Elliana POV
Ngayon na ang araw kung kelan ako pupuntang maynila, nandito ako ngayon sa kwarto para ihanda ang aking mga gamit, habang inaayos ko ito ay pumasok si mama
"Anak malapit na daw sila tita Roseth mo" sabi niya habang naglalakad palapit saakin
"Mama sigurado kana po talaga ha? Hindi mo na ba talaga ako pipigilang umalis?"
Ngumiti si mama "anak nakakailang tanong kana sakin niyan" niyakap niya ako at hinaplos ang aking buhok "alam mo naman hindi na kita pipigilan kasi gusto ko ng mamuhay ka ng masaya ng walang hirap sa buhay"
"Mamimiss po kita"
"Ako din anak"
Matapos kong ayusin ang aking mga gamit ay tinignan ko muna ang kabuuan ng aming bahay, halos labing anim na taon akong nanirahan dito at ngayon iiwan ko na ito, sa bawat parte ng pamamahay na ito ay may mga alaala akong kahit kailan ay hindi ko kakalimutan
Nadinig namin na may kumatok na sa pinto kaya binuksan namin ito at sumalubong saamin si tita Roseth kasama ang asawa niya na si tito Vince
"Halika na iha, handa kana bang pumunta sa maynila?" Nakangiting wika ni tita Roseth
Tumango na lamang ako at saka binitbit ang aking gamit at nagpaalam muli kay mama
"Mama mamimiss kita magiingat ka palagi ha?"
"Oo naman anak, maging masaya ka at wag malulungkot tandaan mo yan at huwag ka masyadong magtitiwala sa mga tao ha?" At saka lumapit siya saakin at muling niyakap
Tumango ako "opo"
Matapos 'non ay dumiretso na kami sa sasakyan na pagmamay-ari ng kapatid ni mama na si tita Roseth ngayon lamang ako nakakita ng ganitong kagandang sasakyan at makakasakay na ako dito, pumasok na ako sa loob ng kotse at nagsimula ng umandar ito
Habang bumabyahe ay hindi ko maiwasang malungkot dahil parang naiwan ko na ang kalahati ng buhay ko ang San felipe mababait ang mga tao na andoon lalo na saakin itinuring din namin na pamilya ang isa't isa kaya mamimiss ko sila lalo na yung kaibigan ko at si mama
Napansin ko naman na lumingon saakin si tita Roseth na nasa harap ng sasakyan nakaupo
"iha mahaba haba pa ang ating byahe kung gusto mo magpahinga ka muna at gigisingin ka nalang namin kapag malapit na tayo"
Tumango na lamang ako at isinandal ang aking ulo sa tabi ng bintana ng sasakyan dahan dahan kong ipinikit ang aking mata at dahil don ay unti unti na akong nakatulog
Makalipas ang halos ilang oras na pahinga ay naramdaman kong may tumatapik sa aking pisngi unti unti kong iminulat ang aking mata at napag alaman kong si tita pala iyon
"Gising na malapit na tayo"
Kinusot ko muna ang aking mata at saka tumango, tumingin ako sa bintana at namangha sa aking nakita mga nagtataasang mga gusali at mga iba't ibang uri ng mga sasakyan sa daan
Ganito pala ang itsura sa maynila sobrang nakakamangha, sana balang araw madala ko din sila Arian at Ariana dito sigurado akong matutuwa yung dalawa
Halos tatlumpung minuto ang itinagal bago kami makarating sa bahay nila tita Roseth, pagkababa namin ay kinuha ko muna ang aking mga gamit sa likod ng sasakyan at saka sumunod sakanila
Hindi ko nanaman maiwasang hindi mamangha sa ganda ng kanilang bahay malaki ito at mahahalata mong mayaman ang nakatira dito mayroon silang garahe, maliit na hardin, at may swimming pool grabe ngayon lamang ako nakakita ng ganito
Pumasok na kami sa loob ng bahay at bumungad saamin ang napaka gandang chandelier, may mga sofa sa gitna at mesa meron ding hagdan paakyat sa kaliwang bahagi ng bahay nakita ko din na mga may iba't ibang katulong na nandito at nakahilera sila sa isang tabi habang nakayuko ng kaunti
Lumingon saakin si tita Roseth "Elliana simula ngayon dito kana maninirahan sa aming bahay halika samahan na kita sa magiging kwarto mo"
Tumango ako at sumunod sakanya pagakyat ng hagdan mayroong maliit na pasilya at may tatlong pinto dalawa sa kaliwa isa sa kanan pumasok kami sa pinaka unang pinto na nasa kaliwa at bumungad saakin ang isang pastel na kwarto may malaking kama sa gitna at may mesa din madami pang ibang gamit at ang pinaka nagustuhan ko ay ang isang kwarto sa gilid na punong puno ng mga damit hindi ko alam ang tawag dito pero napaka ganda mayroon ding mga bag at iba't ibang sapatos
"Ito ang magiging kwarto mo"
"Sige na magpalit kana at bumaba kana para makakain na tayo at makapagpahinga" ngumiti muli si tita bago siya lumabas ng aking kwarto
Lumapit ako sa kama at saka pinagmasdan ito hindi ko maiwasan na mapangiti dahil ang mga pangarap ko noon ay nagiging totoo na maliban nalang doon kay papa hindi ko na muna iyon inisip dahil ayokong malungkot
Inayos ko na ang aking mga gamit at saka pumasok sa banyo may shower,bathub at mga mamahaling sabon at shampoo hindi ko nanaman maiwasang mapangiti
Lumapit ako sa shower at iyon ang ginamit, matapos ay lumabas na ako at isinuot ang isang pajama na nakita ko dito sa may lalagyanan ng mga damit ano ulit tawag doon? Walk in Closet ba sa ingles?ah basta iyon
Pagkababa ko ay naabutan kong may kanya kanyang gawain ang mga katulong dito, napansin ko naman na napatingin sila saakin kaya nginitian ko sila at ngumiti naman sila pabalik dahil hindi naman mahirap hanapin ang kanilang kusina ay nakita ko na din sila dahil katabi lang ng kusina ang sala
Dumiretso ako doon at nagulat ako dahil sa daming pagkain ang nakahanda hindi ko pa naranasan ang ganito kaya tatanggapin ko talaga ang utang na loob nila tita at tito
Umupo na ako at saka nagdasal muna bago nagsimulang kumuha ng pagkain kinontian ko muna ang pagkuha dahil nakakahiya naman baka isipin na patay gutom ako
"Sige lang iha wag kang mahiya kumuha kapa ng pagkain kumain ka ng mabuti" nakangiting wika ni tito Vince
Tuwang tuwa naman ako kaya kumuha pa muli ako at nagsimulang kumain
Sa kalagitnaan ng pagkain biglang nagsalita si tita Roseth "oo nga pala iha, naenroll ka na namin sa bagong mong school sa susunod na araw ang simula ng klase"
Nagulat ako kaya hindi agad nakasagot
"Nagulat ba kita?" Tanong niya at saka tumawa "hayaan mo masasanay ka rin kami na bahala ni tito Vince mo sa lahat ng gastusin dahil pamilya kana din namin at parang anak na din"
Ngumiti ako "Maraming salamat po talaga sainyo sobrang salamat po"
"Ayos lang yan iha, osya kumain kana at may pupuntahan tayo bukas"
Tumango ako at nagsimula muling kumain, matapos non ay umakyat na ako ng kwarto, ako na sana ang maghuhugas ng plato dahil nakakahiya naman kung wala akong maitutulong ngunit sinabihan ako ng tita na huwag na dahil ang mga katulong na ang bahala dito kaya wala akong nagawa kundi ang umakyat
pagkapasok ko ay nahiga agad ako sa kama at ng maalala ko yung dala kong litrato namin ni mama at kinuha ko iyon sa bag at saka umupo sa kama
Hinaplos ko ito at saka ngumiti "mama masaya po ako dito napakabait ni tita at tito Vince may sarili akong kwarto, madaming pagkain at pinag aral pa nila ako, pero hindi ko parin maiwasang malungkot kasi ako masaya dito pero ikaw naghihirap ka jn sa San felipe" pinahid ko ang dumadaloy na luha sa aking pisngi hindi ko napansin na napaiyak na pala ako
Mapait akong tumawa "mama pangako ko sayo pagbubutihin ko ang pagaaral ko dito at mamumuhay tayo ng masaya kasama si papa"
Inilapag ko ang aming litrato sa ibabaw ng lamesa na katabi ng kama at saka humiga hindi parin tumitigil ang aking luha kaya nakatulog na lamang ako ng hindi ko namamalayan
***
Please don't forget to vote and comment
BINABASA MO ANG
Mistaken (On-going)
RomanceFIRST STORY PUBLISHED!!! All rights reserve Written by: yoouurjasmine Genre: drama, romance
