Prologue

363 20 5
                                    

What is love?

Tumaas ang kilay ni JB. Nilingon niya si China na nakasandal sa headboard ng hospital bed. Ipinakita niya dito ang nabunot na papel.

"Seryoso? We're doing this?"

China didn't miss the sarcasm in his voice. Hinampas siya nito sa braso pero nakangiti naman. That was China. Lahat ng bagay ay nakakakita ito ng ikakasasaya.

"Sagutin mo na lang!" Nang patuloy pa ring ngumiwi si JB ay ngumuso ito. Gamit ang isang daliri ay binaybay nito ang mga letrang nakasulat sa labas ng nakatuping cartolina. "T- R-U-T-H. You have to answer this whether you like it or not. At FYI, hindi kita pinilit. Kusa kang pumayag sa game na 'to."

"Ang dami-daming tanong, ito lang ang naisip mong ilagay? You could have asked me who my first kiss was."

"As if I would want to know about that!"

"Or my first crush. Or the first girl who gave me a boner. Or—"

"Oh please, Bogs. Quit stalling and answer the question," natatawa pa ring sabi ni China, calling him by his childhood name.

When everyone else started calling him "JB" in high school - the initials of his name Jacobo Beltran - China remained stubborn and insisted on calling him 'Bogs.' Up until the end, she was determined to be a stand-out in his life. JB loved it that way.

"Of all the corniest —!" Kunwa ay napailing-iling pa si JB. He wanted to tease China more. Hindi niya alam kung ilang buwan na lang niyang pwedeng tuksuhin si China nang gano'n. Inginuso niya ang ilan pang mga nakatuping papel sa pagitan nilang dalawa. "You rigged this, didn't you?"

Nandilat na ang mga mata ni China sa kanya. Even when China was irritated, JB still felt like drowning inside those lovely eyes.

"Ugh, Bogs. You are frustrating."

"I refuse to justify this uninspired question with an answer—"

Hindi pa siya tapos magsalita ay mabilis na tinakpan ni China ng mga labi nito ang mga labi niya. He kissed her back hungrily, instinctively. Hindi na niya mabilang kung ilang halik na ang pinagsaluhan nilang dalawa ni China sa loob ng maraming taon. But every kiss was still a soulful, earth-shattering experience.

Nagmaktol pa siya nang lumayo si China. "Bitin!"

China laughed with her cheeks flushed. Even when she was this sick, she was still the most beautiful woman in the world.

"Answer the question, Bogs."

Kinuha niya ang kamay ni China at masuyong hinalikan iyon. Hindi niya mapigilan ang pagsisikip ng paghinga. He didn't want to think of the worst. He wasn't ready to give her up yet.

Inilagay niya ang kamay ni China sa tapat ng dibdib niya. Alam niyang nararamdaman nito ang malakas na pintig ng puso niya dahil ngumisi si China.

"Looks like someone got too excited," panunukso pa ng kasintahan.

Ngumisi rin siya, sinisikap na hindi sirain ang tagpong iyon ng mga takot niya.

"This is love, China," sagot ni Bogs sa tanong nito. Pagkatapos ay inilagay niya ang kamay sa gilid ng nakangiting labi nito. "That is love."

China kissed him again. Napahalakhak si JB. "I guess you're satisfied with the answer."

"Not yet, Mr. Too-sure-of-Himself." Kinuha ni China ang kamay niya at ginamit para haluin ulit ang mga papel sa gitna nila.

Nagsikip ang paghinga ni Bogs sa ginawa ng kasintahan. Dati, ang mga kamay ni China ang moog niya. Ang nag-akay sa kanya at nagbigay sa kanya ng direksyon sa buhay. Iyon na ang pinaka-matibay at malakas niyang dantayan.

Pero ngayon, ni hindi na halos niya naramdaman ang mga kamay nito. Hindi na rin kayang itiklop ni China ang mga kamay. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang minura ang 'cancer.' Kung ang cancer ay isang tao, ito 'yong bully sa eskwelahan. That fat, insecure kid who was the tallest among the class and liked to throw its weight around. Hindi namimili ng aawayin, ng aalipustahin.

Bogs would like to shield China from the bully. He would like to rescue her. Keep her safe. Make sure that the bully wouldn't be able to touch even a single strand of her hair.

Pero simula nang malaman nila ang sakit ni China ay na-realize ni Bogs na isa lang pala siyang batang iyakin.

"Kuha ka pa ng isa," susog ni China. Sinikap ni Bogs na ngumiti ulit ditto.

"Last na 'to ha," aniya pagkakuha ng isa pang papel. "Kinikilabutan na ako sa pinapagawa mo sa'kin."

"Oooh. Dare. Tingnan nga natin."

Na-a-amuse na pinandilatan ni JB si China. "Ikaw kaya ang nagsulat nito."

"Eh 'di tingnan natin kung ano'ng isinulat ko."

Kumunot ang noo ni JB nang basahin ang nakasulat. Nang tingnan niya si China ay may iniabot ito sa kanyang isang maliit na journal. Bigla siyang kinabahan. Nagtatanong angga matang sinalubong niya ang tingin ng kasintahan. Nakangiti pa rin ito nang tumango sa kanya. It was a sad smile, though.

"A-anong ibig sabihin nito?"

"Bucket List. Alam mo ba yung pelikula ni Morgan Freeman at Jack Nicholson? Yung dalawang lalaking tumakas sa cancer ward—"

Mariing hinawakan ni JB ang braso ni China para tumigil ang huli sa pagsasalita. Pero agad din niyang niluwagan ang hawak. Kung siya ang masusunod ay yayakapin niya nang mahigpit na mahigpit si China para masigurong hindi ito mawawala sa buhay niya. But even that simple wish he couldn't do. Masasaktan na si China sa mga mahihigpit na yakap niya.

Damn Leukemia! Damn everything wrong in this world!

"Why are you giving me this journal, China?"

Sumeryoso ang mukha ng kasintahan. Tiningnan siya ni China na parang nakasalalay sa sasabihin nito ang buhay nito.

"Ikaw na ang tumapos nito para sa'kin."

"I can't. I won't!" Buong puso, isip, at kaluluwa ni JB ang nagpoprotesta. Surely, China can't do this to him. "Ikaw ang tumapos nito, China. This is yours. Gagawin mo 'to in five... ten... Even in twenty years. Fifty years!"

Umiling si China, nakangiti. Somehow, he got pissed at her calmness, at her resignation. Samantalang siya ay unti-unting namamatay sa bawat sandaling iniisip na mawawala sa kanya si China ano mang oras.

"This is yours now, my beloved Bogs." Ginuhitan nito gamit ang daliri ang salitang 'DARE.' "Kailangan mong sumunod sa rules ng Truth or Dare."

Naningkit ang mga mata ni JB. Agad ang pagbukal ng mainit na likido sa gilid ng mga mata niya.

"You're unfair, China, do you know that?"

Undeterred, China smiled again. "Alam ko. Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos araw- araw kasi mahal mo pa rin ako."

Inilahad ni China ang kamay sa kanya na mabilis niyang inabot. Pagkatapos ay niyakap niya ang kasintahan. JB was supposed to be the strong one, but he was the one who was uncontrollably shaking.

"I want to still be alive in ten years. I still want to experience all of this. Pwede bang ikaw ang gumawa no'n para sa'kin?" bulong ni China, nanginginig ang tinig.

"China..."

"Promise me, huh, Bogs?"

Imbes na sagutin iyon ay hinalikan niya ulit ito. "Palagi kitang mamahalin, China."

Isang Salitang May Tatlong LetraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon