Keep Calm and Fall in Love
"Fall in Love," ulit ni Joey.
Iyon ang nakadikit na poster sa pader katabing pinto ng events hall. Sa baba ng tagline ay nakasulat ang Soulmate. It was a speed dating event.
So ironic. Parang wala ata siyang kakilala na kumakalma kapag na-i-inlove.
"Miss Josephine Rizal?"
Bahagya pang nagulat si Joey sa lalaking sumulpot sa tabi niya. Nakasuot ito ng bowtie at kumikintab ang buhok na halatang pina-salon muna. May naka-pin na ID sa bulsa ng polo- shirt nito na may logo ng event. Nakasulat ang "Staff" in capital letters.
"Philip," pagpapakilala ng lalaki, sabay abot ng kamay. Kinamayan din ito ni Joey.
"Everyone calls me Joey."
Ngumiti ang staff. It was a winning smile, meant for her to be more comfortable.
Napansin siguro nito ang pag-aalinlangan niya kanina pa.
"Miss Joey, dito na po tayo sa event."
Sinundan niya ang staff papasok sa loob ng events hall. Halatang may taste kung sino man ang naka-assign sa interior décor. Tama lang ang liwanag-slash-dilim ng loob ng hall.
There was also soft music coming from somewhere inside the room.
"Yiruma," wala sa loob na bigkas ni Joey sa composer ng instrumental music.
Ngumiti ang staff, na-recognize kung ano ang ibig niyang sabihin. "First Love."
First Love, huh? Way to set the mood.
"Paano mo pala nalaman kung sino ako?"
Ngumisi ang staff. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa pero hindi sa nakakainsultong paraan.
"Sabi ni Miss Charlene, kung sino daw ang tiyak na ma-le-late at kakaiba sa lahat, iyon daw si Josephine Rizal."
Naintindihan na ni Joey ang ibig sabihin ng staff nang sa pagpasok nila sa isa pang mas maliit na kwarto ay tumambad sa kanya ang mga tao. Naka-semi-formal ang mga ito. Sa malayo pa lang ay halata nang may sinasabi sa buhay. Halatang pinaghandaan ang event.
Sinipat ni Joey ang sarili sa isang glass door. Maluwag pa ang suot niyang puruntong at maluwag din ang suot niyang T-shirt na pinatungan niya ng vest. Iyon na ang suot-suot niya kanina pa sa trabaho.
Sa totoo lang ay wala naman siyang balak talagang tumuloy sa event na iyon. Pero kailangan niyang makasagap ng hangin na hindi nanggagaling sa opisina. The air in the office was tainted with frustration and agony. Lahat kasi ay abala sa susunod na gagawing art show. They were collecting works from amateur and less-known local photographers to showcase on their next exhibit. Ang problema ay wala pang pumapasang concept sa mga producers para sa i-pe-present na show at nauubos na ang oras.
Kaya naman sila - siya at ang mga kasama niya sa creative department - ay nadadamay sa paghahanap ng 'Next Masterpiece since Da Vinci.'
As if.
But well, kung sagana sa positivism ang mga producers, sino siya para kumontra?
Kaya dinala na rin niya ang camera for good measure. Maybe, just maybe, the heavens and the powers that be would give her a break and give her a little something to contribute to the team.
Nag-uumpisa na siyang kumuha ng litrato ng kung ano-ano sa loob ng hall. Marami na sa mga iyon ang napapansin niyang ipinapakilala ng staff sa isa't-isa bago pa man mag-umpisa ang main event.
BINABASA MO ANG
Isang Salitang May Tatlong Letra
RomanceMay dilemma si Joey. Nawawala si Erwin, ang kanyang boyfriend. Kasalanan niya. Ina-alayan siya nito ng "forever" pero hindi niya tinanggap. Hindi pa man siya ikinakasal ay nagka-cold feet na siya. Pagkatapos, dumating si Bogs sa buhay niya isang ga...