LYLLO'S POV
"You smell so good." Bulong ni Rohan habang nakatitig ako sa maliwanag na buwan.
Nandito pa rin kami sa balkonahe at tinitingnan ang buwan at city lights. Lumalamig na din ang ihip ng hangin, malamig naman talaga rito sa Tagaytay noon pa man. Hinayaan ko siya na yakapin ako mula sa likod, kasi daw malamig daw. Pero naka suot naman na 'ko ng jacket na bigay niya kanina sa'kin. Natatawa nalang ako sa palusot niya.
Hindi ko inaasahan na makikita ko ang sarili ko'ng nasa mga bisig ng lalaking halos kamuhian ko noong bata pa 'ko. Palagi kaming nag- aaway kahit na maliit lang ang dahilan no'n ay pinapalaki na namin, basta may away lang kaming magawa sa isang araw. Minsan ay hindi papupuntahin ni kuya si Rohan dahil makikita ko ito at kukulo na naman ang dugo, mas lalo pa akong nagagalit kapag pinagsasabihan ako ni Mommy na wag awayin si Rohan.
"Bakit ba tayo nag- aaway dati?" Biglang tanong ko.
"Hindi ko alam," tumawa siya at hinilig ang mukha sa balikat ko. "Ikaw ang nagsisimula, e."
Ngumuso ako dahil totoo naman 'yon. Pero inaasar niya kasi ako sa tingin pa lang niya. Naiirita na 'ko sa tingin niya dahil feeling ko palagi akong napapahiya sakaniya noon, wala pa man siyang ginagawa ay sinisinghalan ko na siya. Tatawa lang siya kahit na nauubusan na rin siya ng pasensiya sa'kin.
"Nang- aasar ka, e."
"Kasi pikon ka. Masarap ka'ng asarin." Aniya.
"Talaga? Anong lasa?"
Tumawa siya ng malakas dahil sa tanong ko. Umiling- iling ito habang nakatitig sa'kin. Binalewala ko ang tingin niyang 'yon kahit na bumibilis ang tibok ng puso ko. Tumitig lang ako sa madilim na kalangitan at tumahimik.
Kumalas ako sa yakap niya, pinabayaan niya naman ako pero nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko upang ikulong ako sa gitna ng mga braso niya. Kinuha ko ang cellphone ko sa purse ko at nag pictorial.
"Kuhanan natin ng litrato 'yung buwan. Ang ganda niya ngayon." Excited na sabi ko sabay taas ng phone para picture- an ang buwan.
"Hmm.. ikaw nalang ang kukuhanan ko, mas maganda ka sa buwan." Sabi ni Rohan sa gilid ko.
Inismiran ko lang siya at nagpatuloy sa 'pagkuha ng litrato. Hanggang sa umalis na 'ko sa pwesto naming dalawa upang kuhanan ng litrato ang garden, ngayon lang kasi ako nakapunta rito. Sa tuwing namamasyal kami ng mga kapatid ko ay hindi naman kami pumupunta rito. Minsan ay nag- iibang bansa kaming tatlo para cool.
Alam ko'ng walang katumbas ang mga mata mo para gawing saksi sa isang lugar na gusto mo'ng maalala habang buhay, iba'ng- iba ang makikita ng mga mata mo kaysa sa picture sa phone o camera mo. Dahil sa picture, nakita mo lang. Pero kapag gamit ang mga mata mo, mas maganda pa 'to sa personal. Mas maa- appreciate mo ang tanawin kapag ikaw mismo ang tumingin.
Pero gusto ko 'tong i- save as one of my best moments. Nahihiya naman akong kuhanan ko kaming dalawa ni Rohan dahil baka ayaw niya. Kaya palihim ko nalang siyang kinuhanan ng litrato habang nakatalikod siya sa'kin at nakatitig sa kalangitan. Maliwanag ang pagkakakuha ko kaya ise- save ko 'yon.
Lumayo ako at tinitigan ang city lights, kinuhanan ng litrato ng ilang beses hanggang sa makuntento na 'ko. Nag post din ako sa Facebook account ko ng isang litrato ng buwan, kasama si Rohan na nakatalikod. Isang word lang ang nicaption ko; 'bright'.
"Martina," narinig ko'ng tawag ni Rohan sa'kin.
Nilingon ko siya at ngumiti ng malaki. Pero hindi ko inaasahang itatapat niya cellphone sa'kin at kukuhanan ako ng litrato, mabilis niyang nagawa 'yon kaya natulala ako habang pinapanood siyang nakangiting nag pipipindot sa cellphone niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/234363048-288-k263149.jpg)
BINABASA MO ANG
THE WILD'S DEEPEST AFFECTION | SILVERVILE
RomanceIn the wild, you must be prepared for the worse. Dapat palagi kang alisto, dapat alam mo kung anong hahantungan ng bawat hakbang mo. Hindi puwedeng hindi ka handa sa kahit ano. Pero paano kung pinili mo'ng daanan ang mapanganib na direksyon kaysa i...