AHIYH 13: Marry Kaila

372 44 23
                                    






SA MANSYON ng mga Scott, masayang naghahapunan ang buong pamilya kasama siya at si Lotti. Natutuwa si Brielle at kasama nilang lahat si Leland, kauuwi lang nito katulad ng ipinangako kay Makai.

Masaya si Lotti dahil makakasama na naman nitong muli ang Papa Leland niya. Maging si Makai ay natutuwa din dahil makakasama na naman nila ang binata.

"Salamat naman at naisipan mong umuwi?" Paghihinampo ni Brielle sa anak. Napangiti si Makai dahil napangiwi si Leland sa tinuran ng ina.

"Mom, I'm sorry for not being home all the time. I have a duty to uphold." Pagrarason ng binata na mas lalong nagpasimangot sa ina.

"Ayan ka na naman, Land eh, iinisin mo na naman si Mommy." Pabulong na saway ni Makai kay Leland, magkatabi sila sa hapag-kainan. Napabungtong hininga ito at mahigpit na ginagap ang kamay niya.

"Mom, I am home now okay." Malumanay na sabi ni Leland. "I just can't get up and leave the case that I have been following for about six monthsor more sometimes and sometimes a year to two. I can't easily call you for your safety and everyone else." Kalmado at malambing nitong pahayag. Tumikhim si Siege. Napalingon naman ito sa ama.

"Son, your Mom is not saying to do that. What she was trying to say is, she wants you to come home for her when you can." Maagap na paliwanag ni Siege para hindi na makipagtalo pa si Leland sa ina at ganun din si Brielle sa anak.

Hinigpitan ni Makai ang pagkakahawak sa kamay ni Leland para kumalma na ito. Naramdaman naman agad niya ang pagkalma ng binata. Nagkatitigan sila at matamis itong ngumiti sa kanya. Tumalon naman ang puso niya.

"Look,Mom, I promise to be home right away when I can, okay. I will call often when it is possible." Hindi alam ni Makai kung galit si Leland na pinipigil lang o talagang kalmado lang ito dahil napakaseryoso ng eksprisyon nito. Humigit ng malalim na paghinga ang binata bago maingat na bumuga at tumikhim.

"Mom, let's just enjoy each other's company, okay?" Dugtong pa nito. Humalukip naman si Brielle na halatang ayaw tanggapin na ganun lang kadali ang pagiging okay.

"Okay? For now, maybe. But for how long? When is the next time again?" Hindi yata magiging maayos ang hapunan nila dahil sa takbo ng usapan.

"Mom, I am here, aren't I?" Leland blurted out. "The first thing I did as soon as I got my liberty is to call you and let you know I came home because I want to spend time with all of you before I go deeper into my mission." Pagrarason ni Leland. Niluwagan niya ang pagkakahawak sa kamay ng binata.

"Ibig sabihin kong hindi ka nakakuha ng liberty, hindi ka pa uuwi?" Puno ng hinampo nitong tanong. Alam ni Makai, ilang kalabit na lang, magtataray na ang biyenan dahil sa pasaway na bayaw.

Nilingon niya si Lance, tahimik lang itong kumakain at mukhang walang planong makisali sa usapan. Para itong may sariling mundo sa tabi ng asawa nito. Napabuntong hininga siya.

Naiintindihan niya ang lungkot at pagkasabik na nararamdaman nito sa mga anak. Ina na rin siya. Hindi madaling malayo sa anak o pamilya. Nawalan siya ng ina sa batang edad, naging tampulan ng mga hindi magagandang salita ng mga tao, lumayo siya sa pamilya. Ngayon, nawalan uli siya.

Sa mga narinig niyang kwento mula kay Lance, Majz at Mang Jose, minsan nang nagkalayo ang mag-asawang Scott dahil sa hindi magandang nangyari sa nakaraan ng mga magulang ni Siege dahilan ng pag-aakala nitong patay na ang asawa at ang isa sa kambal, at ganun din ang kay Brielle at ang isa sa kambal na hindi naman pala.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon