AHIYH 33: How Long It Takes

377 41 30
                                    





⚠️ UNEDITED ⚠️









SA WAREHOUSE na malapit sa pier, doon napili ni Makai na magmukmok. Ngayon sana ang plano niyang pumunta sa bahay nila Anton at magbakasaling naroon na ang binata. Hindi niya magawa ang gusto niyang gawin dahil hiniram ni Brielle si Lotti nang araw na yun para daw mag-shopping silang mag-lola. Wala namang nagawa si Makai kundi ang pumayag.

Nakapangalong-baba si Makai at nasa labas ng bintana nakatutok ang mga mata nito. Titig na titig siya sa kanyang maliit na halos luma nang kotse, mahal niya ito. Sa loob ng trunk ng kotseng yan nakalagay ang tatlong maleta nilang mag-ina.

Buo na ang plano niya, doon siya sa bahay nila Anton titira habang naghihintay siya dito. Napag-usapan nila ni Kailee at Majz nung nakuha na niyang magtapat sa dalawa na yun nga ang plano niya gawin. Kaya nakaisip ng paraan si Kailee sa tulong na rin ni Majz.

"Kai, kung ganyan na pala ang nararamdaman mo sa kanya, eh bakit pinipilit mong pigilan? Bakit?" Hindi alam ni Kailee kung ano ang sasabihin o itatanong sa kanya.

"Kai, alam na ba ni T'yong Niel ang plano mo?" Tanong naman ni Majz. Tumango siya.

"Kay Tatay at Ate Reva ko unang sinabi ang lahat. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko at si Tatay ang alam kong makakatulong sa akin, pero sa tingin ko si Ate Reva ang mas nakatulong sa akin kaya ko naisip ito." Maliwanag niyang kwento. Nagpatango-tango ang dalawa.

"Paano si Lotti?" Naalala niyaangn angyari ng mga nagdaang gabi. Nasigawan niya ang anak dahil pangungulit nito.

"Isasama ko siya. Gusto kong makita niya si Anton, kung ano ito bago niya gustuhing magkatatay uli." Nagkatinginan si Majz at Kailee dahil sa sinabi niya. Pinagmasdan lang niya ang pinsan at kaibigan.

"Alam ba nila Kuya Tino at Maira ang plano mo?" Tanong ni Majz. Umiling siya.

"Sabi ni Tatay, siya na ang bahalang magsabi kanila Kuya Tino, Maira at Craig dahil ayaw niya na ako ang magkwneto at baka mas mawalan ako ng lakas ng loob na harapin ang nararamdaman ko." Napatango-tango ang dalawa.

"Eh di wala na pala tayong ibang iisipin kung hindi ang pagpaplano ng maayos na maging minimal ang appearance mo sa mga meetings at conference." Napangalong-baba si Kaila, gayun din si Majz nang bigla itong may naalala.

"Kai, I can ask Lance to part time here kasi may kailangan kang puntahan. We don't have to tell Lance everything. Ang kailangan lang natin ay makausap ang T'yong Niel." Saad ni Majz. Bumukas ang pinto ng opisina niya bago pa siya nakasagot.

"Kung mag-uusap kayong talo ng mga plano ninyo, siguraduhin n'yong walang tao sa labas. Dinig ko ang mga boses n'yo eh." Natatawang saad ng Tatay niya.

"Tay! Anong ginagawa n'yo dito?" Maagap na tanong ni Makai. Ang alam kasi niya ay may lakad ito ngayon.

"Mano po, T'yong." Mabilis na bati ni Majz. Nagmano ito ganun din siya.

"Mano po, Tito Niel." Pati si Kailee ay nagmano na rin dito.

"Dumaan lang ako para ibigay sa iyo ito. Nandiyan ang litrato na pina-enhance ni Lance sa kaibigan niya sa Crame. Ipinakilala na rin ni Lance si Det. Carmelo doon sa kaibigan niya." Iniabot ng ama niya ang isang may kalakihang manila envelope. Nagkupulan silang tatlo sa lamesa niya dahil nakiusyoso na rin ang mga ito.

Sa loob ng envelope, nakuha niya ang tatlong litrato ng isang lalaking may kapayatan, mestizo ito at may mukhang maamo pero nandun ang mukhang may itinatagong hindi maganda. Kinuha nila Majz at Kailee ang dalawang pang litrato at pinagtag-isahan.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon