CHAPTER 1

12 0 0
                                    

CHAPTER 1

Nakaupo ako ngayon sa mga upuan sa terminal na aking binabaan at nag-iisip kung saan ako patutungo pagkatapos kong makalayo sa aming lugar. Naisip kung bakit nga ba ako umalis sa amin ng hindi man lang naisip o nagplano kung saan pupunta at kung may matutuluyan ba ako o wala. Meron man akong pera ngunit alam kung hindi ito magkakasya para mabuhay ako ng ilang araw. Kailangan kong makahanap ng trabaho habang may pera pa ako. Ngunit saan naman ako maghahanap ng trabaho gayong  nakahigh  school man ay hindi naman natapos ,at tanging birth certificate at ilang damit lang ang dala? Anong trabaho naman ang mahahanap ko na hindi na kailangan pa ng maraming dokumento?

Nagpalinga-linga ako at iniisip kung nasaang lugar na nga ba ako? Bakit ba hindi ko man lang naisip na tingnan ang bus na aking sinakyan.

Gabi na kailangan ko ng makahanap muna ng matutuluyan saka ko na lamang iisipin kung  saan ako maaaring makahanap ng mapapasukan.

Tumayo ako sa aking inuupuan at tumungo sa isang matandang babae na nagtitinda ng candy at sigarilyo.

"ah nay maaari bang magtanong?

"ou naman iha. ano ba ang iyong itatanong?

"anong lugar po ba ito?

" naku iha nandito ka sa maynila.

Nasa maynila na pala ako. Ganito pala sa maynila napakadaming gusali at maingay. Pero saan nga ba ako maaring tumuloy ngayon?

"ah may alam po ba kayong mauupahang bahay kahit maliit lang?" tanong kong muli sa matandang babae.

Saglit itong nag-isip at agad din siyang sinagot.

"ah ou iha meron. malapit sa bahay namin ay mayroong paupahan. Pwede ka dun tutal ay mag-isa ka lang naman yata. Tara at sumama ka na sa akin at ako'y pauwi na rin."

Nag-aalinlangan siyang sumama sa matandang babae dahil iniisip niyang baka may binabalak itong masama sa kanya. Ayaw niyang agad-agad na magtiwala lalo na't hindi niya alam ang lugar na ito.

Napansin naman ng matanda ang pagdadalawang isip niya na sumama dito kaya muli itong nagsalita.

"Wag kang mag-alala iha wala akong gagawing masama sayo."

Ngumiti lang siya dito ng tipid, may pag-aalinlangan man ay sumunod din siya dito.

"salamat po nay."  pasasalamat ko sa matandang babae.

"walang anuman iha. mabuti nga at ako ang natanungan mo dito. Mahirap na kung iba at baka maloko ka o mapagtripan lalo't napakaganda mo pa naman at mukhang mayaman. Dito sa maynila iha dapat lang na maging maingat ka dahil maraming loko-loko dito, kaya di kita masisisi kung nag-aalinlangan ka sa aking sumama." mahabang sabi nito habang sila ay nag-umpisa ng maglakad.

Dahil mukha namang mabait ang matandang babae ay naging palagay din siya dito.

"ganun po ba nakakatakot naman po pala. Maswerte po  ako at kayo ang nalapitan ko.

"ou nga iha. Mukhang ngayon ka lang  nakapunta ng maynila iha? Saan ka ba galing at naisipan mong magpunta dito sa maynila?" tanong nito sa kanya.

Matagal bago siya nakasagot sapagkat ayaw niyang sabihin kung saan siya galing at kung anong dahilan niya. Kaya mas pinili na lamang niya ang mas ligtas na sagot.

"ah sa malayong probinsya po at mahaba pong istorya ang pagluwas ko dito." sagot niya at matipid itong nginitian.

"ah ganun ba iha." sagot nito bago pumara ng jeep.

"tara na iha at baka maunahan pa tayo ng iba marami ngayong nag-uuwian galing sa trabaho kaya agawan sa sasakyan. Medyo malayo pa ang tinitirahan ko dito." ani niya

You Shaken My WorldWhere stories live. Discover now