patch?" Tanong nito sa akin at nakangiti pa din.
"Ay opo" sagot ko dito.
Gosh ang ganda! Pati mga ipin ang ganda! Lord sinalo ata nito lahat nung nagpaulan Ka po ng kagandahan!
"Bakit ka andito?" boses mula sa likuran ko.
"Ay kabayo" gulat na sabi ko dahil hindi ko namalayan na sa likod ko na pla si Sir Patch at hawak hawak na nito yung Tupperware ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/236581729-288-k215517.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello Sir!
RomanceReiley is just a normal college student but things get crazy when he met Patch - the cold, jerk and masungit na magiging Prof niya pala! --‐-------- Disclaimer: Im not that good in english so pasensya na po 😅 And first story ko po ito sana magustu...