Napaatras pa si JB dahil sa intensidad ng boses na nagsalita. He wasn't sure if the stranger he had unwittingly pinned down on the wall was calling him. Pero dalawa lang sila sa hallway na iyon. Which was unfortunate once he thought about it. Wala sa plano niya na may madatnan at makasalubong sa building.
"Batman?" he parroted, confused. Saan nga ba niya narinig iyon?
Nang magpumiglas ulit sa kanya ang estranghero ay wala sa loob na inalayo ni JB ang sarili. He was greeted by a pair of twinkling, amused eyes. Sa pagtataka niya ay pamilyar sa kanya ang mga matang iyon. Iyong mga matang tila nakangiti sa lahat ng oras at parang lahat ng bagay na nakikita ay maganda ay mahirap kalimutan. Although he couldn't quite place them now.
"Ano'ng ginagawa mo dito, Batman?" ani ng babae.
He was a little shocked at the casual way the woman was speaking to him. "I.. I-I... was..."
JB couldn't complete the sentence because he caught a faint whiff of lavender. Dahil doon ay bigla ang panlalambot ng buong katawan niya.
That smell... It had been so long since that particular scent grappled his senses.
Pamilyar naman na amoy ang lavender. But there were varying degrees of its sweetness. Ang naamoy niya ay kapareho ng amoy ni China.
China...
Pagkaisip sa yumaong kasintahan ay agad na napuno ang puso niya ng lungkot. Halos sampung taon na ang lumipas ay na-mi-miss pa rin niya ito.
Bumalik lang ang huwisyo niya nang hawakan siya ng estranghera sa braso at bahagyang yugyugin. Centralized ang air-con ng building na iyon pero mainit ang kamay ng babae.
"Alam mo bang hindi ka pwedeng pumasok dito basta-basta lalo sa ganitong oras?" anito, pabulong. Her voice was laced with suspicion. "Magnanakaw ka ba? Grifter? Art thief?"
Sunod-sunod ang balang pinaulan sa kanya at hindi niya alam kung ano ang unang iilagan. Alam niyang segundo na lang ang ibibilang niya bago matagpuan sa headlines ang pangalan niya at makakaabot sa mga magulang niya kung saan siya pumupunta gabi-gabi.
Damn it. I should have checked the vicinity first.
Nag-iisip na siya ng paliwanag nang tumawa ulit ang babae. "Joke lang, Batman. Alam kong hindi ka masamang tao."
Dazed, JB asked, "Paano mo nasabi na hindi ako masamang tao?" Also, Batman?
Tumaas pa ang mga kilay ng babae na parang obvious ang sagot sa tanong.
"Iniligtas mo kaya ang buhay ko kagabi." Marahil ay halata ang pagkalito niya dahil ngumisi ito. "Oh. Hindi mo na ako natatandaan. Kunsabagay, ganoon talaga ang hitsura ko - kamukha ng average Filipino. In fact, pwedeng ilagay ang litrato ko sa mga travel vouchers sa Pilipinas at lagyan ng, 'This is what a Filipino looks like.'"
"No, you're not. Forgettable, I mean." Ikiniling niya bahagya ang ulo at sinikap ngumiti sa kabila ng kakaibang sitwasyon nilang dalawa. It was the least he could do after pining her on the wall. "Tanga lang talaga ako kadalasan."
Nang humalakhak ang estranghera ay natitigilan siyang pinagmamasdan ito. Why was he getting involved with a stranger all of a sudden? Hindi niya ugali 'yon—
Which reminded him of the stranger last night. Then realization dawned on him. Oh...
"Kagabi, sa waiting shed," aniya, unti-unting nabubuo ang puzzle. "Ikaw 'yung kumakausap kay Lord."
Tumawa na naman ang estranghera. A well-rounded laugh - as if she owned the world. Sa dilim ng paligid ay isang magandang ritmo ang tawa nito. Sa utak ni JB ay lumabas ang mga nota ng musika at nagsama-sama para makabuo siya ng himig.
BINABASA MO ANG
Isang Salitang May Tatlong Letra
RomanceMay dilemma si Joey. Nawawala si Erwin, ang kanyang boyfriend. Kasalanan niya. Ina-alayan siya nito ng "forever" pero hindi niya tinanggap. Hindi pa man siya ikinakasal ay nagka-cold feet na siya. Pagkatapos, dumating si Bogs sa buhay niya isang ga...