Elliana POV
"Mama andito na po ako." sigaw ko pagkarating ko sa bahay, inutusan kasi ako na bumili ng bigas dahil naubusan na kami
Simula palang pagkabata ganito na ang pamumuhay namin dahil mahirap lamang kami pero kahit ganun namuhay naman kami ng masaya ng mama ko, siya lang ang nag alaga saakin, nagpakain at siya na rin ang tumayong papa ko
matagal ko ng itinatanong kay mama kung nasaan si papa pero ang tanging sagot niya lamang ay "wala kang papa at wag mo na muli siyang itatanong saakin" alam ko na naman na may papa ako hindi naman ako mabubuhay dito sa mundong ito kung walang papa hindi ba? pero kahit paulit ulit na sinabi iyon ni mama ay iniintindi ko na lamang ito dahil baka may nangyari sakanila ni papa kaya nagalit sakanya si mama
"Mabuti naman at pinayagan kang umutang ni aleng Rosan"
"Opo, mabuti nga at pumayag siya kahit madami na tayong utang sa mga paninda niya alam mo naman iyon mabait pagdating saatin"
Dahil nga mahirap lang kami hindi rin namin maiwasan ang hindi umutang dahil sa kakulangan ng pera, wala pa kasing nahahanap na trabaho si mama at saka ayaw niya rin daw dahil para mas maalagaan niya ako ng mabuti pero kahit ganoon nakakapag aral naman ako, nasa ika sampung baitang na ako sa pagiging high school at malapit na ako makapagtapos kaonting tiis nalang
nagsimula ng mag saing si mama at nagpaalam muna akong pupuntahan ko si Ariana at Arian ang mga kaibigan ko, simula palang noong tumira kami dito sa San Felipe ay naging magkaibigan na kami naalala ko pa noon yung mga pangyayaring iyon kung paano kami nagkakila
Flashback
Naglalaro ako dito sa may labas ng aming bahay ng may mapansin akong isang batang babae na parang hindi mapakali kaya nilapitan ko ito
"Bata ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya
Tumingin naman ito saakin at saka kinakabahang ngumiti
"Ah ano kasi inaantay ko kasi yung kuya ko ang tagal" kamot ulo niyang sabi
"Ah ganoon ba? Pero bakit parang hindi ka mapakali at panay ang hawak mo sa pwet mo?"
Nabigla naman siya sa sinabi ko, sasagot na sana siya ng may nadinig ako isang tunog na hindi ko alam kung saan nanggaling
"Nadinig mo ba iyon?"
"Ha? Yung alin?" Inosente niyang tanong
"Yung tunog na iyon at ano yung naamoy ko ang baho!" Tinakpan ko ang ilong ko dahil sa amoy na hindi ko alam kung ano
Napansin ko naman na parang hindi na talaga siya mapakali
"Uy ayos ka lang-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla nanaman may nakakadiring tunog na lumabas at mas mabaho pa ito kesa kanina
"Hay sa wakas lumabas na"
"Hindi ko na kasi mapigilan eh sorry" nahihiya niyang sabi
matapos iyong ay bigla na lang dumating ang isang batang lalaki na mas matanda siguro saamin ng isang taon
"Ano nanaman yan Ariana tumae ka nanaman ba sa shorts mo?"
"Ang tagal mo kasi kuya eh ayan tuloy hindi ko na napigilan" tatawa tawa niyang sabi
Napansin naman ako nung lalaki "Ah hello bago lang kayo dito?" Tanong niya
"Opo"
"Ah ako nga pala si Arian ito naman si Ariana kapatid ko" pagpapakilala niya
BINABASA MO ANG
Mistaken (On-going)
RomansaFIRST STORY PUBLISHED!!! All rights reserve Written by: yoouurjasmine Genre: drama, romance