Matapos ang labing-apat na oras at pitong tasa ng kape...
Tinititigan ni Joey ang memo at nagbabakasakaling mag-dissipate sa ere ang papel. Sa kamalas-malasan - o ka-swertihan ba dahil kapag dagdag na trabaho at oportunidad ay swerte - ay nakuha ng litrato ni Batman ang atensyon at kuryosidad ni Madam Luci.
"This might do," non-commital na sagot ni Madam Luci. Sa normal na lenggwahe, ang ibig sabihin no'n ay, "Gusto ko 'to. Kailangan niyong i-follow-up ang ideya na 'to, pronto!"
Ang concept ng exhibit na iyon kung sakali? Enigma. Isang bagay na misteryoso at mahirap maintindihan. Exactly like Batman in the rain.
Ibig sabihin, lahat ng mga artists na gugustuhing mag-submit para sa exhibit ay kailangang sumunod sa theme nila. That also meant recognition for her valuable contribution.
Maybe she should be a little more excited?
"Kaya ka ba dumating sa buhay ko para umasenso ang trabaho ko at hindi para maging future summer romance?"
With one elbow propped on the desk, she picked up the printed picture of Batman.
Siya higit sa lahat ang nakakaintindi ng appeal ng litrato kay Madam Luci. But it also saddened her that the picture was no longer hers. Isa pa, kailangan pa niya ulit hanapin ang estranghero dahil kailangan niyang bumuo ng collage para sa concept.
Nagsabi siya ng taimtim na panalangin.
Lord, ibalato Niyo na sa'kin 'tong isang 'to. Kapag ipinakita Niyo siya ulit sa'kin, hindi ko na siya papakawalan.
Tumingin siya sa orasan niya sa working table. Alas dos na ng madaling araw. Kaya pala nakapatay na ang ilaw sa bahaging iyon. Kaninang umalis si Wincy ay alas-nueve na at ginising pa siya nito dahil nakaidlip siya pag-e-encode. Hindi niya alam na nakatulog ulit siya. Alas dose na nang magising siya ulit kaya tinapos na lang niya ang mga trabaho na hindi niya nagawa dahil nga um-attend siya sa mga meetings at pitching. Sigurado siya na nakalimutan na siya ng guard doon.
Inayos niya ang working table at kinuha ang gamit. Naglalakad na siya sa hallway ng opisina nang may marinig na kaluskos sa kung saan. Automatiko niyang hinanap ang pinanggalingan ng ingay. Maliban sa ilang mga estatwa sa hallway at mga paintings na nakatingin sa kanya habang naglalakad ay wala ng ibang tao sa building na iyon.
"Mang Indoy!" tawag niya sa guard na nagiikot-ikot sa hall.
Pero walang sagot mula sa guard. Wala din siyang nakikitang ilaw ng flashlight. Baka imahinasyon lang niya—
Tap tap tap.
Hindi niya imahinasyon ang ingay!
Nagpalinga-linga siya. Sa may kalayuan, sa likod ng replica ng David maraming talampakan sa kaliwa niya, ay may nakita siyang anino ng isang malaking tao.
Matagal nang naririnig ni Joey na may mga nagpaparamdam daw sa building na iyon. Pero hindi naman siya affected dahil mahilig siyang manood ng horror movies. Pero ngayon, nararamdaman niyang nagtitindigan ang mga balahibo niya sa batok. Lalo pa nang makita niyang gumalaw ang anino.
Utang na loob!
Malaki ang posibilidad na magnanakaw ang nakikita niya kaysa multo. But that knowledge didn't help her at all.
Mang Indoy! Mang Indoy! she was mentally shouting the guard's name. Wala kasing lumalabas na boses sa bibig niya.
Effective ang pag-mental telepathy niya dahil mula sa kabilang hallway pagliko ng kanan ay nakakita siya ng ilaw ng flashlight. She knew that it was Mang Indoy doing his night round. Sinipat ulit niya ang anino sa likod ng estatwa. Hindi pa rin iyon nawawala.
Matira matibay.
Naghanda si Joey para sumigaw. "Mang Indoy! Meron ho—"
Bago pa niya maintindihan ang mga pangyayari ay lumabas ang multo-slash- magnanakaw sa likod ng estatwa at nagdire-diretso sa kanya. She didn't even had time to think or move. Parang ninja na sumulpot ang isang tao - o multo nga ba talaga ito? - at hinawakan siya sa braso.
In the tradition of Jet Li and Jackie Chan, the figure gripped her arms and shoulders and spun her around in one swift move. Inipit siya ng pigura sa pader bago lumiko sa hallway at mabilis na tinakpan ang bibig niya.
"Sshh... Wag kang maingay."
The man's grip, though it didn't hurt her as much as she had expected, was seriously strong. Dahil nagulat siya ay hindi niya nailingkis ang kamay sa batok nito para gawin ang isang Judo technique. Ang laki ng didbib ng mama na nakaipit sa kanya, matitigas din ang mga braso. Sa sparring nila ng mga kapatid niya ay palagi siyang natatalo. Gano'n din ang dating sa kanya ng magnanakaw. Kung nasa sparring ring sila ay tumumba na siya kanina pa.
Napapikit si Joey. She mentally prepared to be dead in ten seconds.
Charlene, Jazz at Erwin, sa langit na lang tayo magkita kita. 'Tay, 'Nay, salamat sa pag-aaruga sa inyong anak na matigas ang ulo...
"I'm sorry I have to do this to you," ani ng tinig. Mariin ngunit mahinahon. "Please bear with it for a while, will you?"
The apology was unexpected. Pero mas lalo ang boses na narinig niya. Sigurado siya, makikilala niya ang boses na iyon kahit sa pagtulog niya.
Joey snapped her eyes open. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya. She struggled to break free from the stranger's grasp and was victorious this time around.
It took her half a second to collect her thoughts before she blurted out, "Batman!"
BINABASA MO ANG
Isang Salitang May Tatlong Letra
RomanceMay dilemma si Joey. Nawawala si Erwin, ang kanyang boyfriend. Kasalanan niya. Ina-alayan siya nito ng "forever" pero hindi niya tinanggap. Hindi pa man siya ikinakasal ay nagka-cold feet na siya. Pagkatapos, dumating si Bogs sa buhay niya isang ga...