Just give me time, I'll forget you
Or you could just let me be
Just let me love you
"Nice."
Pagkasabi no'n ay lumingon sa kanya ang officemate na si Wincy. Ito ang magaling sa pagbuo ng lighting concepts samantalang si Joey naman ang taga-tulong sa pag-execute.
"Joey, pre." Itinaas ni Wincy ang kamao sa kanya na agad din niyang sinalo ng kanyang kamao. "Ano ulit sabi mo?"
Ibinaba niya ang gamit at kasabay nang pagturo sa laptop ni Wincy. "Yung kanta na pinapatugtog ni Justin Bieber." Justin Bieber ang pangalan ng laptop ni Wincy. "Ngayon ko lang narinig 'yan. It's a nice song."
More than nice, actually. Nang marinig pa lang niya ang melody pagpasok niya ng opisina ay agad na sumikdo ang dibdib niya. Sakto ang melody sa lyrics. Tumama ang pagbaba at pagtaas ng tono. And even without the lyrics, the melody was already telling a story. Parang hinihila kasi ng singer ang mga salita sa bibig. Parang chocolate na masarap at nilalasahan muna ng dila bago lunukin.
"Marami pa siyang mga kanta?"
May inabot sa kanyang usb si Wincy. "Ito 'yung album ng singer na 'yan. His name's Eddy Chen. Nag-debut siya sa China at sa Korea kaya siguro hindi mo kilala. Medyo sikat siya sa ibang Asian countries, though."
"Thanks!"
"Nga pala, may naisip ka bang concept para sa art exhibit? Kinokolekta ni Madam Luci kanina yung mga ideas kahit daw sa pinilas na papel lang."
Binuksan ni Joey ang desktop niya habang nagsasalita. "Alam mo naman na hindi ko forte 'yang mag-isip ng concept. Hindi ba at taga salo niyo lang ako?"
That was true. Mas madali kasi para kay Joey na mag-expound lang ng ideas ng iba kaysa gumawa ng original idea. That was why she really couldn't consider herself an artist and an innovator. Kumbaga ay siya lang ang support role. Siya ang "wind beneath your wings" ng mga colleagues niya.
Kaya naman kung ang ibang mga kasamahan niya sa creative department ay nakapag-launch na ng kani-kanilang mga "babies," si Joey ay masaya na nakaka-pagcontribute ng idea. And that was why she was so good at her job. She loved contributing without actually being under the limelight which she wasn't comfortable in.
Kapagkuwan ay may naalala si Joey. "Speaking. Baka may magamit ka dito. Kinuha ko dun sa event ng friend ko. Na-cute-an ako sa mga couples."
Inabot niya naman kay Wincy ang camera. Pagkatapos ay isinaksak niya ang usb cable sa desktop computer.
"Ano'ng title ng folder?" "Air Castles."
"Okay. Copy... copy..." Ilang sandali pa ay tumatango-tango na si Wincy. "Hmm... this is good, Joey. Yeah. I think this might do."
"Talaga? Tingin ko din. Gusto ko 'yung pag-play ng ilaw dun sa mga newly-met strangers—
"— Gusto ko yung kuha ng paa niya sa basang kalsada."
Basang kalsada? Napalingon tuloy si Joey kay Wincy. Wincy's face had already adapted that 'This might really work' aura. Seryoso ito nang tumingin sa kanya.
"Itong shot ng lalaking 'to. I think this might really work."
Sinilip niya tuloy ang tinitingnan ni Wincy. And there he was again: her mysterious man. Sa'yo talaga, ha?
"Hindi pwede 'yan, Wincy," mabilis na sabi niya. "Private 'yan. Hindi 'yan kasama." Halos agawin niya na kay Wincy ang camera pero mahigpit ang hawak ng lalaki. "Walang private-private. Bakit, boyfriend mo ba 'to?"
Ugh. "Basta hindi 'yan kasama."
Masama na ang tingin ni Wincy sa kanya. Nakipaghamunan si Joey ng tingin. Syempre, sa huli, siya ang sumuko. Bakit ba siya nagpapaka-possessive sa isang litrato ng kung sinong estranghero na ni hindi niya nalaman ang pangalan?
"Ito ang ipe-present natin mamaya sa pitching ng ideas, Joey," excited nang sabi ni Wincy. Alam ni Joey na wala na siyang magagawa doon. "Sino 'tong model mo?"
Si Batman. "Sa totoo lang, hindi ko din kilala. This was..." Naghahanap siya ng tamang salita habang tinititigan ang larawan ng estranghero. In the light of day, the photo even looked haunted. Beautifully haunted, she might add. "An accident."
"Ha? Anong aksidente? Na-aksidente ka kagabi?"
Umiling si Joey. Masama ang loob na inalis niya ang tingin sa litrato. "Hindi ko kilala 'yang model eh. Sorry." It was true. But she said it more for her benefit. Baka sakaling magbago pa ang isip ni Wincy at hindi na pag-interesan ang litrato.
But Joey forgot how determined Wincy was when it came to work. Ni hindi man lang ito kumurap sa bombang pinakawalan niya.
"Hindi na natin 'yon problema. Problema na nila Madam 'yon. Ang importante, may maipasa tayo mamaya bago pa tayo maputulan ng trabaho." Naglinya pa si Wincy sa leeg na parang gigilitan.
Joey looked longingly at the camera. Ayaw niya talagang ibigay iyong litrato dahil kanya 'yon. But she also knew that it would be selfishness. She had no claim over that one picture that wasn't supposed to be there in the first place. Isa pa, sa ngayon, mas importante ang partisipasyon niya sa project.
"O sige. Ikaw na ang gumawa ng pitch, tutal, ikaw naman may idea," suko niya.
Ibinuka ni Wincy ang dalawang kamay na parang nagpupugay sa bandila. Tumingala ito sa kisame.
"Diyos ng awa at habag, iligtas Niyo po kami ni Joey sa kapahamakan at masasamang loob na aming mga boss."
"Amen."
Nang umalis ng silid si Wincy ay nagbuntong-hininga si Joey. Binalikan niya ang mga kantang nasa album. Namili siya ng isang kanta. One title caught her attention.
"Until I See You," basa niya.
Nang pindutin niya iyon ay tumunog ang kaparehong melody na pinapatugtog ni Wincy kay Justin Bieber. Pagkatapos ay pinakinggan niyang maigi ang mga lyrics sa unang verse.
I still search for you on busy streets
My heart is slow to forget
Whenever I try, whenever I'm done
Suddenly, your memories drop like rain in summer
Blinding my eyes, filling my mouth
You drown me, oh, you drown me
Technically, hindi naman nakakaiyak ang kanta. Pero ewan ba ni Joey kung bakit ang musika, ang ritmo, ang lyrics, kapag pinagsama-sama, parang dagat na pumupuno sa damdamin niya. Nawawalan siya ng hininga at nagtutubig ang mga mata niya.
"Damn onion-cutting ninjas," singhot niya.
Sa curiosity niya ay hinanap niya si Eddy Chen. Chinese at Japanese ang marami sa mga interviews nito pero may isa siyang article na nabasa tungkol sa kantang Until I See You.
"I want to extend my gratitude to one of my friends and mentor, Jacobo Beltran, for writing my favorite song in the album..."
Searching Jacobo Beltran...
Kaya lang ay walang matinong litrato ang Jacobo Beltran na ito. Palaging pangit ang anggulo nito o kaya naman ay nakatalikod. Mukhang may galit pa ata sa camera ang isang 'yon.
"Even still, you write beautiful songs, Mr. Jacobo Beltran. Salamat."
"Joey!" Sumungaw ulit ang mukha ni Wincy sa pintuan. "Sama ka daw sa meeting." Sinara niya ang album at pinatay ang screen ng desktop. "Papunta na."
BINABASA MO ANG
Isang Salitang May Tatlong Letra
RomanceMay dilemma si Joey. Nawawala si Erwin, ang kanyang boyfriend. Kasalanan niya. Ina-alayan siya nito ng "forever" pero hindi niya tinanggap. Hindi pa man siya ikinakasal ay nagka-cold feet na siya. Pagkatapos, dumating si Bogs sa buhay niya isang ga...