AHIYH 18: Seeing Me, Seeing You

341 43 26
                                    











KINAUMAGAHAN, nagulat na lang si Makai sa ingay ng paligid niya, ugong ng tricycle, boses ng mga tao, busina ng sasakyan, tahol ng aso, tilaok ng manok at kung ano-ano pa.

Nag-inat-inat siya at unti-unting idinilat ang mga mata. Napangiwi siya, masyadong maingay ang umaga niya. Nasaan ba ako? Tanong niya sa sarili.

Nang maalala kung nasaan siya, nagmasid muna siya sa paligid. Inaanalisa niya kung magiging maayos ba na lumabas siya. Medyo madilim pa ang kaalngitan pero busy na ang kalsada.

Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nakita niyang marami nang taong naglalakad at nag-uusap, meron mag-isa lang na nasa cellphone nito, may magkakagrupo na nagkukwentuhan, meron namang dalawa lang na hindi naman nag-iimikan at parang nag-aaway pa yata. Meron din namang kaswal lang na naglalakad.

Naalala niya ang mga nangyari kagabi at kung nasaan siya. Hinapit niya ang punit na blouse para maisara ng kaunti at pahalukipkip na naglakad patungo ng isang maliit na tindahan. May konting cash pa naman siya sa bulsa. Siguro may karinderia doon na pwede niyang kainan at makapag-tanong na rin kung nasaan siya.

Kung titingnang maigi, hindi ito nalalayo sa kalsada ng Makati ang lugar na ito, matao, maingay, kanya-kanya ng lakad. Ang kaibahan lang dito ay walang matatayog na gusali na katulad ng Ayala Ave, Gil Puyat Ave, Buendia Ave at iba pang bahagi ng Makati kung saan karamihan ng tao ay dito nagtatrabaho kasama na siya.

Puro mga naka-business suit ang karamihan sa mga tao doon, may mga nakaunipormeng pang-opisina, may pang-eskwela at may pang-department store din. Kanya-kanya ng lakad, kanya-kanyang direksyon. Katulad ng mga tao sa Makati, kahit mga nakauniporme, ang mga taong ito ay kaswal na kaswal lang dating, nagmamadali din ang mga ito na parang hindi naman.

Naglakad siya pasalungat sa mga ito patungo doon sa nakita niyang maliit tindahan. Parang pinagtagpi-tagping hindi mawari ang maliit na tindahan pero wala na siyang pakialam, nagugutom na siya at naaasiwa na rin siya sa ayos niya. Tiningnan niya ang sarili. Kailangan na niyang magpalit.

"Excuse me po." Pagkuha niya sa atensyon ng isang babaeng di katandaan na nasa loob ng tindahan.

"Ano yun, Ineng?" Magaang na sagot naman nitong hindi man lang siya sinulyapan, busy ito.

"Saan po ba dito pwedeng makahanap ng matutuluyan kahit ilang araw lang po?" Nag-angat ng tingin ang babae. Nandilat ang mga mata nito nang makita siya. Natahimik siya sa sinabi niya. Tirahan agad, Makai? Gutom lang yan. Sita niya sa sarili. Talagang gutom na siya.

"Mahabaging Diyos! Ineng, anong nangyari sa iyo?" Napaatras siya sa lakas ng boses nito na parang nahintakutang di mawari. Yun ang nakita niya sa mga mata at ekspresyon nito. Napakapit siya ng mahigpit sa sarili.

"Po?" Sinundan niya kung saan nakatingin ang ale. Napakapit siya sa damit niya suot. Hinapit itong patakip sa dibdib. Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga nasalubong ko kanina.

Naalala niya ang mga tingin ng mga nasalubong niya kanina. Nawala sa isip niya na napunot nga pala ang damit niya.

"Ay naku, halika dito sa loob, Ineng, nang makapagpalit ka ng kahit na yang pangtaas mo man lang." Pahayag nitong puno ng pag-aalala. Nagulat siya nang makita niyang nakatayo na ito sa tabi niya. Hindi siya agad nakahuma.

"Ay hindi na po. Gusto ko lang pong makahanap ng matutuluyan dito kahit panandalian lang po at mabibilhan na rin po ng damit kahit sa ukay-ukay lang." Nahihiya niyang sabi. Napabuntong-hininga ang babae at mapang-unawa siya nitong tinitigan.

"Kahit na." Pilit siyang hinila nito papasok sa maliit nitong tindahan. "Parine ka. Wag kang mag-alala, hindi ako masamang tao. Hindi ko aanihin ang bato, atay o puso mo para ibenta sa black market." Natatawa nitong bigkas. Napangiti din naman siya. Pero sa totoo lang, yun talaga ang iniisip niya kanina.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon