Elliana POV
"Tita saan po tayo pupunta?" tanong ko dahil nandito kami ngayon sa sasakyan isinama nila ako para daw makapasyal manlang ako kahit saglit bago magsimula ang pasukan namin bukas
"Sa mall magshoshopping tayo!" matapos niyang sabihin iyon ay humagikgik siya kaya iiling iling nalang si tito Vince na siyang nag dadrive ng sasakyan
Eh?ano nangyari kay tita?...
Nginitian ko na lamang siya at itinuon ang aking paningin sa labas, matapos ang isang oras na byahe ay nakarating na kami dito sa harap ng napakalaking gusali, sa lugar namin halos lahat ng naninirahan doon gustong gusto makapunta ng mall kaso nga lang maliit lang ang meron kami sa San Felipe at nasa labas pa kaya sobrang init kung pupunta ka doon ng tanghaling tapat kaya wala masyadong pumupunta pero kahit ganoon madami naman silang paninda na mumurahin
Nang makapasok na kami sa loob ng mall ay sinalubong ako ng napakalamig na pakiramdam at mga nag gagandahang mga paninda sa paligid, napansin ko din na nagtitinginan ang mga tao saakin at saka ngingiti pero pag titignan nila ang aking suot ay bigla nalang kukunot ang kanilang noo at saka iiling
Nakasuot kasi ako ng mahabang saya at isang blouse na medyo malaki pa saakin nakaipit din ang aking kulot na buhok tulad ng pang nanay, ganito kasi ang madalas kong suotin kapag aalis kami ni mama papuntang palengke kaya ito ang naisipan kong isuot, bakit ganoon ang reaksyon nila? sabi naman nila tita at tito maganda naman yung suot ko kaya nakakapag taka
Huminto kami sa may tapat ng isang store na may nakaukit na H&M pumasok kami doon at dumiretso sa may kaliwang bahagi na puno ng mga iba't ibang klase ng damit
"Elliana iha, mamili ka nalang ng kahit anong gusto mo diyan maiwan ka muna namin dito at may bibilhin lang kami saglit ng tito Vince mo, dito ka lang huwag kang lalayo babalikan ka namin"
tumango na lamang ako at saka sila umalis, magaling naman ako sa mga direksyon kaya nasisiguro kong hindi naman ako mawawala dito, nagsimula na akong mag tingin tingin ng mga damit
Natuon ang aking atensyon sa isang damit na sa pagkakaalam ko ay isa itong oversized tshirt lumapit ako sa salamin at saka tinignan ang damit napansin ko naman na bagay ito saakin kaya naisipan kong kunin ito kaso ng tignan ko ang presyo
1,564.00??????? naku po ang mahal naman nito siguro huwag nalang saka nalang kapag may sarili na akong pera nakakahiya naman kela tita kung magpapabili ako ng mamahaling damit
ibinalik ko na lamang ito at saka nagtingin tingin nalang ng damit dahil halos ng andito at puro mahal, habang naglilibot ay napansin ko ang isang sales man na panay ang tingin saakin kaya nginitian ko ito at ngumiti naman ito pabalik at saka nagsalita
"Ah maam ilang taon ka na po?"
"Po?" gulat kong tanong
kakamot ulo siyang nagpatuloy "ang ganda mo kasi maam kaya naisipan kong itanong yung edad mo kasi baka sakaling alam mo na" at saka ngumiti siya ng kita ang mga bakal sa kanyang ngipin braces ata iyon sa pagkakaalam ko
tinignan ko naman si kuya ng nagtataka, maayos naman ang suot nito naka uniporme kaso nga lang kung titignan mo ang kaniyang muka ay puno ito ng tigyawat at mamula mula pa kaya napangiwi ako
"Ah 16 pa lang ho"
"ay ganun ba sayang liligawan sana kita" ngiti niyang sabi
"ah hehehhe" nasabi ko nalang magsasalita pa sana siya kaso biglang dumating sila tita at tito
"iha may nakuha kana ba?" tanong niya habang binibigay ang mga pinamili nila sa asawa niya
"ah hindi po saka nalang po siguro masyado po kasing mahal yung mga paninda dito wala po bang mas mura?"
"ay jusko kang bata ka hindi ba't sinabi ko na kami naman ang magbabayad kaya sige na kumuha kana"
"ah kasi tita-" hindi na natuloy ang aking sasabihin ng biglang magsalita muli si tita Roseth
"Ikaw talaga, sige na ako na bahalang mamili para sayo maganda ka naman at alam kong babagay lahat ng andito sayo" pagkatapos non ay tumalikod siya at kumuha ng mga kahit anong damit na nakikita niya pipigilan ko pa sana siya kaso madami na siyang nakuha at binayaran iyon kaya wala na akong nagawa
"Elliana andito kana sa maynila wala kana sa lugar mo kaya simula ngayon dapat ka ng matuto kung paano ayusan ang sarili mo sigurado ako madaming magkakagusto sayo" nakangiti niyang sabi habang binabayaran ang mga pinamili namin
nahihiya na lamang ako na tumango at saka kinuha ang mga pinamili, bago umuwi ay dumaan muna kami sa isang kainan na puro mamahalin din ang pagkain
gabi na ng makarating kami sa bahay, pagkababa namin sa sasakyan ay kinuha ng mga katulong ang aming mga pinamili at inutusan sila ni tita na iakyat sa aking kwarto ang iba, nagpaalam muna ako sakanila at saka pumunta sa kwarto naabutan ko pa yung ibang kasambahay doon na inaayos ang mga damit na pinamili nila para saakin
"naku maam, sigurado ako babagay ito sayong mga damit na ito" sabi ni yaya Beth
"oo nga maam naku ang ganda ganda mo sana kaso epik fail nga lang pagdating sa pananamit" sabi naman ng isang katulong na si yaya Linda siniko naman siya ni yaya Beth dahil sa sinabi niya at pinanlakihan ng mata nagkibit balikat na lamang siya at saka nagpatuloy sa ginagawa
ngumiti naman ako sakanila "ayos lang po iyon yaya Beth, lumaki ho kasi akong mahirap at walang alam sa mga ganyang klaseng pagaayos kaya pagpasensyahan niyo na po"
"hindi bale susubukan ko ng matutong magayos ng aking sarili simula ngayon" pagpapatuloy ko
ngumiti naman saakin ang dalawa pagkatapos nila ay nagpaalam muna sila at saka umalis, dumiretso ako sa banyo at saka naligo kumabas ako ng nakapulupot ang tuwalya saakin at saka isa isang tinignan ang mga pinamiling damit
nakita ko naman yung oversized tshirt na nakita ko kanina na kulay gray at kinuha ko naman yung isang itim na jogging pants, humarap ako sa salamin at nagulat ako dahil sa pagbabago ko bumagay ito saakin lalo na't maputi naman ako kahit na lumaki sa hirap malinis naman ako ayun nga lang ang problema nila saakin sabi din 'yon ng dalawa kong kaibigan maganda sana ako kaso hindi ako marunong pumorma sa sarili kaya nakakapanibago ang itsura ko ngayon.
Maganda din ang katawan ko sabi nila may kurba ito pero hindi naman ako nag ehersisyo para makuha ang ganito klaseng pangangatawan siguro ganito lang talaga ang katawan ko hindi naman ako payat at hindi rin mataba kumbaga sakto lang
narinig kong may kumatok sa pinto at kusa na itong bumukas bumungad saakin si tita ng may dala dalang mga paper bag na may kagat na mansanas ang design
"Ah Elliana binilhan ka nga pala namin ng tito Vince mo ng mga gagamitin mo para sa school" iniabot naman niya ito saakin
kinuha ko ito at saka tinignan pagkabukas ay nagulat ako sa nakita dahil isang mamahaling selpon, laptop at ipad?
"tita ang dami naman po nito ayos lang naman saakin ang selpon hindi ko na ho kailangan nung laptop at ipad"
lumapit saakin si tita sa saka iniipit ang ilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tenga at saka hinawakan ang aking pisngi
"alam mo kung pwede lang sana na ikaw nalang ang naging anak ko kaso hindi na pwede dahil anak ka ng kapatid ko" saka siya tumawa "hindi pa man kami nagkakaanak ni tito Vince mo pero parang anak na din ang turing namin sayo, napakabait mong bata masasabi kong pinalaki ka talaga ng mama mo ng maayos kahit wala ang papa mo" malungkot niyang sabi alam niya din kasi na wala akong kinalakihang papa
"kaya Elliana tanggapin mo na lang ang lahat ng ibinibigay namin sayo ha?kasi gusto ko maranasan mo ang mamuhay ng masaya at walang hirap" ngumiti naman ako at saka niyakap si tita
Maraming salamat tita...maraming salamat
***
Please don't forget to vote and comment
BINABASA MO ANG
Mistaken (On-going)
RomanceFIRST STORY PUBLISHED!!! All rights reserve Written by: yoouurjasmine Genre: drama, romance
