Elliana POV
"Handa kana ba sa unang araw mo iha?" Tanong saakin ni tita
Nandito kami ngayon sa hapagkainan kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 20's pa lang hindi ko din alam kung anong ginagawa niya dito dahil pagkababa ko kanina ay nandito na sila lahat at ako na lang ang hinihintay
"Ah medyo kinakabahan po."
"Ganoon ba?, s'ya nga pala ito si Ellzkie anak s'ya ng kapatid ng friend ko" turo niya sa lalaki "saktong sakto buti napadaan siya dito dahil simula ngayon siya na yung makakasabay mo pumasok since same school lang din naman kayo."
Tumingin naman ako doon sa lalaki na nag ngangalang Ellzkie gwapo siya, matangkad, matangos ang ilong, nakasuot siya ng uniform na- saglit lang? Bakit ko ba sinasabi 'yon ano nangyayari sayo Ellie? Hindi ka naman ganyan dati wala ka naman pakealam sa itsura ng mga tao hindi ba?ay ewan
Nilahad niya yung kamay niya saakin dahil magkatapat lang kami ng upuan "Ah hi nice meeting you?"
tinanggap ko naman iyon "Elliana, Ellie nalang." nakangiti naman siyang tumango tango
"I like your name, nice meeting you Ellie."
"Ako din po kuya Ellzkie."
"18 palang ako muka na ba akong matanda?" Tumawa siya "huwag mo na akong tawaging kuya Ellzkie...El nalang."
"sige po El." nahihiya kong sabi, tumawa naman ulit siya at saka pinagpatuloy ang pagkain
tinawag naman ako ni tita kaya lumingon ako sa gawi niya
"po?"
"Huwag kang mag alala kilala ko yang si Ellzkie mabait yan at sigurado akong hindi ka niyan ipapakamak kaya o'sya bilisan niyo na at baka malate na kayo." tumango naman ako at saka tinapos ang pagkain matapos 'non ay nagpaalam na kaming dalawa kela tita at tito
naunang lumabas si El kaya sumunod na lamang ako naabutan ko naman na binuksan niya ung sasakyan niya at sinenyasan akong lumapit sakanya
Nang makalapit na ako ay nagtataka akong tinignan siya "ladies first, dito kana sa front seat umupo."
ngumiti naman ako at saka pumasok sa sasakyan at lumiko naman siya sa kabila at pumasok na sa loob
nagsimula na siyang mag drive ng hindi kami nagpapansinan, nakatingin lamang ako sa bintana at nakatuon naman ang paningin niya sa pagdrive
narinig ko naman na tumikhim siya at nagsalita "So Ellie how's your day here in manila?"
lumingon naman ako sa kanya at ngumiti "ok lang naman masaya at nakakapanibago kasi medyo hindi pa ako sanay sa mga nakikita ko."
lumingon naman siya saglit saakin at saka nakangiting ibinalik ang tingin sa harap "ganun ba"
tumango naman ako "pansin ko lang your always happy, i mean palagi kang nakangiti kapag nakikipag usap ka sa ibang tao kahit saakin even tho we're not yet close."
ngumiti ako "ganun talaga, sabi kasi ni mama ayaw niyang nakikita akong malungkot kasi kapag malungkot daw ako naapektuhan din siya kaya kung maari iniiwasan kong malungkot para walang maapektuhang ibang tao."
"ayan ka nanaman sa ngiti mo pati tuloy ako nahahawa kaya siguro sinabi yun sayo ng mama mo kasi nakakahawa yung expressions mo, by the way pansin ko lang hindi nagkakalayo yung name natin noh? Ellie tapos El." tumawa siya at sinabing cute daw ito, wala naman akong nasabi kaya nakitawa nalang din ako
matapos ang halos tatlumpung minuto na byahe ay nakarating na din kami sa tapat ng isang napakalaking gate kusa itong bumukas at bumungad saamin ang parking lot
BINABASA MO ANG
Mistaken (On-going)
RomanceFIRST STORY PUBLISHED!!! All rights reserve Written by: yoouurjasmine Genre: drama, romance