CHAPTER 3
Nang makita ni Vann ang mukha ng lalaki ay hindi niya naiwasang matulala dito. Napakagwapo nito mayroon itong makapal na mga kilay, maganda at kulay asul na mga mata, matangos na ilong at maninipis ngunit mapupulang labi. Matangkad din ito at may maganda at matipunong pangangatawan.
"Hey miss are you alright?" nakakunot nitong tanong sa kanya ng hindi siya sumagot sa una nitong tanong, na naging dahilan upang magbalik siya sa kanyang ulirat.
"a-ayos lang a-ako. Pasensya na hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko kaya nabunggo kita."nauutal niyang hingi ng pasensya dito at yumuko.
"okay, I think you don't have any bruise or wound so I need to go because I don't have time to chit chatting with you." sabi nito sa wikang ingles at mabilis siyang iniwan.
"ganun lang yun? ang seryoso at arogante naman ng lalaking yon gwapo pa naman." bulong niyang kausap sa sarili
Ano kayang sinabi ng lalaking iyon at biglang umalis na lang. Kakaunti lang ang naintindihan niya sa sinabi nito. Sa isip isip ni Vann.
Iwinaksi niya na lang sa isipan ang nangyari at ang itsura ng lalaki pati na rin ang naging reaksyon ng puso niya dito at itinuloy na ang pagpasok sa plaza. Nang makarating sa kanyang upuan ay agad na siyang umupo.
"oh nandito ka na pala apo. Bakit ang tagal mo atang nakabalik?" tanong ni Lola Trining nang maramdaman nito na dumating na siya.
"May nangyari lang po sa labas Lola." sagot niya dito. "Pasensya na po at natagalan ako." dugtong pa niyang sabi.
"Ayos lang Vann apo, tamang tama lang din ang dating mo dahil mag-uumpisa na ang programa bago mamigay ng rasyon." wika nito. " Pero apo ayos ka lang ba? Ano bang nangyari sa labas? tanong pa nito.
Sasagot na sana siya nang magsalita ang taong nasa entablado at inanunsyong mag-uumpisa na ang programa para sa mga lolo at lola na nasa plaza.
Natapos ang programa na sinundan ng pagbibigay ng isang maikling pasasalamat ng punong barangay.
"At ngayon narito po ang apo ng taong siyang nagtayo ng programang tulong para sa mga lolo at lola upang magbigay ng isang maikling salita." wika ng taong nasa entablado.
Napatingin ang lahat ng tao maging si Vann ng mula sa likod ng entablado ay lumabas ang isang gwapo at makisig na lalaki.
"Siya?!" mahina ngunit gulat na bulong niya sa sarili.
"Bakit apo kilala mo siya?" biglang tanong ni Lola Trining na ikinagulat niya.
Narinig pala nito ang sinabi niya.
"Hindi po lola. Nakabungguan ko lang po siya kanina kaya natagalan ako sa pagbalik dito." sagot niya.
"Ganoon ba apo. Wala naman bang masakit sayo? " nag-aalala nitong tanong.
"Ayos lang po ako Lola ." sagot niya muli dito na ginantihan nito ng ngiti at tango.
"Magandang umaga po sa inyong lahat na nandito. Ako po ay narito upang handugan kayo ng kaunting tulong lalo na ang ating mga senior. Sana ay makatulong sa inyo ang aming ibibigay." seryoso nitong sabi habang iginagala ang tingin sa lahat ng taong naroon.
YOU ARE READING
You Shaken My World
General FictionMy First ever story please support and read it. Purong Tagalog lang tayo mga frenny. Lumuluha ako habang unti-unting naglalakad paalis sa lugar na kinalakihan ko. Sa lugar kung saan ang mga masasayang alaala na kinagisnan ko ay biglang naging isang...