Elliana POV
Nang maihatid na ako ni El ay umalis na siya kaya naiwan akong magisa sa tapat ng magiging classroom ko, huminga muna ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses.
Pagkabukas ay bumungad saakin ang isang may edad ng babae.
"Yes miss?" mataray na tanong nito saakin
"Ah transferee po"
"Oh? So i guess ikaw nga iyong sinasabi nila, halika pasok ka"
Sinasabi nila? Sinong sila? takang tanong ko sa aking sarili ngunit ipinagwalang bahala ko na lamang iyon
Pagkapasok ay sumalubong saakin ang nagtatakang tingin ng mga studyante
Sumunod naman saakin ang babae at saka nagsalita "Class listen" tumingin naman sila sakanya "May bago kayong classmate and please be nice to her" tumango naman sila at muling tumingin saakin
Lumingon saakin ang guro at sinenyasan na magpakilala.
Humarap ako sa kanila ng may ngiti sa aking labi "Magandang umaga," panimula ko "I'm Elliana Rae Austria, Ellie nalang po"
Napansin naman nila na wala na akong idadagdag sa sasabihin ko kaya nagpalakpakan sila
"It was nice meeting you Miss Elliana please take your seat beside Miss Alfonso" napansin ko namang kumaway saakin yung babaeng nagngangalang Alfonso kaya tumango ako at saka lumapit
Pagkaupo ko sa tabi niya ay bigla siyang ngumiti saakin kaya nginitian ko siya pabalik
"Hi i'm Thatiana Mae Alfonso but you can call me Tiana" inilahad naman niya ang kanyang kamay kaya tinanggap ko iyon magsasalita na sana ako ngunit naunahan na niya ako
"I know your Elliana, but can i call you Yana?" saad niya
Wala namang problema saakin ang Yana kaya tumango ako
"Sige,"
"Friends?"
"Friends" sagot ko naman
Matapos 'non ay tinuon na namin ang aming atensyon sa aming guro
****
Lunch time namin ngayon at kasama ko si Tiana papuntang canteen, pagkadating namin ay sumalubong agad ang ingay ng mga studyante
Naghanap muna kami ng bakanteng upuan, tinanong niya kung anong order ko kaya sinabi ko nalang na sandwich kaya tumango ito at siya na ang tumungo upang magorder
Habang inaantay ay inilibot ko muna ang aking paningin sa buong canteen, parang dati lang hindi ako bumababa upang kumain dahil wala akong baon pero ngayon nabibili ko na yung gusto ko ng dahil kela tita Roseth kaya hindi ko maiwasang mapangiti napakabait talaga nila saakin
Nang dumating na si Tiana ay sinimulan na naming kumain, maya maya ay nakarinig kami ng ingay na nanggagaling sa entrance kaya lumingon ako dahil nakatalikod ako dito
Nang mapansin kong wala namang kakaiba doon ay ipinagpatuloy ko ang pagkain
"Oh my god! Nandiyan sila!" Dinig kong sabi ni Tiana na animo'y gulat na gulat na nakatingin sa aking likod
"Uy ayos ka lang? Ano nangyari sayo?" Takang tanong ko
Nakatuon parin ang kaniyang paningin at saka muling nagsalita "What Yana!? Hindi mo ba kilala yung The kings?"
"Anong The Kings?"
"Ay sabagay transferee ka nga pala, well sila lang naman ang pinaka sikat dito sa Winscott Academy at talagang tinitingala ng mga studyante dito"
BINABASA MO ANG
Mistaken (On-going)
RomanceFIRST STORY PUBLISHED!!! All rights reserve Written by: yoouurjasmine Genre: drama, romance
