AHIYH 21: Fearless Scar

368 42 28
                                    







"Tupe! Bilis! Halika rito!" Sigaw niya. Nagtataka man ang bata ay mabilis ding lumapit sa kanya. "Pilitin mong tumakbo papunta sa tindahan ni Nanay Lilya!" Utos niya dito. Lumingon pa ito sa lalaking nakahandusay na nagpipilit na bumangon.

"Si Nanay, Teh?!" Saad nitong umiiyak.

"Sino?" Tanong ni Makai.

"Si Nanay po?" Turo nito sa babaeng tinutulungan ang lalaki na tumayo. Napapailing si Makai. Hay, pag-ibig nga naman, sinasaktan ka na, nakasiksik ka pa rin.

"Sige na! Pumunta ka na doon! Dumiretso sa tindahan ni Nay Lilya, nandun na ang Ate Leng mo!" Mabilis ngunit kalmado niyang utos dito. Alanganin man at tumango naman ito at paika-ika nang tumakbo palayo. Napapailing si Makai, naaawa siya.

"Susmaryosep naman, Makai!" Malakas niyang sambit, patukoy sa sarili. Napatingala siya sa langit. "Ano ba itong pinasok mo?!" Sambit niya na hindi makapaniwala sa gagawin niya at ginagawa niya.

"Nay. Tara na po. Hayaan n'yo na po sila Gener at Anton sa kanya." Hindi niya kilala ang ginang kaya tinawag na lang niya itong Nanay. Napansin niyang ayaw pa nitong sumunod sa kanya. Pinipilit pa rin nitong itayo ang lalaki na ngayon ay nahuhulaan na niyang asawa ito at Tatay ni Gener.

"Hindi pwede, ineng. Kailangan niya ako!" Umiiyak nitong saad habang pilit na itinatayo nito ang lalaki. Napapakamot na lang si Makai ng kilay. Dios mio! Nabugbog ka na't lahat, kailangan ka pa rin? Takbo ng isip niya.

"Naku, Aling Lourdes! Hindi kayo kailangan ni Mang Pilo! Kwatro-kantos ang kailangan niya!" Sigaw ng lalaking miron. Tumawa pa ito kaya nagtawanan din ang mga kampon nito. Nainis si Makai, wala man lang nakaisip na tulungan ang mga ito, bagkus ay kinutya at pinagtawanan pa.

"Ang kailangan niyan, Aling Lourdes ay ang mauutos-utusan at magugulpi kapag nalalasing o di naman kaya ay kinulang ng inumin!" Sigaw ng isa pang miron, babae naman Gusto nang magalit ni Makai pero mas importanteng mailais niya dito ang ginang.

Wala sigurong magawa sa buhay ang mga tao dito. Mas gusto pang pagpiyestahan ang buhay ng kapwa at gawing entertainment para sa sarili nila kesa tumulong sa kapwa.

Naalala niya ang naging buhay niya sa San Nicolas habang lumalaki. Hindi ganito ka-iskandaloso ang buhay nila pero palagi silang pinag-uusapan ng mga kapitbahay at kaba-barrio nila. Bida ang nanay niya sa lahat ng bulong -bulungan ng mga taga-San Nicolas.

Naging tampulan ng matatabil na dila ang buhay ng Nanay niya dahil umuwi ito nang hindi kasama ang asawa. Usapang nadala na niya hanggang sa paglaki para lang tawaging "malas".

Tiniis niya ang lahat ng yun dahil sa pagmamahal sa kanya ng mga tiyahin at tiyuhin at mga pinsan na rin. Yun yata ang nagbigay sa kanya ng katinuan sa pag-iisip at lakas ng loob na tapusin ng may matataas na marka sa high school katulad ng pinsang si Majz.

Bahagya na nga sanang nawala ang pagtawag sa kanya ng malas ng mga kapitbahay nila, namatay naman ang Nanay niya. Ang masaklap pa ay kasabay nito ang T'yang Soleng niya, Nanay ni Majz at Manuel. Parehong binaril ito sa burol malapit sa kabilang hacienda nang hindi pa rin nalalaman ang tunay na dahilan.

Hindi niya alam ang tunay na nangyari, una wala siya noon dahil nasa field trip siya. Hindi niya kasama si Majz dahil ibang club naman yun. Naikwento na lang sa kanya ng pinsan na umalis daw ang Nanay niya dahil may kikitain daw itong tao. Nag-alala ang T'yang Soleng niya kaya daw sinundan nito ang hipag.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon