Syempre, hinding-hindi aamin si Joey sa dalawang kaibigan na naghihintay ata siya ng closure kay Erwin.
Habang naglalakad si Joey sa kadiliman ng kalsada bandang alas onse ng gabi bitbit ang dalawang plastic bag ng instant noodles na binili niya sa nadaanang convenience store ay pumasok na naman sa balintataw niya ang mga pangyayari maraming buwan na ang nakalipas...
Wait. Ilang buwan na nga ba?
"Eighteen months," sagot ni Joey sa sariling tanong habang nakatingin sa madilim na langit. "Isa't kalahating taon na at hindi ko pa rin alam kung nasaan kang gunggong ka."
Hindi niya masisisi si Erwin. As far as the both of them were concerned, she was the one who called the relationship off. Well, technically, hindi siya ang nakipagbreak. Pero siya ang may kagagawan kung bakit nawawala si Erwin ngayon.
"Josephine Rizal, will you marry me?"
Hindi iyon inaasahan ni Joey kaya naihulog niya ang mga buhat-buhat na lighting equipments. Muntik pang mabasag ang mga iyon kung hindi carpeted ang sahig ng studio.
"A-anong sinabi mo?" Nakaringgan lang ba niya ang proposal na iyon?
Sa pagkakataong iyon ay lumuhod si Erwin. "Will you marry me, Joey?"
Hiyawan ang lahat ng tao sa loob ng studio. Pwera kay Joey. Pakiramdam niya ay literal na tumama ang magnitude 8.5 na lindol sa kinatatayuan niya dahil mukhang siya lang ang nayanig.
She wasn't prepared for this onslaught! At all!
Sinikap niyang i-mental-telepathy si Erwin, Erwin, tumayo ka diyan! Mag-usap tayo ng pribado!
Sinapian ata si Erwin ng mga kaluluwa ng mga congressman dahil hindi ito makuha sa tingin. He just kept staring at her with those eyes she had once thought were the finest in the world. Sa paligid ay nag-uumpisa nang mag-chant ang mga officemates niya ng 'Yes! Yes!"
She could have made this easier – for Erwin and for everyone. Pero siya ata ang may sapi. Hindi niya magawang ibuka ang bibig para sabihin ang magic words. Sa pagkabigla ng lahat, mabilis siyang nanakbo paalis sa lugar na iyon at iniwang tulala si Erwin at ang buong mundo.
Hindi nagpakita si Erwin sa kanya pagkatapos noon. Ilang beses niya itong tinangkang kausapin – para humingi ng tawad at para ipaliwanag na hindi pa siya handang lumagay sa tahimik – pero isang beses niya lang itong nakausap at sa phone pa. He made it known to her that he was terribly, devastatingly hurt by her. Ang kasunod niyang nalaman ay kinuha na ni Erwin ang job offer nito sa Dubai. He hasn't contacted her since.
Iyon ata ang dahilan kung bakit hindi siya nag-i-initiate ng date kahit kanino. Alam niya kasing may nasaktan siya. Was it because of her cowardice? Was it because Erwin gave up easily? Tatlong taon ng buhay niya na kasama si Erwin ang nasayang dahil lang hindi niya magawang magsabi ng isang salitang may tatlong letra.
"Yuck! Ang panget mo na. Hindi ka na nga nag-aayos, hindi ka pa natutulog," ani Jazz sa kanya.
Ilang araw na siyang tulala at malalaki na ang eye bags nang yayain siya ni Jazz na mag-shopping kahit na wala siyang budget.
"Kasalanan ko, Jazz," latang-latang sabi niya. "Paano ako makakatulog sa gabi kung alam kong may sinaktan ako? 'Yes' na nga lang ang sasabihin ko, hindi ko pa magawa."
"Eh, sa hindi niyo pa oras. Ano'ng magagawa mo?" "Pero malalaman ko pa ba?"
"Ang alin?"
"Kung kailan tama nang sabihin ang 'Yes.'"
Matagal na tinitigan lang siya ni Jazz. Halatang hindi rin alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Kapagkuwan ay nagkibit-balikat.
"Malay ko. Alam mo namang allergic na ako sa love-love na 'yan."
And that should have been the end of it.
Pero ito, eighteen months later, naglalakad pa rin si Joey na mag-isa at iniisip kung dadating pa ba ang tamang panahon para sa kanya. Ni hindi niya nga naiisip na maghanap ulit ng iba. Ni hindi nga niya naiisip kung may dadating pa ulit na pagmamahal para sa kanya.
Baka sumama na lang siya sa federasyon ni Jazz na itinakwil na ang pag-ibig. Tumingala siya ulit sa langit.
"Lord, kapag ba dumating na siya, malalaman ko pa ba?"
Bilang tugon ng kalangitan ay biglang bumuhos ang nakapalakas na ulan. Iyong klase ng ulan na tatlumpung minuto pa lang ay tiyak na magbabaha na sa Maynila.
"Kung tatayo ka lang diyan magdamag, harapan mo nang maririnig ang sagot ni Lord."
Joey's head turned swiftly at the source of the baritone voice. Dahil nga madilim at tumutulo na rin ang tubig-ulan sa mata niya ay hirap siyang maaninag kung saan eksakto nanggagaling ang boses.
"I'm here, silly."
Bago pa rumehistro ang nangyayari ay may biglang sumulpot na kamay sa tabi ni Joey at bigla siyang hinila. Dahil sa gulat ay napatili siya, lalo pa at sa lakas ng humila sa kanya ay tila siya tinangay ng hangin gayong kung tutuusin ay hindi siya petite at lalong hindi siya supermodel slim.
"Wait... wha--?"
The next thing she knew, the rain had stopped falling on her. Nasa silong na siya ng waiting shed at ampyas na lang ng ulan ang umaabot sa kanya.
"Gotcha."
Joey turned to look at her savior and was surprised to be greeted by a shiny pair of heavy-lidded eyes.
BINABASA MO ANG
Isang Salitang May Tatlong Letra
RomanceMay dilemma si Joey. Nawawala si Erwin, ang kanyang boyfriend. Kasalanan niya. Ina-alayan siya nito ng "forever" pero hindi niya tinanggap. Hindi pa man siya ikinakasal ay nagka-cold feet na siya. Pagkatapos, dumating si Bogs sa buhay niya isang ga...