AHIYH 29: Life Sucks

395 46 51
                                    

Sorry na-late ang update, nakalimutan ko kung anong araw kahapon. Hehehe

️ UNEDITED ⚠️





MADALING araw pa lang ay umalis na si Makai. Nagkita pa sila ng Tatay niya bago siya tuluyang umalis.

"Goodluck, Nak." Nakangisi pang saad nito. Napailing na lang siya sa Tatay niya.

"Tigilan n'yo ako, Tay. Baka mamaya hindi pa ako tumuloy." Saad niya. Ngumisi ng nakakaloko. Nanlaki ang mga mata ng ama.

"Ako nga, Macaria, tigilan mo sa kakulitan mo. Tumuloy ka man o hindi, hindi ako ang maaapektuhan ng magiging resulta ng gagawin mo." Saad nang na mas nilaparan ang ngisi. Maaga pa lang ay binubwisit siya ng ama.

"Ewan ko sa'yo, Tay." Pabiro niyang singhal dito. "Wag n'yo pong kakalimutan ang lakad n'yo ngayon. Baka malibang na naman kayo sa apo n'yo." Paalala niya dito. Tumawa lang ang ama.

"Opo, Nanay. Hindi ko po kalilimutan ang lakad ko." Sabi naman nito.

"Alis na ako, Tay bago pa magbago ang isip ko." Natatawa niyang saad. Hindi na kumibo pa si Makai.

Lumabas na siya ng bahay, diretso sakay sa luma niyang kotse. Ito ang unang kotseng nabili niya sa sariling pera, pagkabali na pagkabalik niya dito sa Pilipinas, kasal ni Majz at Lance yun.

Pero bago ang lahat nang yun, bago siya nagdesisyon na sumama sa Tatay niya para pumunta ng Hongkong, anim na buwan na pala siyang buntis noon. Nagtataka siya at ang Tatay niya na hindi nahalata ang kanyang tiyan. Hindi nga niya alam na buntis na pala siya nung mga panahong naghihintay sila sa pagbabalik si Logan. Parang pinagpala naman ng langit na nung malaman niya ang kanyang kondisyon ay nagkakilala na silang mag-ama kaya mabilis siyang sumama sa ama at doon pa.pang niya ipinagtapat ang kondisyon niya.

Ipinakilala ni Niel sa kanya na pinsan niya si Tino at Amaira. Ito rin ang mga naging kasama nito sa California bago pa yumao na ang mga apuhan niya. Ang dalawang magkapatid sana ang makakasama ni Niel sa pagbabalik nito sa Pilipinas para hanapin siya ngunit hindi nangyari.

Nagkataon naman nagkaproblema ang mga magulang ni Craig sa rancho ng mga ito at kailangan nitong umalis ng California para hindi madamay sa gulong napasok ng mga magulang nito kaya nagpaiwan sa California ang mga pinsan.

Sa Singapore na sila nagkakilala. Kaya imbes na mga pinsan lang ang maabutan sana nila, tatlo ang inabutan nila sa mansyon. Hindi naging mahirap para sa kanya napakisamahan ang tatlo kaya naging close sila kaagad. Spoiled siya sa tatlo hanggang sa makapanganak siya.

Ilan buwan lang pagkatapos nilang dumating ng Singapore, ipinanganak niya si Lotti. Pero bago ang lahat ng yun, sinakop siya ng matinding depression at hindi nakatulong ang nagwawala niyang hormones dahil nga buntis siya.

Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin sila iniiwan ng tatlo, nagkaroon man sila ng hindi pagkakaunawaan, katulad na lang ng nangyari ilang buwang nang nakaraan, ay nareresulbahan naman nila kaagad. Nagpapahangin, nag-uusap, nagkakabati. Ganun sila.

Napahugot si Makai ng malalim na paghinga. Well, it's the moment of truth. Alam niyang sa mga ganitong oras ay pabalik na si Aling Lilya kasama si Anton o minsan ay Gener mula sa Divisoria. Kung sakaling wala si Anton, hihintayin niya ito hanggang pananghalian dahil umuuwi naman ito galing ng pier.

Hindi napansin ni Makai na nagdadapit-hapon na at wala pa rin ang hinihintay niya. Napatingin siya sa relo niya, alas sais y media na. Nagpalinga-linga siya, hindi niya nakikita ang mga pamilyar na mukha. Nagtatakaka man ay pinili na lang munang umuwi. Wala na rin naman siyang magagawa pa.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon