CHAPTER 6
Nakasakay na sila sa bus papunta sa lugar na pinapasukan ni Massie. Kinakabahan siya habang patagal ng patagal ang byahe nila ni Massie. Pero nagpapasalamat din siya sa kadaldalan nito dahil nababaling ang atensyon niya sa iba kaya hindi niya masyadong napapansin ang kabang nararamdaman niya.
"Vann girl ano bang buo mong pangalan baka kasi tanungin ka ni sir. Iinterviewhin ka nun bago ka makapasok pero hindi naman mabibigat na tanong tungkol lang sa gawaing bahay mga ganun lang." wika nito sa kaniya.
Nag-aalangan siyang sabihin ang buo niyang pangalan natatakot siya na baka mahanap siya ng mga taong nilayuan niya.
Mukhang napansin ni Massie na nag-aalinlangan at hindi siya komportable sa tanong nito.
"Vann girl wag ka matakot pangalan lang naman ang sasabihin mo. Alam kong may mabigat kang nakaraan at nasabi rin sa akin ni Lola iyon. Napapansin ni Lola sa mga kilos mo iyon Vann at nararamdaman kong tama si Lola. Pero Vann sana pagkatiwalaan mo kami. Nandito lang kami paghanda ka ng ishare yung problemang dinadala mo." nakangiti nitong sabi. "okay lang kung ayaw mo pang sabibin ang buo mong pangalan.
"Pasensya na Massie ah hindi ko pa kasi kaya na sabihin ang lahat." nahihiya niyang hingi ng pasensya dito at yumuko.
"Ano ka ba okay lang yun. Basta nandito lang kami nila Lola palagi para sayo." sabi nito sa kanya at niyakap siya. " pero girl, Vann lang talaga ang pangalan mo?" tanong pa nito.
"Vanilla Mae Montecarlo talaga ang buo kong pangalan." natatawa niyang sabi dito dahil sa kakulitan nito. "pero pasensya na yan lang pa lang ang kaya kong sabihin." dagdag niya pa.
"okay lang yun atleast sinabi mo yung totoo mong pangalan at infairness girl ang ganda pala ang pangalan mo tapos tinatago mo lang!" sabi nito sa kanya.
Natawa na lang siya dito.
Makalipas ang ilang oras ng mahabang byahe ay nakarating din sila sa lugar kung saan namamasukan si Massie. Pagkababa ng bus ay sumakay din agad sila ng taxi upang makarating sa bahay ng amo ni Massie. Habang papalapit ng papalapit ay mas lalo namang kinabahan si Vann na napansin naman ni Massie."Hey Vann wag ka kabahan magkasama naman tayo. Saka kahit masungit yung amo natin mabait naman yun. Basta pag inenterview ka magsabi ka lang ng totoo ayaw kasi nun ng sinungaling." sabi nito sa kanya para di siya kabahan.
Ngumiti lang siya dito ng tipid dahil sa nararamdamang kaba.
Nakarating sila sa isang subdivision ngunit hinarang sila ng gwardiya kaya't sumilip si Massie sa bintana ng taxi at kinausap ang guard at pinapasok din sila nito ng may maipakita si Massie na ID. Nagpatuloy naman sa pag-andar ang taxi ng ilang minuto at tumigil na sila sa isang malaking gate. Lumabas si Massie sa taxi kaya sumunod siya dito. Nang matapos nito mabayaran ang taxi ay humarap na ito sa gate na napakalaki. Halos malula siya sa gate nito at napansin niya rin sa subdivision na ito ay halos hiwa-hiwalay ang bahay pero naglalakihan. Kanina nang tinanong niya si Massie kung saang lugar na ba sila sabi nito ay nasa part na sila ng Angeles. Kaya pala sobrang tagal ng byahe nila.
Nakita niyang nagdoorbell si Massie at namangha siya dahil may screen dun upang makita kung sino ang tao sa labas grabe sobrang yaman ng may-ari nito sa isip ni Vann. May kaya man kasi sila sa buhay noon pero hindi kasing yaman ng may-ari ng bahay na nasa harapan niya.
Nagulat siya ng bumukas bigla ng gate na ikinatawa ni Massie.
"Tara na Vann, pasok na tayo." aya nito sa kaniya na ikinabalik ulit ng kaba niyang nawala kanina. Sumunod siya dito nang pumasok na ito.
"Wow!" nasabi niya ng mahina ng makapasok ng tuluyan sa gate. Napakalawak kasi ng daanan nito patungo sa malaking bahay may garden din at sa gitna ay may fountain grabe di nasa labas pa lang siya namamangha na siya paano pa kaya sa loob? Mansyon na ang nakikita niya, siguro ay maraming kasambahay ang kailangan dito para mapanatili ang kagandahan kalinisan nito. Nagpatuloy na sila sa pagpasok sa malaking bahay at parang ayaw niya itapak ang mga paa niya sa sahig nito dahil sa sobrang kintab na pwede nang gawing salamin. Pinalibot niya ang tingin sa bahay at sobrang aliwalas nito sa paningin halos lahat kasi ng kulay ng bahay ay puti. May mga bulaklak ding nakalagay sa mamahaling paso ang bawat gilid ng bahay na nagpadagdag sa mabangong amoy ng bahay. Patuloy lang siya sa pagmamasid sa magandang bahay nang may lumapit sa kanilang matandang babae.
YOU ARE READING
You Shaken My World
General FictionMy First ever story please support and read it. Purong Tagalog lang tayo mga frenny. Lumuluha ako habang unti-unting naglalakad paalis sa lugar na kinalakihan ko. Sa lugar kung saan ang mga masasayang alaala na kinagisnan ko ay biglang naging isang...