AHIYH 20: U.F.O.s and 2 by 2s

251 38 10
                                    

⚠️UNEDITED⚠️
Paki highlight po ng mali. Thank you.







Natapos sila ng maaga sa Divisoria kaya dumaan na sila kay Aling Senyang para ipabalot na lang ang kanilang in-order na hindi naubos. Bahagya pang nagtalo si Makai at Anton dahil pwede naman daw na magluto pagdating sa bahay nila Anton. Si Anton pa mismo ang magluluto.

Gayun pa man, Makai is Makai, kaya ang siste ay nakuha pa rin ang hindi naunahan s na kinain kanina at iniuwi yun. Hindi daw kasi sanay ni Makai na nagtatapon ng pagkain. Ganun din naman ang mga dela Serna kaya hindi na nakipagtalo pa si Anton.

Pagdating nila Anton at Makai sa karinderia ay naroon na rin si Gener at si Aling Lilya, naghihintay sa kanila. Napangiti ang ginang nang makita silang dalawa nitong magaan nagkukwentuhan. Ang hindi alam ng mga ito ay katatapos lang magtalo ng dalawa.

"Hindi na masakit ang ulo mo?" Tanong nitong pareho nilang ikinagulat. Napqnsin yata ni Aling Lilya ang pagtinign ni Anton ng matalim kay Gener kaya mabilis itong nagsalita. "Walang may nagsuplong sa iyo, Anton. Napansin ko lang kanina nang hindi ka kaagad sumunod sa akin. Nagmamadali kang ako kaya hindi na kuta pinansin total nandito ia naman sa karideria ni Senyang." Napailing si Anton. Matalas talaga ang pakiramdam ng ina.

"Konti lang, Nay. Nung makakain na ako at makainom ng tubig ay umayos na rin naman ang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ni Anton sa ina. Tumingin ito kay Makai ngunit ngiti lang nakita nito sa kanya.

"O siya, gutom na kung gutom ang naging sanhi ng sakit ng ulo mo, pero sa susunod, ayokong itinatago mo sa akin yan, Anton." Magkasalubong ang kilay na turan ni Aling Lilya. Napakamot na lang ng batok si Anton. Natawa si Gener.

"Ano po ba ang nangyari kay Anton, bakit alalang-alala kayo sa pagsakit ng ulo niya?" Hindi na nakatiis na tanong ni Makai. Kung makakasama niya ang mga ito sa loob ng ilang araw sa iisang bubong, mas mabuti may alam kahit papaano.

"May amnesia yan, Miss Makai." Si Gener na ang sumagot. Nakatikim tuloy ito ng batok.

"Amnesia?" Pag-uulit niyang tanong. Tumango si Gener. Kaya pala nagtanong si Aling Senyang kanina kung may naalala na siya. Hindi na siya isinatinig pa ang tumakbo sa isip.

"Mamaya na kayo magkwentuhan at tanghali na." Maagap sa sawata ni Aling Lilya. "Umuwi na tayo at kailangan ko pang magluto ng tanghalian." Giit nito. Nagkatinginan si Gener at Anton. Napangiti si Gener, naiiling naman si Anton. Tahimik lang naman si Makai.

"Alas sais pa lang, Nay." Turan ni Anton. Hindi ito pinansin ng ina, bagks ay nagtuloy-tuloy lang ito sa paglakad tungo sa jeep na nakaparada sa gilid ng karinderia.

"SAAN ka ba nagsuot at bigla ka na lang daw nawala sa warehouse kagabi?" Nag-aalalang tanong ni Niel sa anak. Tinawagan niya ito pagkadating sa maliit na karinderia/sari-sari store ni Aling Lilya.

"Pasensiya na po, Tay. May biglaan lang po akong aasikasuhin. Mawawala po muna ako ng mga ilang araw lang." Pagpapaalam ni Makai sa ama nang makausap na niya ito. Inilagay niya sa speaker phone ang tawag dahil tinutulungan niyansi Aling Lilya.

Tahimik ang paligid na ang taniging naririnig lang ay ang lagaslas ng tubig dahil naghuhugas ng pinggan na pinagkainan ng mga namili kanina at kaldero sila Gener at Anton habang siya naman ay pinaupo ni Aling Lilya sa tabi nito. Kauubos lang ng niluto nitong pansit at spaghetti para sa almusal.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon