Kasalukuyan akong nag checheck ng mga test paper namin kasama si Sir Patch sa faculty room, mga pasado 8pm na. Napansin ko kase na hindi pa umuwi si Sir Patch after ng mid term exam namin, nakita ko na nag chicheck pa siya ng mga test paper namin at dahil hinihintay ko uli si Paulo pauwi dahil sabay uli kami napagpasyahan ko na tulungan na lng si Sir.
Nangalumbaba ako habang nakatukod yung baba ko sa ballpen.
Hindi ko nga alam kung galit pa ba ako kay Sir or kung nagalit ba talaga ako sa kanya. Siguro oo pero hindi siguro galit dahil masyadong malalim yung galit, sabihin na natin na ang tamang word ay inis.
- minsan naiinis pa rin ako sa kanya lalo na sa way ng pagsasalita niya na masungit at maigsi lng palagi na sagot, pero kung iisipin din kadalasan ako ang may mali tuwing naiinis ako sa kanya at sa hindi ko inaasahan ang dami na din pala na beses ako tinulungan ni Sir Patch.... na hindi ko ineexpect sa kanya...
"Kung tutunganga ka lng pwedeng huwag kana tumulong" masungit nitong sabi sakin sabay iling pa
Napanguso ako
"Sungit talaga" mahinang bulong ko.
Kung kailan naman gumaganda na yung impression ko kay Sir saka talaga babanat ng kasungitan to. Hmp!
"Ano?" angil neto.
"Wala po" nakanguso pa din na sabi ko at tahimik na nag check na lng ng mga test paper.
Maya maya napansin ko na parang nakatitig ito sa akin, bigla akong nailang! Ayoko mag-angat ng tingin. Pero nananitili itong nakatingin sa akin..
Anong trip neto..
Hindi ko na matiis nag angat ako ng tingin at tumgin dito..
"hmm?" sabi ko nakatingin ako dito pero nanatiling nakatitig lang ito sakin.
Lalo akong nailang, nagsisimula na din ako ma concious sa itsura ko...
May dumi ba ako sa mukha? Wait oily na ba yung mukha ko? magulo ba bangs ko?
Biglang nilapit ni Sir yung mukha nya sa akin!
Nahigit ko yung hininga ko!
Paano ba naman super lapit ng mukha nito sa mukha ko, parang isang dangkal na lng ata ang pagitan!
Dahil sa gulat napaatras ako
"B-Bakit po S-Sir?!!" gulat na sabi ko
Umatras na ito. Umaayos ito nang upo at pinagkrus ang mga kamay pero nanatiling nakatitig pa rin sa akin.
"Bakit ka nga pala andito?" Tanong nito.
"Ha?" gulong tanong ko dahil hindi ako maka get over sa paglapit ng mukha nito sa akin
"Ang sabi ko bakit ka andito" ulit nito.
Inaayos ko yung bangs ko at kinalma ang sarili.
"E-eh ti-tinutulungan ka Sir!"
"Hmm.. Sa pagkakaalam ko ayaw mo sa akin diba?" sarcastic na tanong nito
Wait what? Ayaw ko kay Sir? Tama naman ... pero before yun? wait bakit alam ni Sir?!
"Wala naman" nalilitong sabi ko "-Hindi ko naman sinabi yun!" Sagot ko
"Hmm" mukhang hindi to naniniwala.
Napalabi na lng ako at umiwas ng tingin dito.
Katahimikan...
Well, This is awkward..
Pero hindi pa din humuhupa yung lakas ng tibok ng puso ko
"Hindi ba dahil hinhintay mo yung kaibigan mo" Tanong uli nito pagtapos ng saglit na katahamikan.

BINABASA MO ANG
Hello Sir!
RomanceReiley is just a normal college student but things get crazy when he met Patch - the cold, jerk and masungit na magiging Prof niya pala! --‐-------- Disclaimer: Im not that good in english so pasensya na po 😅 And first story ko po ito sana magustu...