Magandang Gabi Sir

1.9K 50 12
                                        

Lumipas ang mga araw ko sa school na matiwasay, kasalungat sa inaasahan ko mukhang hindi naman ako pinagiinitan ni Arcadio. Judgemental nga lng ata ako at siguro ganun lang talaga ito. Malamig makipag usap. Hindi ito katulad ng ibang Prof namin na nakakabiruan namin. Si Arcadio ay parang naglagay ng border line na kung hanggang saan lang dapat ang alam namin ituring dito, yun nga ang pagiging Prof nito sa amin. Hindi nga ata ito marunong ngumiti.

Sa hindi kinagulat ko sikat ba naman ito sa department namin! Siguro nga baka sa buong university pa! Tuwing dadaan ito ay parang kinikilig ang mga kababaihan at binabaihan! Na hindi ko naman maintindihan! Sabi nila ang cool cool daw nito, hindi ko naman makita kung bakit naging cool ito! Anong kina.cool nito? ang cool lng ata dito ay kung gaano kasinglamig mkipag usap ito.

Oo Sabihin na nga natin na kung hindi lang may taglay akong inis sa kanya e maiikunsidera ko nga na Gwapo nga sya. ung titigan mo nga si Sir nang mabuti ay may kahawig ito na Japanese Actor na si Takeru Satoh. Baka nga may lahi pa itong Japanese. Pero hindi ko talaga makita ang kinababaliwan ng kababaihan dito, siguro nga dahil hindi ang katulad nito yung type ko. Ah ewan.

Kahit inis ako kay Sir masasabi ko naman na okay ito mag turo. Actually magaling ito mag explain ng mga lessons namin at unlike sa ibang mga prof namin. Hindi ito tamad na puro pasagot lng ng exercises ang alam.

Ahmm

Enough of Arcadio!

Lately ay madalas kami nagkakausap ni Paulo which is sobrang kinatutuwa ko. Tutulungan nya din ako maglipat ng apartment mamaya. Umuwi na kase ng probinsya ang magulang ko, duon na sila titira. Hindi naman ako makasama dahil sayang ang pagaaral ko dito sa Manila at graduating na rin ako next year kaya napagpasyahan namin na mag bedspace na lng ako.

Chinat ko si Paulo if nasaan na siya, freeday ko ngayon at wala ako pasok samantalang si Paulo ay may pasok ngayon. Ang usapan namin ay magkikita kami sa coffee shop malapit sa school namin at sabay kami pupunta sa dati kong tinirihan para kunin ang ilang gamit ko na natitira para ilipat sa bago kong apartment, 5PM na wala pa din si Paulo ang usapan namin ay 4:30pm.

4PM pa lng ay nasa cofee shop na ako dahil nga excited ako sa pagkikita namin ngayon kahit ba hindi masasabi itong date excited pa din ako makasama si Paulo. Kanina padin ubos ang frappe na iniinom ko. Napagpasyahan ko na maghintay pa ng 30mins bago tuluyan na umalis at mag sabi na lng kay Paulo na ako na lng magisa aalis.

5minutes bago ako umalis nakatanggap ako ng chat mula kay Paulo. Humihingi ito ng pasensya dahil hindi nya daw ako masasamahan dahil tutulungan daw nito ang Prof nito.

I guess ako lang magisa.. Hayss..

Sinukbit ko na ang tote bag ko sa balikat ko.

Masama ang loob ay umalis na din ako sa coffee shop. Hindi ko naman magawang mainis kay Paulo dahil alam ko naman na importante ang pagaaral dito. Hindi sa hindi ako interesado sa pagaaral sadyang pagdating kay Paulo mas nangingibabaw dito ang pagaaral kesa sa iba.

Napagpasyahan ko na lng maglakad muna, hanggang sa napagtanto na dumidilim na pala since mag B-ber months na pala. Tinignan ko ang orasan ko pasado alasais na pala at ngayon ko lng na realize na naliligaw na pala ako dahil hindi ko pa din ganun kabisado yung daan papaunta sa bagong apartment ko.

Ayoko man mataranta pero hindi ko maiwasan dahil alam ko mahina ako sa lugar at madali nga ako maligaw. Napatingin ako sa paligid ko. Bigla ako kinabahan dahil wala ako sa mainroad at halos walang tao sa paligid ko.

Jusko wag naman po sana ako maholdap... dasal ko

Binilisan ko ang paglalakad ko. Nang napansin ko na may sumusnod sa akin mula sa likuran.. pasimple ako lumingon sa likod. Lalaki at nakatingin sa akin. Kinabahan ako dahil hindi maganda ang tingin sa akin ng lalaki at iba ang pakiramdam ko. Lalo ko binilisan ang paglalakad ko pero lalo din bumilis ang paglalakad ng lalaki sa likuran ko! Sinunsundan nga ata talaga ako neto! Natatakot na ako lalo na at madilim sa dinadaanan ko! Patingin tingin ako sa likuran ko habang lalo binibilisan ang lakad ko, feeling ko parang tumatakbo na nga ata ako nang biglang may umakbay sa akin!

Hello Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon