Author's Note

659 17 5
                                    

Minsan lang ako magsulat. Tuwing may naririnig ako'ng Tiktik sa mga bubungan ng mga bahay dito sa'min. Bihira ang mabuntis dito.

Isa pa, kailangan kong kumita. Ito ang na-realize ko nang umalis ako sa publishing house at naghanap ng 8-5 day job. Passion ang writing. Time-consuming. Resource-consuming. Masaya pero kadalasan ay malungkot. Kailangan kasi ay lagi kang mag-isa. Hindi ako nakakasulat kapag may ibang tao sa paligid. Mahiyain ang muse ko. Ayaw ng kasama. Kaso, gusto ko ng kasama.

Madami kang kailangan isakripisyo - sa iba at sa sarili mo. Kailangan ng disiplina. Wala ako no'n. Spontaneous ako, eh. Kung ano ang maisipan ko, 'yun ang ginagawa ko. Nahirapan ako'ng ipagpatuloy ang writing. Naduwag din. Imagine, halos wala ka ng tulog paghahabol ng deadline. Madaming kailangang bayarang bills. Tapos, sa paligid mo, umaandar ang mundo. Parang ang dami kong hinahabol noon. Fulfilling ang writing. Pero kadalasan talaga, malungkot.

Takot akong malungkot. Okay lang yung paminsan-minsan. Pero 'yung forever? Parang ang hirap. Hindi lahat, kaya 'yon. Saludo ako sa ilang taon nang nagsusulat. 'Yung hindi nagsasawa at tumitigil. It takes a lot of courage to hang on to something you love. Siguro nga, hindi ko gano'n kamahal ang writing. Or baka, kailangan ko lang ng pahinga.

So here I am. Writing a bit. Writing some more. The updates won't come as fast. Passion project ito. Wala ako'ng gustong patunayan kundi sa sarili ko. Nagtatampo na kasi ang muse dahil hindi ko pinapansin. Maybe by doing so, I could finally face my younger self. Iyong iniwan ko sa nakaraan. Marami pa siya sanang gustong ikwento. Kaso, nabubuhay tayo sa kapitalistang mundo. Kailangan niyang mabuhay para makapagsulat pa siya sa future. Ang ironic, 'di ba? Kailangan ko'ng talikuran ang writing para maharap ko ang writing.

Anyway, ito si Bogs at si Joey. Katulad ko sila. Ang dami nilang doubts. Kakaunti ang sigurado nila. Nilalakbay ko pa ang kwentong ito kasama sila kaya katulad niyo ay hindi ko pa alam kung saan sila hahantong. Sana, sa magandang lugar sa dako pa roon.


Update: 04.09.20

Sorry dahil kailangan ko'ng i-update 'tong author's note. Plano ko talagang wholesome itong kay Joey at Bogs. Hindi ko alam kung bakit 'yung kwento nila, pumupunta sa R+18. HAHAHAHA. Pasensya na. I uploaded another update. Sinubukan kong hindi. Pero ayaw bumalik sa wholesome HAHAHAHA

Isang Salitang May Tatlong LetraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon