CHAPTER 5

2 0 0
                                        

CHAPTER 5

Ilang araw na ang lumipas simula ng mangyari ang aksidenteng iyon. At naging maayos naman ang mga sumunod na araw niya sa karinderya yun nga lang ay palagi na siyang sinisita ni aleng betchay sa mga kilos niya. Sabi sa kanya ni ate Beth pinag-iinitan daw talaga ni aleng betchay ang tauhan niyang may malaking pagkakamaling nagawa sa karinderya niya. At dahil isang mayaman at bisita  pa ng baranggay ang natapunan niya ay hindi iyon pinalagpas ni aleng betchay kaya lahat ng pwedeng ipagawa ay pinapagawa sa kanya na sinusunod niya lang at hindi na nagrereklamo pa.

Kakauwi niya lang ng gabing iyon sa bahay nila Lola Trining at kumakain na sila ng hapunan ng mapag-usapan nila ang pag-uwi ni Massie ang ate nila Jazel.

"Lola tumawag po kanina si ate Massie kay ate Perla uuwi daw po siya ngayong darating na linggo." sabi ni Jaze kay Lola Trining. "At naikwento ko rin po sa kanya si ate Vann at nai-excite na daw po siyang makilala si ate Vann." dugtong pa nito ng nakangiti.

"Talaga?! mabuti naman nasasabik na rin ako sa batang iyon dahil isang beses lang umuwi dito sa isang buwan." wika ni Lola Trining habang siya ay nakikinig lang sa mga ito.

"eh kasi po Lola mag-iipon daw po kasi siya para maipagawa ang bahay natin." sagot dito ni Jazel.

Habang nag-uusap ang maglola ay napaisip siya siguro mas malaki ang sahod ng kasambahay kesa sa karinderya. Parang gusto ko masubukang magkasambahay para mas malaki ang perang maibigay ko kila Lola Trining at para maipagpatuloy ni Jazel ang pag-aaral niya nanghihinayang kasi siya kay Jazel dahil matalino ito.

"Vann apo may pasok ka pa rin di ba kahit linggo?" tanong ni Lola Trining na ikinaputol ng mga iniisip niya.

"opo lola. Bakit po?" tanong niya dito.

"Vann apo mula ng pumasok ka sa karinderya ay parang hindi kita nakitang pinagday off man lang." nagtataka nitong tanong sa kaniya.

"wala po kasing tatao lola pag nagday off pa kami." sagot niya dito. Kahit ang totoo ay pwede namang magday off siya lang ang may ayaw dahil sayang ang araw at ang pwedeng isahod sa kaniya kapag nagday off pa siya.

Tinanguan na lang siya ni lola Trining. At nagpatuloy na silang kumain. Alam niyang gusto siya pagday off in ni lola Trining ngunit nahihiya lang itong magsabi.

                  **************

Maagang nagising si Vann ng linggong iyon ngunit hindi para pumasok nagdesisyon kasi siyang magday off na lang para kay lola Trining na alam niyang gustong nandito siya sa pagdating ni Massie.

"oh Vann apo bakit di ka pa nag-aasikaso para pumasok sa karinderya anong oras na ah?" wika ni lola Trining ng magising ito.

"di po ako papasok ngayon lola." nakangiti niyang sagot dito.

"talaga apo?!" masaya nitong sabi.

Nakangiti siyang tumango dito.

Nang malaman ni lola Trining na hindi siya papasok sa karinderya ay inaya siya nito para mamalengke ng kakainin nila para sa hapunan dahil sigurado daw na gabi nang makakarating si Massie sa bahay nila.

Nakahanda na ang kanilang hapunan ng gabing iyon at hinihintay na lang nila ang pagdating ni Massie. Nagkukwetuhan sila habang naghihintay ng may kumatok sa pintuan, agad namang tumayo si Jazel upang buksan ang pinto.

"ateee!!! sa wakas dumating ka narin!" masayang sigaw ni Jazel ng makitang ang ate Massie niya ang kumatok.

Agad namang tumakbo palapit si Danziel sa kanila at masayang niyakap ang ate nito. Si lola Trining naman ay masayang sinalubong ang apo nito.

You Shaken My WorldWhere stories live. Discover now