Elliana POV
Nang maihatid ako ni El ay umakyat na ako sa kwarto at naglinis ng katawan matapos 'non ay nahiga ako sa aking kama
Bigla 'kong naisip yung nangyari saamin kanina, hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan iyon dahil sa sinabi ni Kyree saakin
Flashback
Matapos ang kahihiyang nangyari saamin ay nabalot kami ng katahimikan at pinagpatuloy muli ang pagkain ng biglang nagsalita si Lorayne at mataray akong tinignan
"By the way who is that girl Zikie?"
"She's Elliana my friend" sagot naman ni El
Tumaas naman ang dalawa niyang kilay
"Wow! I thought you hate girls?"
"Correction, i hate girls especially you!" Inis na sabi naman ni El
Nakatingin lamang ako sakanila dahil muka namang hindi nila napapansin 'iyon
Naramdaman ko namang may nakatitig saakin kaya lumingon ako at napansin 'kong nakatitig saakin si Kyree kaya kumunot ang noo ko
"Bakit?" Takang tanong ko
Ngumisi naman siya
"I think i like you"
Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya, nagtatanong ako ng maayos tapos bigla bigla nalang niyang sasabihin 'yon?
"Anong sabi mo?"
"I said, i like you" ngiti naman niyang sabi. inilapit niya ang kaniyang muka at saka bumulong
"From now on you will be my girlfriend" at saka kumindat siya at sumandal sa kaniyang upuan
Gulat naman akong napatingin sakanya. Ano bang sinasabi niya? Nababaliw naba siya? Anong girlfriend? Muka ba akong may gusto sakanya
Hindi ko naman alam na ganito pala ang mga tao sa maynila, kahit naman maraming nagkakagusto saakin sa lugar namin dati hindi naman sila ganito, halos yung iba nga hirap na hirap pang umamin kahit halata na pero hindi ko nalang pinapansin kasi hindi naman ako interesado tapos ito! Ito bigla bigla nalang magsasabi ng ganun sa harap ko eh ngayun lang kami nagkausap tapos gusto agad
"At sino sa tingin mo ang maniniwala diyan sa sinabi mo?"
Ngumisi nanaman siya
"At pwede ba tigil tigilan mo yung pagngisi ngisi mo diyan dahil nakakairita" nakakainis kanina pa siya ngisi ng ngisi para siyang ewan
"Hindi kaba nagwagwapuhan saakin? Ayaw mo ba sakin?Well you know everyone likes me especially girls" Sabi niya habang nagpapapogi sa harap ko
Huminga muna ako ng malalim dahil hindi ko yata mapipigilan ang inis ko sa lalaking ito
"Pwede ba! Wala akong oras para makipag laro sayo at hindi ako papayag na maging girlfriend mo hindi ka pa nga nangliligaw tapos girlfriend agad?"
Natigilan naman ako sa sinabi ko. Naku patay!
Ngumisi naman siya ng nakakaloko
"So you really want to be my girlfriend huh? Ok if that's what you want i'll court you"
"Teka hindi ganun ang ibig kong sabihin at saka hindi naman kita gusto kaya bakit ako papayag sa gusto mo?"
"Alright then, if you don't like me it's fine, but still i'll do everything so you can fall in love with me and make you mine" aniya. Habang nakatitig sa mata ko
Bigla akong napahawak sa aking dibdib, bakit ganito? Bakit parang ibang yung nararamdaman ko, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko pa naranasang maramdaman noon?
End of flashback
Ano yon? Ano yung naramdaman ko? May sakit naba ako? Umiling ako, hindi imposible siguro ganun lang talaga kasi nagulat ako sa sinabi niya
Binalewala ko na lamang ito at saka umayos ng higa at natulog
Siguro nakailang palit na ako ng pwesto pero hindi parin ako makatulog dahil hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi ni Kyree
Nakakainis talaga hindi ko naman inaasahan na ganito pa yung mararanasan ko pagdating ng maynila tapos bigla bigla nalang niyang sasabihin na gusto niya ako tapos gusto niya ako maging girlfriend? Gago yun ah!
Pinitik ko naman yung bibig ko. Sorry po Lrod hindi ko po sinasadyang magmura hindi na mauulit si Kyree po kasi eh.
Bumuntong hininga ako. Lord ikaw na po bahala saakin kasi magpapanggap nalang ako na walang kaming pinagusapan kanina tungkol doon para hindi na niya ako pagtripan pa.
Dahil sa pagiisip ay nakatulog ako
***
BINABASA MO ANG
Mistaken (On-going)
RomansaFIRST STORY PUBLISHED!!! All rights reserve Written by: yoouurjasmine Genre: drama, romance
