Kabanata 6: Mine

11 2 7
                                    

Elliana POV

Matapos ang ilang oras na pagtuturo ay sa wakas uwian na

Halos lahat ng studyante ay nakauwi na samantalang kami ni Tiana ay nakaupo parin

Kinalabit niya ako kaya lumingon ako

"Gurl ano hindi paba tayo lalabas? Tayo nalang naiwan oh!" Aniya habang nakaturo sa mga upuan

"Mauna kana, dito muna ako"

"What? Ayaw mo bang umuwi ano nangyari sayo?"

Bumuntong hininga ako, nahihiya kasi akong lumabas dahil baka makita ako ni El sabi pa naman niya kanina sabay kami mag lunch kaso nga lang hindi ako nakasipot dahil nakalimutan ko kaya eto ako hindi alam ang gagawin

"Ah kasi-" hindi ko na natuloy ang sasabihin kong ng biglang may pumasok

Pagtingin ko ay nagulat ako dahil si El pala ito kaya dali dali akong yumuko at nagpanggap na tulog

"Ellie?" Tawag niya saakin

Hindi ko parin siya pinansin kaya naramdaman kong papalapit siya sa pwesto ko, kinalabit ko naman si Tiana na halos nakanganga na

"Tiana tulungan mo ko" bulong ko

Mukang hindi ako napansin dahil nakatingin parin siya kay El, kakalabitin ko pa sana ulit ito ng biglang hilahin ni El ang braso ko palabas ng room

Napansin ko namang nagulat si Tiana kaya nagmamadali itong sumunod saamin

Pinipilit 'kong alisin ang aking braso sa pagkakahawak niya pero mahigpit ito kaya wala akong nagawa kundi ang kagatin ang aking labi at nahihiyang yumuko dahil pinagtitinginan kami ng ibang studyante na andito pa

Nang makarating kami sa parking lot ay saka niya lamang ako binitawan at tumingin saakin

"Sakay" nagulat ako sa tono ng pananalita niya napaka seryoso nito at nakakunot pa ang kaniyang noo

"Ha?" tanong ko

"Sabi ko sakay" seryoso parin ito kaya wala akong nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan niya

Napansin kong sumunod din pala si Tiana saamin, may sinabi sakanya si El kaya tumango ito at tumingin muna saakin saka umalis

Pumasok na si El sa kotse at pinaandar ito, tahimik lang kami pareho dahil parang galit ito saakin

Anong gagawin ko? Nagalit ata kasi hindi ko siya nasamahan mag lunch pero bakit naman siya magagalit?

"Elliana"

Gulat akong napatingin sakanya dahil tinawag niya ang buong pangalan ko

"Yung-" hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin dahil pinutol ko ito

"Dahil ba hindi kita nasamahan mag lunch?pasensya na madami kasi akong ginagawa kaya nawala sa isip ko, halos lahat kasi ng teacher may pinagawa saamin kaya hindi na kami nakapag lunch pareho ni Tiana, hayaan mo babawi ako sa sunod pasensya na talaga kaya huwag kana sanang magalit"

Malungkot akong tumingin sakanya, tumawa naman siya kaya kumunot ang noo ko

"Ang cute mo" tapos pinisil niya ang pisngi ko gamit ang kanang kamay dahil naka hawak sa manibela ang isa niyang kamay

"It's fine, niloloko lang kita at hindi ako galit may iniisip lang ako"

Dahil sa kuryusidad ay tinanong ko siya

"Ano naman iyon?"

"Wala iyon huwag mo nalang pansinin"

Mukang wala naman siyang balak sabihin kaya Tumango na lamang ako at tumingin sa bintana

Mistaken (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon